Chapter 04

2088 Words
“Okay ka lang?” tanong ni Jaguar habang tinatahak namin ang daan. Tumango ako kahit panay na ang tahip ng aking dibdib. Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko. Kinakabahan ako para sa personal driver. Hindi lang naman kasi ito ang unang beses na pumalya siya sa oras ng uwi ko. Kung bibilangin ko, siguro ay nasa tatlong beses na. Madalas ko talagang nakalilimutan ang magpaalam, lalo na kung biglaan ang lakad. Ewan ko rin kasi kay Daddy, lagi’t lagi niyang sinasabi na mahalaga para sa kaniya ang performance ng tauhan. Kaya kapag may kaunting mali lang o palya, agad-agad na nasisisante. Maling mali. Nang marating namin ang gate, namataan ko kaagad sa hindi kalayuan ang pajero. Saglit akong humarap kay Jaguar at ngumiti na talaga nang hindi pinipilit. “Maraming salamat sa tips mo. Sure akong magagamit ko iyon mamaya,” nahihiya kong sabi. Medyo nakokonsensya pa ako dahil baka pansin niyang lutang ako kanina at hindi nakikinig. Nevertheless, babawi na lang siguro ako sa ibang paraan. Kahit ano pa man pero pipilitin. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at tumango. Nagsimula na rin akong maglakad matapos kumaway. Bahagya pang naginginig ang tuhod ko dahil sa nag-aambang makita ang reaksyon ng driver. Nang makapasok na ako sa loob at makaupo sa backseat, kitang kita ang dismayadong eskpresyon ni Manong nang subukan ko siyang tingnan sa rear view mirror. Inalis ko sa pagkakasukbit ang bag ko at ipinatong ito sa gilid. Huminga ako nang malalim nang magsimula nang umandar ang sasakyan. “Pasensya na po, natagalan…” Namataan ko ang marahan niyang iling. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig at prente lang na gumagalaw ng manibela sa harapan. Siguro galit at dismayado pero wala na akong magagawa. Na kay Daddy ang desisyon. Kung sakali mang sisisantehin niya, ako ang bahalagang magpaliwanag. Sana ay mapakinggan niya. Saka twenty minutes lang naman ang delay, hindi naman siguro masama iyon. Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko habang nasa byahe. Tahimik ang bawat segundo at mababanaag sa katahimikang iyon ang pagiging disappointed ni Manong. Magagawa ko kayang makumbinsi si Daddy tungkol sa paliwanag ko? Pero paano kung hindi? Nang marating namin ang bahay, kita ko na agad ang inis na umahon sa mukha ni Daddy. Sa paglabas ko pa lang ng sasakyan kasabay ni Manong, agad na siyang nagsalita habang hawak sa kaliwang kamay ang regadera. “Sisante ka.” Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanilang dalawa. Inaayos-ayos ko pa ang pagkakabagsak ng buhok ko at sinukbit sa balikat ang bag. “Dad! Kasalanan ko po. Hindi ko po kasi inasahan na magtatagal pala ako sa loob ng school dahil may kinausap ako.” “Pero anak, ‘di ba’t may bilin ako? Mag-text ka sa akin at mag-text ka rin sa driver mo, paano na lang kung may nangyari na palang masama? Lintik ang pag-aalala ko kahit na ilang minuto pa ‘yan Mossa.” Ito ang mahirap sa isang magulang na overprotective dahil kahit na ano pang paliwanag ko, may mga puntong hindi nila mauunawaan. Ngunit hindi ko rin masisisi si Dad. Namatay kasi ang nakababata niyang kapatid noong bata pa sila. Kinidnap daw at nakita na lang na walang buhay sa isang damuhan. Lagi niyang pinapaalala sa akin noon na dapat daw magbigay ako ng update lalo na kung may mga gagawin. Dahil parusa na para sa akin ang pagsisisante niya sa mga tauhan na pumalya sa paghatid sa akin sa tamang oras. Bagsak ang balikat ko nang pumasok sa kwarto. Masyado ang pagsisisi ko. Hindi ko naman pwedeng sisihin si Carrie dahil responsibilidad ko naman talaga na mag-text at magpaalam kahit papaano. Nagbihis kaagad ako at umupo sa study table. Saglit kong ni-chat si Carrie na huwag munang tumawag at umistorbo dahil magrereview na ako. Nang settled na ay saka ko sinimulan ang pagkakabisa. Sana pala ay pinakinggan ko si Jaguar kanina nang mas mapadali ito kahit papano. Sayang. Halos dalawang oras din ang ginugol ko upang mag-review. Pero heto, knowing na hindi naman ako ganoon