UNTI-UNTI na dinilat ni Emerald ang mga mata. Nakapatong ang ulo niya sa malapad at matigas na dibdib ni Gabriel at nakalapat din ang isang kamay niya roon. Nakapulupot naman ang isang braso nito sa kaniya. Wala itong suot na pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot nito kaya ramdam niya ang init ng katawan nito kahit naka-full blast ang aircon.
Suot naman niya ang long sleeve nito na hinubad nito kanina roon sa opisina nito. Pinasuot nito iyon sa kaniya bago siya nito binuhat papunta rito sa kuwarto.
Gumalaw siya pero agad din na natigilan nang humigpit ang yakap nito sa kaniya. She felt his lips pressed on her hair.
Tiningala niya ito. Nakapikit ito pero alam niyang hindi ito tulog, base na rin sa hindi patag na t***k ng puso nito.
“Bakit gising ka pa?” tanong niya.
Nagmulat ito ng mga mata. Hinalikan nito ang noo niya, pagkatapos ay tinititigan siya.
Medyo madilim ang kuwarto dahil tanging ang lampshade sa night table lang ang nakabukas.
“How do you feel?” he asked, instead.
Uminit ang pisngi niya. “Masakit pa rin,” aniya at agad itinago ang namumulang mukha sa dibdib nito sa hiya.
Matapos ang nangyari sa kanila roon sa opisina, dinala siya nito rito sa kanilang kuwarto at sa pagod ay nakatulog siya.
Natawa naman ito. Kinurot niya ang tiyan nito. Namangha pa siya nang wala man lang siyang makapang taba roon. Ang tigas.
“But I’m glad, na hindi ka na nilagnat katulad nang una.”
Mas lalong uminit ang mukha niya. She groaned at mas lalo pa niyang ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Muli itong natawa at hinalikan ang ituktok ng ulo niya.
Ang laki at haba naman kasi nito samantalang birhen pa siya kaya sinong hindi lalagnatin?
Napaisip tuloy siya kung na-satisfy ba ito. Is he satisfied? Nasiyahan ba ito? Paano kung hindi? Maghahanap ba ito ng ibang babae na makakapagpa-satisfy ng pangangailangan nito?
Marami itong mga babae kaya hindi imposible.
Inalis niya ang pagkakasubsob ng mukha niya sa dibdib nito at muli itong tiningala.
“Did I satisfy you?”
Kumunot ang noo nito. Itinaas na rin ang mukha para mas mapagmasdan siya ng maigi.
“Wala akong karanasan sa ibang lalaki, maliban sa iyo, kaya hindi ko alam kung na-satisfy ba kita katulad ng sa mga babae mo.”
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Dumilim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy may malaki siyang kasalanan. May mali ba sa sinabi niya?
“What made you think of that? Was it because of that woman? Iniisip mo pa rin ba na babae ko siya?”
Hiyang-hiya na siya sa iniakto niya. Pero gusto talaga niyang malaman ang totoo nitong saloobin.
“Sagutin mo na lang ang tanong ko,”
Tuluyan na siyang umahon mula sa pagkakahiga sa dibdib nito at naupo paharap dito.
Bumangon na rin ito at hindi man lang nagbago ang madilim nitong hitsura. His intense brooding eyes bore into her.
Hindi niya iyon matagalan kaya iniwas niya ang tingin dito. Bumaba Naman iyon sa hubad nitong dibdib.
“Yes, I’m more than satisfied, Emerald. And you know, I’ve never been that satisfied my whole life.”
Muling nabalik ang tingin niya rito at agad na nagtama ang mga mata nila. Wala siyang ibang nakikita sa abuhing mga mata nito kundi kaseryosohan.
Her heart is pounding so hard in her chest. Nakaramdam naman siya ng saya na nasa-satisfy niya ang pangangailangan nito bilang lalaki.
Ngumuso siya. Titig na titig pa rin ito sa kaniya kaya muli siyang nag-iwas ng tingin dito.
Gabriel sighed and held her chin with the tip of his fingers, kaya muli siyang napatingin dito at muling nagtama ang mga mata nila.
“How about you? Did I satisfy you?”
Namilog ang mga mata niya. Uminit din ang mukha niya kaya muli niyang iniwas ang mga mata rito.
“Bakit ganiyan ang tanong mo?”
Marahan din niyang tinabig ang kamay nitong nasa mukha pa rin niya. Inalis naman nito iyon pero hinawakan naman nito ang kamay niya.
“Binalik ko lang ang tanong mo sa akin kanina. Did you enjoy it, hmm? Dahil ako, sobra akong nag-enjoy at gusto ko pa iyong maulit.”
Agad siyang kinabahan sa huling sinabi nito. Nagkatitigan sila.
“Ang alin? Iyong isasampa mo ako sa lamesa sa opisina mo?” Huli na rin para maisip ang sinabi niya.
He laughed. Hiyang-hiya na naitulak niya ito pero hindi man lang ito natinag at hinawakan nito ang dalawang palapulsuhan niya.
Tumigil ito sa pagtawa at tinititigan siya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nito. Passion, desire, lust and amusement. Iyon ang nakikita niyang mga emosyon sa abuhing mga mata nito.
“Do you like that?” he asked, still look amused.
Mas lalong kumalabog ang dibdib niya. Tila may kumiliti rin sa tiyan niya nang biglang nag-flashed ang posisyong iyon sa utak niya. Yes, gusto niya ang posisyong iyon, pero nang maisip na baka gano’n din ito sa mga babae nito, na kapag naabutan ito ng libog sa opisina nito, gano’n din ang ginagawa nito at ng babaeng kasama nito.
Umiling siya. “Hindi.” inis na aniya.
Hinila niya ang kamay niyang hawak nito at bumaba siya ng kama.
“Where are you going?” tanong nito, nahimigan pa niya pag-alala ang boses nito.
“Magbibihis lang ako at giniginaw ako.” Sagot niya, at agad itong tinalikuran at pumasok siya ng walk-in closet.
Kumuha siya ng bihisan at tumuloy sa banyo. Huminga siya ng malalim. Pinapakalma niya ang nagwawala niyang puso sa sobrang pagtibok.
Naghugas siya nang katawan pero bawat lapat ng mga kamay niya sa katawan ay ang mga kamay naman ni Gabriel ang naiisip na naglalakbay sa buong katawan niya.
Shit. Get a grip, Emerald. Nagiging mahalay ka na! Kastigo ng isip niya sa sarili.
Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at agad din na nagbihis. Palabas na siya ng banyo nang mahagip niya ang hitsura sa malaki at rectangular na salamin dito sa loob.
Lumapit siya roon at tinititigan niya ang sarili sa salamin. She looks flushed. Namumula ang pisngi niya at namamaga rin ang mga labi dahil hindi iyon tinigilan ni Gabriel kanina. Kita rin niya ang kakaibang kislap ng mga mata niya na hindi niya makita noong mga panahong hindi pa sila nagkakakilala ni Gabriel.
Napahawak siya sa tapat ng dibdib niya. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso niya. She’s really in love with Gabriel. Ramdam din niya ang pagbabago ng katawan niya.
Bumuntonghininga siya. Wala na siyang balak na pigilan pa kung ano ang nararamdaman niya para kay Gabriel.
Muntik na siyang mapasigaw nang sa pagbukas niya ng pinto ng banyo ay mukha ni Gabriel ang agad na bumungad sa kaniya. Patagilid na nakasandal ang katawan nito sa pader malapit sa pinto ng dingding.
“Ah, tapos na ako, puwede ka ng pumasok.”
Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan nito ang siko niya at marahang hinila kaya agad nagdikit ang mga katawan nila. Suminghap siya sa init na agad na nararamdaman niya. Para siyang tuyong dahon na nadikit lang sa apoy ay agad din na nagningas.
“I’m sorry. Hindi ko na iyon uulitin pa. If you think I disrespected you, I’m sorry. It’s just that I was so turned on na hindi ko na kayang umabot pa tayo rito sa kuwarto.”
Her breathe hitched. Hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin. Nanatiling nakatitig lang siya sa mukha nito. He looks so sorry. Malamlam ang mga mata at nagsusumamo.
Napalunok siya. “I gave you the permission, kaya hindi mo kailangang humingi ng sorry.”
“Pero hindi mo iyon nagustuhan—”
“Gusto ko iyon,” putol niya, na nagpatigil naman dito.
Bahagya pang umawang ang bibig nito.
“What?” he asked, confused. “I thought—”
“Gusto ko iyon kahit masakit. Ang hindi ko lang gusto ay ang isiping ginagawa mo rin iyon sa mga babae mo, kaya nasabi ko sa iyo iyon dahil naiinis—”
Agad nalunod ang mga sasabihin pa sana niya nang bigla na lang nitong sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. Saglit lang siyang nagulat pero agad din na nangunyapit ang mga braso niya sa leeg nito habang sinasagot niya ang mga halik nito.
“F**k. I really thought, you’re mad because of that and you didn't like that,” hinihingal pang sabi nito dahil sa halikan nila.
Nakapatong ang noo nito sa noo niya at parehong nakaawang ang basa at namumulang mga labi nila para sumagap ng hangin.
“How I wished, our paths crossed, even before those girls. Wala sana tayong issue ngayon sa pagkakaroon ko ng maraming babae. From now on, sisiguraduhin kung wala ng makakalapit na babae sa akin nang hindi mo alam.” Sabi nito, bago siya pinangko at muling dinala sa kama.
Suminghap siya at agad na mahigpit na nangunyapit sa leeg ni Gabriel sa takot na baka mahulog siya.
He laid her on their bed. Sumampa ito sa ibabaw niya at muling hinalikan na kaaagad naman niyang tinugon.
“I won’t deny, na nagawa ko na iyon ng ilang beses sa magkaibang babae, pero sa ‘yo ko lang ‘yon gustong ulit-ulitin,” he said and stared at her for seconds.
Ulit-ulitin. Uminit ang mukha niya.
"At ako lang ang magpaparanas n'yon sa 'yo. I will not allow another man will do this to you. Ako lang. Sa akin ka lang, Emerald. Akin ka lang," he said territorially, then he kissed her again.
Tila siya nilunod muli sa sarap na hatid ng mga halik nito at wala siyang kakayahan kundi ang sagutin ang mga halik nito at muling magpaubaya.
That night she gave herself to Gabriel. Again and again.
Nagising siya na magaan ang pakiramdam kahit ramdam niya ang pananakit ng katawan lalo na ang pagitan ng mga hita niya.
Napatingin siya sa lalaking nakapulupot ang mga braso sa katawan niya. Kulang na lang ay pahigain siya nito sa ibabaw ng katawan nito. Tulog na tulog pa rin ito at bahagya pang nakaawang ang natural na mapupula nitong mga labi.
But as much as she wanted to stared at him all day, hindi naman puwede. Kailangan na niyang bumangon at maligo dahil may pasok siya at gano’n din ito. Siguro walang kaso kay Gabriel dahil ito naman ang boss, kahit ma-late pa ito, okay lang. Pero siya? Hindi puwede.
Hinawakan niya ang braso nitong nakapulupot sa tiyan niya at itinaas iyon para maalis. Napangiwi pa siya sa bigat ng braso nito. Nang tuluyan siyang makawala rito ay agad din siyang bumangon.
Pumasok siya ng banyo at naligo. Matapos makapagbihis nang pampasok sa trabaho, lumabas siya ng kuwarto at nakigulo sa kusina kasama sina Manang Henya, Sabel at Dory. Kahit na sinasaway siya na ‘wag ng tumulong pero hindi pa rin siya nagpaawat sa mga ito.
“Ma’am, magkasabay po ba kayong umuwi ni Sir Scott kagabi?” biglang tanong ni Dory sa kaniya.
“Oo, Dory, bakit?” sagot niya.
Saglit pa niya itong sinulyapan at muli ring ibinalik ang atensyon sa pagahahalo ng niluto niyang fried rice.
“Ah. Pumasok ba siya sa opisina niya?” muling tanong nito.
Natigalan siya at agad na kinabahan. Nabitiwan pa niya ang hawak na sandok. Lumikha iyon ng ingay pero hindi naman nahulog.
“Emerald, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Manang Henya, na mabilis na nakalapit sa kaniya para tingnan kung ano ang nangyari.
“O-Opo, sorry po.”
Kumunot ang moo nito at bumaling kay Dory.
“Bakit ka ba nagtatanong ng gano’n, Dory? Hindi naman iyon nakapagtataka dahil lagi naman na pagkauwi ni Sir, dederetso iyon sa opisina niya rito at muling magtrabaho.”
“Oo nga po, Manang. Kaya lang unang beses naman na parang binagyo po ang opisina ni Sir. Kaya nga po ako nagtagal doon kanina para ayusin ang mga nagkalat na mga files na nasa sahig, tapos iyong lampshade nasa sahig din at basag,” paliwanag naman nito.
“Baka galit si Sir Scott at nagwala,” ani ni Sabel at tiningnan pa siya nito.
Muling nabaling ang tingin sa kaniya ni Manang Henya at tinititigan siya. Pinamulahan siya ng mukha sa klase ng titig ng matanda sa kaniya.
"Nag-away ba kayo, hija?" tanong nito, may pag-aaalala pa siyang nakitang dumaan sa mga mata ng matanda.
Napalunok siya at umiling. "Hindi naman po, Manang,"
Muli niyang binalingan ang kaniyang niluluto.
“Ah, okay na po ito, Manang. Puwede na po itong ihain sa mesa,” aniya, at umalis na sa harap ng kalan para makaiwas sa nanunuring mga mata ng matanda.
Mabilis din niyang tinanggal ang suot na apron at ibinalik sa lalagyan.
“Aakyat lang po ako sa kuwarto,” paalam niya at nagmamadaling lumabas ng kusina.
Malakas ang pintig ng puso niya sa kaba, na baka makita ni Manang Henya sa hitsura niya ang totoong nangyari at kung bakit magulo ang opisina ni Gabriel.
“I’ll go straight in North’s law firm. Doon na lang din tayo magkita, Ze.”
Nahinto siya sa may paanan ng hagdanan at hindi na natuloy sa pag-akyat nang marinig niya ang boses ni Gabriel. Nakita naman niya itong pababa na ng hagdanan. Nakabihis na ito ng pang-opisina.
Nang mag-angat ito ng tingin at makita siya ay saglit pa itong natigilan. Pero muli ring ipinagpatuloy ang pagbaba habang ang mga mata ay nakatuon na sa kaniya.
“I’ll hang up now.” Sabi nito sa kausap, nang hindi man lang inaalis ang mga mata sa kaniya.
Ibinaba nito ang phone at isinuksok sa likod ng suot nitong coat.
“Good morning,” bati niya rito, nang tuluyan na itong makababa.
Nagulat naman siya nang mabilis siya nitong hinapit sa baywang at ilang sandali pa ay sakop na ng mga labi nito ang mga labi niya.
“Good morning,” sabi nito, nang pakawalan nito ang mga labi niya.
Uminit ang pisngi niya.
Kumikislap ang mga mata nito habang titig na titig sa kaniya na para bang meni-memorize nito ang bawat detalye ng mukha niya. Pero tila may kakaiba siyang nakita sa kislap ng mga mata nito. Lungkot? Pero bakit naman ito malulungkot?
Hindi pa rin nito inalis ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya.
Pero nang maalala niya ang sinabi ni Dory kanina, agad siyang napaatras. Kumunot naman ang noo nito.
“What’s wrong?” he asked gently.
“W-Wala,” iniwas niya ang tingin dito. “Uh, sige na baka ma-late ka—”
“What’s wrong?” ulit nitong tanong, na nagpatigil sa kaniya. May diin na rin sa boses nito.
Napalunok siya. “Maagang pumasok si Dory sa opisina mo kanina…” nakagat niya ang pang-ibabang labi at mas lalong uminit ang mukha niya sa hiya.
Gabriel’s one eyebrow arched. “And?”
Napanguso siya. “Nakita niya ang mga nagkalat na mga gamit mo at mga files sa sahig.”
Now he looked amused. Nawala ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Bumalik ang kislap sa mga mata nito, na para bang naaalala kung bakit nagkalat ang mga gamit nito sa sahig ng opisina nito.
Then he chuckled. Para bang tuwang-tuwa pa ito. May kapilyuhan na rin na naglalaro sa mga mata nito.
Nainis siya kaya hinampas niya ito sa dibdib pero mas lalo lang itong natawa at kinabig siya at niyakap.
Suminghap siya nang halikan nito ang gilid ng leeg niya at sinipsip pa nito roon ang balat niya.
She gasped in pain, but she was feeling hot at the same time. Inilapat niya ang dalawang palad sa dibdib nito at itinulak ito. But knowing Gabriel, hindi ito basta-bastang natitinag lalo pa at bigla siyang nanghina sa ginawa nito.
“Gabriel, seryoso ako. Nakakahiya. Iyong suot ko kagabi, lalo na iyong panty at bra ko—”
Mas lalong natawa ito na nagpatigil naman sa kaniya sa pagsasalita. Muling nahampas niya ang dibdib nito. Natigil naman ito sa pagtawa at ibinaba ang mukha nito sa naka-exposed niyang balikat at pinatakan naman nito iyon ng halik at bahagya pang kinagat na nagpasinghap na naman sa kaniya.
This man!
“Don’t worry, babe. Mga files lang naman at ibang gamit ang nakita ni Dory, nothing more, I promise,” he said and softly bites her ear.
She gasped again. He chuckled again. Pero nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi nito. Kinabahan talaga siya na baka nakita ni Dory iyong mga damit niyang hinubad ni Gabriel, lalo na ang panty at bra niya.
Bago pa may makakakita sa pinaggagawa nito sa kaniya, itinulak na niya ito. Nagpaubaya naman ito.
“Tayo na nga, mag-almusal na tayo,” aniya at nagpatiuna ng pumunta sa dining area.
Pinaghila siya nito ng upuan malapit sa kabisera kung saan ito uupo. Nagpasalamat siya rito at naupo kaagad. Naupo na rin ito. Ilang sandali pa ay dumating si Manang Henya at dala ang kape nito.
Niyaya niyang kumain si Manang Henya pero tapos na raw ito kaya hinayaan na lang niya. Umalis din ito at bumalik sa loob ng kusina.
“Anyway, Zephieru is the one I was talking to earlier on the phone,” seryoso ang boses na biglang sabi ni Gabriel.
Binaba niya ang kutsara at tinidor na hawak at nag-angat siya ng tingin dito. May kakaiba rin sa hitsura nito na hindi niya kayang pangalanan. Iyong lungkot na nakikita niya sa mga mata nito kanina ay naroon na naman.
“Bakit? May problema ba?” hindi na niya napigilan na itanong.
His jaw clenched. Nang bumaba ang tingin niya sa mga kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa, nakita niyang nakakuyom na iyon. May problema talaga yata ito.
“No, may pag-uusapan lang kami ni North kasama si Zephieru.”
Bumalik ang tingin niya sa mukha nito.
“Sa opisina na rin ako ni North dederetso ngayon. But I’ll be in the office at lunch…” tumigil ito sa pagsasalita at pinasadahan ng tingin nito ang suot niya.
Napayuko naman siya at tiningnan ang suot niya at baka may dumi pero wala naman. Muli siyang nag-angat ng tingin dito at nanatili pa ring nakatingin si Gabriel sa suot niya.
“B-Bakit?” nautal pa siya.
Bigla siyang nailang sa klase ng tingin ipinupukol nito lalo na sa naka-expose niyang balikat.
His jaw clenched. Inangat nito ang mga mata sa mukha niya.
“Can you change your dress to a blouse and jeans?”
She’s wearing a light blue summer sleeveless V-neck belted A-line dress. It was above the knee. Pinaresan din niya iyon ng 3-inch black ankle buckle stiletto heels. Naisip kasi niyang magsuot ng dress dahil wala naman itong schedule na site visit ngayong araw. Pero mukhang hindi yata nito gusto ang outfit niya.
Wala silang particular na uniform na mga intern. Nabasa na rin niya ang rules and dress code ng kompanya at pasok naman itong suot niya. Kaya bakit siya nito pinagpalit. Did he find it inappropriate?
Ito naman ang bumili nito para sa kaniya. Kaya paanong hindi nito magugustuhan? ‘Di sana hindi na lang nito iyon binili.
Ngumuso siya sa biglang inis na naramdaman niya.
She heard him sighed. “Cause you’re too beautiful in my sight. Baka hindi ako makapag-concentrate sa trabaho at lagi na lang kitang titigan.”
Suminghap siya. Agad na namang uminit ang pisngi niya.
Matapos niyang kumain, sinunod niya ang gusto nito. Nagbihis siya ng panibagong damit na naaayon sa gusto nito.
Hinintay pa siya nito na makaalis kasama ang driver na si Manong Pilo na itinalaga nito para sa kaniya bago ito sumakay sa sasakyan nito at sinundan ang SUV na kinalululanan niya.
Pero nang nasa highway na sila ay nawala na ang sasakyan nito na nakasunod sa kanila dahil magkaiba naman ang rota ng kompanya nito at ng law firm ng pinsan nitong si Zach.
Pakiramdam talaga niya may problema si Gabriel. Pero kung ano man iyon, sana malutas din nito iyon agad.