katalino, sobra akong nahirapan lalo na sa memorization. Hindi ko naman kasi inaasam na magkaroon ng mataas na grade. ‘Yong tipong okay na sa akin ang makapasa, hindi rin naman tutol doon sila Mommy. Huwag lang daw mapunta sa point na sobrang baba na dahil baka mahirapan ako pagdating sa entrance exam sa kolehiyo. Humiga ako sa kama at binuksan ang Pazelite. Kumunot ang noo ko nang bumungad agad ang mensahe ni Ada. Adalyn Laroque: Kelan kayo free? Nagtipa kaagad ako ng reply. Ako: Baka sa weekends. Bakit? Adalyn Laroque: Makikipagkita lang sana ako sa inyo at may sasabihin na rin. Tanong mo na rin sila Carrie at Trivo kung makakapunta sila. Kaya ang ginawa ko, agad kong ni-chat si Carrie at Trivo. Kapwa naman sila free sa araw na iyon. Nagkasundo na lang kami na sa linggo iyon mangyayari dahil kinailangan pang lumuwas ni Trivo galing Maynila. Kinabukasan, kaagad kong nilapitan si Carrie sa upuan. Ibinalita ko sa kaniya na nasisante ang isang driver namin kaya ang nangyari, si Daddy ang naghatid sa akin. Though kitang kita sa reaksyon niya na nagulat siyang marinig iyon, mas inuna pa rin niyang tanungin kung ano ang napag-usapan namin ni Jaguar sa library. “Kwento ka, may development ba?” Umirap ako. “Anong development development? Crush ko naman siya Carrie pero wala sa plano niya maglandi.” Ngumisi siya at lalo pa akong inasar, loka-loka rin talaga eh. “Pero seryoso? Ano ngang napag-usapan niyo?” “Kasalanan mo rin talaga kung bakit ako nataranta nang wala sa oras. Sana man lang may pasabi ‘di ba? Tinanong ko sa kaniya kung ano ba ang mabibigay niyang tips para maging effective ang pagrereview ko. Sa twenty minutes na paliwanag niya sa akin, wala akong naalala dahil lutang ako. Leche.” Natawa siya at pinaypayan ang sarili. “At least dumadaan na kayo sa proseso.” “Ewan ko sa’yo.” Inilabas ko na lang ang notebook ko at nagre-read ng mga scope ng exam. Mabuti na lang at natahimik din siya. Hopefully, naging maayos naman nang sumapit ang exam. Marami-rami naman akong nasagutan at ilan lang doon ang hindi ako sigurado. Sa ilan pang subject na lumipas ay mabilis din na sumapit ang uwian. Kaagad kong hinarap si Carrie habang inaayos niya ang laman ng bag niya. “Oh, baka may balak ka na namang isama ako sa gala, sabihin mo na at nang makapagpaalam ako,” sabi ko. Tumango naman siya kaya agad ko nang tinext si Daddy. Sobra na akong nadala dahil kung hindi ko gagawin ito, baka hindi na ako payagan magtagal pa rito sa school. Nang ma-send na ang text ay hinintay ko muna ang kaniyang reply. Nang pumayag siya ayon sa mensahe ay saka lang kami naglakad ni Carrie palabas ng room. “Saan tayo pupunta?” tanong ko. “Hanapin natin si Jaguar.” Hindi na ako nagulat pa. May part din naman kasi sa akin na sang-ayon sa ganito. Sino ba namang hindi matutuwa kung makita mo ang crush mo ‘di ba? Nang makitang wala si Jaguar sa library ay parang detective na nag-isip si Carrie. Natawa na lang ako dahil seryosong seryoso siyang nag-iisip habang tinatahak namin ang pasilyo. Palayo na kami sa library. “Ganon ka na ba ka-desperada para maging kami?” Humalukipkip siya at hinarap ako habang tuloy pa rin ang hakbang. “Oo naman. As your friend kasi, gusto ko maging memorable ang first legal boyfriend mo. Saka anong malay natin, baka mag-click talaga kayo ni Jaguar.” “Kung love life mo kaya ang asikasuhin mo.” She rolled her eyes. Suplada talaga. Ilang hakbang pa ay nasa oval na kami. Napahinto kami nang makita si Jaguar sa hindi kalayuan. Dahan-dahan ang lakad nila ng kasama niyang si Harlet at masayang nag-uusap. Kaklase niya si Harlet at tulad niya, kilala ding nage-excel sa academics. Nasaktan ako nang bahagya nang makita ang matamis niyang ngiti kasama ang babae pero wala rin naman akong magagawa. Besides, crush ko siya at hindi naman niya ako girlfriend. “Wow,” mahinang bulong ni Carrie na mukhang tulad ko ay nagulat. “Tingin mo nagkakadevelopan sila?” Nag-kibit balikat ako. Mabuti na lang at hindi namin sila makakasalubong. Nasa kabilang side kasi sila ng oval at malayo-layo pa ang tatahakin upang magtagpo ang daan namin. “Bagay din naman sila e…” Niyugyog ni Carrie ang balikat ko. Pilit naman akong ngumiti at inassure na okay lang naman ako. “Ano ba, para naman ‘tong ewan. Malay mo magkaibigan lang ‘di ba?” wika niya. Tumango-tango ako. “Oo, kaya tara na. Hayaan na natin.” “Pero okay ka lang ha? Sa mga susunod sige, akong bahala. Magiging kayo rin, sinasabi ko’sayo.” Ang ending, napunta na lang kami sa isang milktea shop at doon ginugol ang isang oras. Kung ano-ano rin ang napagkwentuhan namin tungkol kay Jaguar at ganoon din sa personal niyang buhay. When Sunday came, excited akong gumising at inayos kaagad ang sarili. Ito na kasi ang araw na muli kaming magkikita-kita ni Ada. Matagal na rin kasi ‘yong huling bisita namin sa kanila. I wore my white linen top and wide leg pants. Pinasadahan ko rin ng lip gloss ang labi ko at naglagay ng kaunting eye shadow. Kumatok sa pinto ng kwarto ko ang katulong at sinabi na nasa baba na raw si Carrie. Si Trivo naman ay nag-chat na on the way na rin daw siya. “Susunduin ko si Ada sa dalampasigan. Dito ka lang muna para may kasama si Trivo mamaya,” bilin ko kay Carrie nang makababa ako. Sumang-ayon naman siya at ngumiti. Nagmamadali kong tinawag ang temporary driver. Oo, temporary dahil hindi rin naman daw siya magtatagal dito sa Capgahan, ang sabi’y sideline niya lang daw ito at aalis na lang kapag nakahanap na ng bago. Ewan ko ba kay Daddy. Sinabi ko naman sa kaniya na kasalanan ko talaga iyon pero ayaw niya talaga bigyan ng second chance yoong driver na nasisante. Ayan tuloy, nahihirapan na maghanap ng bago. At kung meron man, alam namang hindi magtatagal dahil hindi permanente. Habang nasa byahe, hindi ko pa rin talaga mapigilang mamangha sa ganda ng Capgahan. Trademark na talaga nito ang nagtataasang mga puno ng niyog at ang white sand na lalong nagdepina sa kulay asul na karagatan. Halos tulad din ito sa Isla Agunaya, ang kaibahan nga lang, mas asensado ang isla namin kaysa sa isla nila Ada. Ilang minuto pa ay huminto na rin sa tabi ng kalsada ang Pajero. Agad akong lumabas at naglakad hanggang sa maramdaman ang puting buhangin. Prente kong pinasadahan ng tingin ang buong dalampasigan. May mangilan-ngilan na naliligo sa dagat at marami rin ang gumagawa ng sand castle sa lilim. Tipikal na araw kasi ang linggo para sa ganitong outing. Pero tuwing weekdays, tahimik lang ito at hindi ganoon karami ang tao. Tumayo ako sa ilalim ng puno ng niyog. Naghihintay sa bangka na sakay ni Ada. Ilang sandali pa ay namataan ko sa hindi kalayuan ang maliit na bangka at sa paglapit nito, alam kong sila Ada na ang sakay nito. Umayos ako ng tindig at pinagmasdang mabuti kung sino ang kaniyang kasama. Nang huminto ito at iahon ang bangka sa tuyong buhangin, naging malinaw sa akin ang kanilang imahe. Ganoon na lamang ang bilis ng t***k ng puso ko nang malaman kung sino iyon! Oh my god! Kuya niya? Bakit niya kasama ang kuya niya? Huminga ako nang malalim at mahinang tinampal ang sarili. Umayos ka Mossa, masama na ang impresyon ng lalaking iyan sa’yo, huwag mo nang dadagdagan pa! Nakakainis, hindi ko mapigilan ang pagkapraning ko! Kusa na akong naglakad at hindi na sila hinintay pang makalapit sa akin. Pilit akong ngumiti at sabik na niyakap si Ada. Saglit akong tumingin sa kaniyang likod. Nang magtama ang mga mata namin ng Kuya Kaloy niya, para akong namutla. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko at hindi napigilang manginig ang tuhod. "Kasama mo ang kuya mo?" bulong ko. "Oo, sumama siya sa akin. Naging strikto na siya mula noong nangyari iyong sa debut mo, pasensya na." Tumango ako at binasa ang sariling labi. Ramdam ko kasing nanunuyo na iyon. Nagulat na lang ako nang bigla niyang yugyugin ang aking balikat. "Huy, ano ka ba? Mabait 'yan si Kuya, hindi naman mangangain 'yan." Sana nga Ada. Sana nga mabait talaga. Dahil kung hindi, baka pilitin ko na lang na lunurin ang sarili sa dagat dahil sa labis na kahihiyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD