SIMULA
MABIGAT ang mga paang naglalakad si Scott Gabriel patungo sa kung saan nakaparada ang kanyang gray Audi Q6 E-Tron. Dinukot niya ang susi sa kanyang bulsa at pinindot iyon para patunugin ang sasakyan.
Nasa meeting siya kanina kasama ang mga board members ng SGDSteel Enterprises & Constructions nang tumawag ang kaniyang ina at pinaalalahanan siya na kailangan niyang pumunta sa DSCEC Tower para sa pagbabasa ng mga naiwang ari-arian ng kanilang namayapang abuelo.
He sighed.
Former Judge Clifford Augustus De Sandiego passed away last month. And now he needs to be there. Well, not only him but all his cousins, uncles, and aunties.
Hindi na rin siya magtataka kung naroon din ang mga magulang niya at ang kapatid niyang si Scarlett.
He misses his sister, though.
"Good afternoon, Sir," bati sa kanya ng guard.
He just nods his head to the guard and continue walking towards his car.
Nang makarating siya sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan, kaagad niya iyong binuksan at pumasok sa loob. He started the engine and drove away.
Nang marating niya ang DSCEC Tower ay kaagad siyang nag-park sa reserved parking space na nakalaan para sa kanya.
He eyed the latest model cars parked in the spacious parking lot.
Napangisi siya nang makita niya ang kulay puting Montero sport ni Jacob katabi naman nito ang kulay itim na audi08 ni Zacharias.
Nilingon din niya ang reserved parking lot ng kanyang mga magulang. Mukhang wala pa ang mga ito. Wala pa kasi ang sasakyang karaniwang ginagamit ng mga ito.
Kaagad siyang bumaba ng sasakyan at naglakad na papasok sa loob ng Tower.
"Good afternoon, Sir Scott," bati sa kanya ng guard na nakatalaga sa may entrance ng building.
Tanging tango lang ang isinagot niya at gano'n din sa mga empleyadong bumabati pagkapasok niya sa loob at bahagya pang yumuyuko.
Nakakunot ang kaniyang noong pumasok siya sa loob ng private lift.
He wondered. What if he is an ordinary employee or person in this country? Are they still going to bow to him or greet with a smile to him, at least?
He unconsciously shrugged his shoulder about that.
Dahil alam niyang hindi. Maybe they will glance at him, but that was because of his looks, especially women. Thanks to his parents and their good-looking genes.
Paglabas niya ng lift ay sumalubong kaagad sa kanya ang secretary ni Attorney Lenard Besmonte.
"Good afternoon, Sir Gabriel." Malaki ang ngiting bati ng babae sa kanya na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo.
Who told this Lad to call him that name? Bahagya lang siyang tumango at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakita naman niya itong umagapay sa paglalakad sa kanya.
His forehead creased. Seriously? Lagi ba nito iyong ginagawa? Ang sunduin kung sinuman ang lumabas sa lift at ihahatid sa conference room?
"Are they here?" malamig ang boses na tanong niya sa babae, nang huminto siya sa may tapat ng tinted double glass door ng conference room.
"Hindi pa lahat, Sir Gab," tugon nito sa malanding boses.
His hands turned into fist and stared at her coldly.
"Who told you to call me by that name?" he coldly asked.
Kita niya ang pagkasindak ng mukha nito at bahagya pang napaurong. No one dared to call him that name except his family. And this b***h has a gut to call him that!
"I'm s-sorry, Sir." Nakayukong hingi nito sa kanya ng paumanhin.
Damn! Why does he need to be here?
"Next time, watch your mouth, woman.” He warned.
"S-sorry po,"
"Hey brute, sinindak mo yata si Miss Secretary." North said, may nakaa
Agad na napalingon siya sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ni North. At ang nakakalokong ngiti nito ang bumungad sa kanya, kasama nito ang dalawa pa nilang pinsan. Sina Grayzon Isaac and Reid Hunter.
He shrugged his shoulder at nakipag-fist bump lang sa mga pinsan. Wala siyang pakialam kung nasindak man ang babae. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang tawagin siya sa second name niya sa taong hindi naman niya kamag-anak.
"Good afternoon, Sirs," bati nang babae sa mga pinsan niya.
Namumula pa rin ang mukha nito at yumuko nang bahagya bago nagpasintabi.
"She's into you," ani Reid na saglit pang sinulyapan ang babae.
Napailing lang siya at walang pakialam na binuksan ang pinto ng conference room at kaagad ng pumasok.
"Sorry Miss Allejo, allergic pa sa babae itong engineer namin eh."
Narinig niya pang sabi ni North sa babae bago siya tuluyang nakapasok sa loob ng conference. He just tsked.
"Early as ever double king,"
Napailing na lang siya nang maunahan siya ni North sa pagbati kina Zacharias at Jacob na magkatabing nakaupo sa likod ng long oblate table.
Tamad kasi iyan si North kaya ganyan 'yan tawagin ang kambal kapag nagsasama 'yang dalawa.
"Palibhasa tamad," Zacharias muttered na ikinatawa lang ng loko. Well, sanay na rin kasi ang kambal sa tawag sa kanila ni North.
"Hey," aniya kay Jacob at nakipag-fist bump dito.
Isa-isa rin niyang nilapitan ang iba pa nilang pinsan para batiin ang mga ito at makikumusta. Gano'n din sa mga Tita at Tito nila bago naupo sa upuang nakalaan para sa kanya.
Inilibot niya ang paningin sa apat na corner ng conference room. Wala pa ang Daddy at Mommy niya kaya wala pa rin ang kapatid niyang si Scarlett.
"Where's Yelena and Reichel?" tanong niya kay Jacob, nang mapansin niyang wala rito ang mga kapatid nitong babae.
"Yelena's with Reichel in Europe. May emergency si Reichel kaya hindi makauwi," tugon nito na ikinatango lang niya.
Ilang minuto pa ang nagdaan bago dumating ang mga magulang niya kasama ang kapatid niya. Nang makalapit ang ina ay agad siya nitong niyakap. Tinanguan lang niya ang kanyang ama.
"I miss you so much, kuya Gab," sabi ni Scarlett at mahigpit siyang niyakap.
Napangiti siya. He misses her too.
“Miss you too, brat,” bahagya niya pang ginulo ang buhok nito nang bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kaniya.
"When will you be home?" nakalabing tanong nito.
"I will be there soon, brat."
"When that soon, Kuya?" maktol nito.
He pursed his lips and smirked. Hinila niya ang upuan sa tabi niya pinaupo ito. Almost two weeks na siyang hindi umuuwi sa mansion ng mga magulang dahil sa pagre-rebelde niya.
Mula nang mag-away sila nang kanyang ina tungkol kay Natasha ay sa condo muna siya umuuwi. He wants to settle down with his long-time girlfriend, but his parents were against about his plan on marrying her. Kaya nag-away sila.
But maybe his mother was right. Natasha wasn't the kind of wife he wanted. Tinanggihan siya nito nang mag-proposed siya rito last week.
Dahilan nito, may mga pangarap pa itong hindi pa nito naaabot. Mas pinili nito ang pangarap nitong maging Victoria Secret Model sa Paris kaysa sa kaniya. At hindi man lang ito nagdadalawang isip na iwan siya sa inarkila niyang restaurant sa gabing iyon at umalis ng bansa. Ilang araw iyon naging usap-usapan ng buong media at pinahiya niya ang kaniyang pamilya sa nangyari.
Kumuyom ang kamao niyang nakapatong sa mesa. Sa lahat ng babaeng na link sa kanya, kay Natasha siya pinakaseryoso. He invested his feelings on her. He loves her and even gave what she wants.
Laging siya ang sumusuyo kapag nagtatampo ito o di kaya'y nagagalit. Kailanman ay hindi siya nawalan ng oras sa babae kahit gaano pa siya ka-busy sa kanyang trabaho. His world revolves around her but damn, still he was not enough for her.
But call him a fool, but still, he's waiting for Natasha to come back and marry him.
"Good afternoon, ladies and gentlemen,"
Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig niya si Atty. Besmonte. Hindi siya nag-angat ng tingin at pailalim lang niya itong tiningnan.
"As we can see, today is the day I'm going to read the last will and testament of Judge Clifford Augustus De Sandiego," panimulang sabi ni Attorney Besmonte.
Inilibot nito ang mga mata sa kanilang lahat.
Nakita niyang may inilapag ang secretary nito na isang maliit na puting sobre sa harapan nilang lahat, maliban sa mga magulang niya at mga Tita at Tito.
"Sa loob ng sobreng 'yan ay isang sulat kung saan nakasaad ang gagawin niyo bilang apo ni Judge Clifford De Sandiego bago ninyo makukuha ang inyong pamana." wika ni Attorney Besmonte bago pa man may isa sa kanilang magtanong.
"Is this legit?"
Napatingin siya kay Scarlett nang marinig niya itong nagtanong ng gano'n. Kita niya kung paano napunta rito lahat ng atensyon ng mga kamag-anak niya.
He smirked upon hearing his sister's question. Gano'n rin kasi ang laman ng isip niya.
"Honey, your mouth," nakangiting sita ng kanilang ina.
Scarlett shrugged her shoulder at dinampot ang sobreng nasa harap nito.
Gano'n din ang ginawa nang iba pa niyang mga pinsan. Isang katahimikan ang bumalot sa loob ng conference room until Grayzon speak.
"Damn it! This is sick!"
At sunud-sunod na rin na nagmumurahan ang mga pinsan niya nang mabasa na ng mga ito ang sulat ng lolo nila.
"Mommy, did you know this?" tanong niya sa kanyang ina.
Kung may una man na nakakaalam tungkol dito ay ang Mommy niya iyon dahil dito ipinasa ang posisyon ng lolo nila bago pa man ito pumanaw.
She's now Judge Sofia Jade Altamirano-De Sandiego.
"Yes, son," sagot ng kaniyang ina.
Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao niyang nakapatong sa mesa. Damn! This is ridiculous!
He's troubled and disappointed. Paano ito nagawa ng lolo nila sa kanila? And what he annoyed most was his parents. They seemed that they agreed on this s**t.
"Damn it!" he uttered before he stands up and walk outside the conference room.
He wants to breathe. This is not happening. Green Isle Inc and SGDSteel are his. Dammit!
He gritted his teeth. He needs to get married before his 30th birthday. Limang taon mula ngayon. Kung hindi ay mawawala sa kaniya ang dalawang kompanya. That's insane!
And his grandfather doesn't care who he marries, h'wag lang ang ex-girlfriend niyang si Natasha Madriguera. What the f**k!
Damn, you old man!
"Kuya, kailangan ko ba talaga itong gawin?"
Mariin siyang napapikit nang marinig niya ang kapatid. Sumunod din pala ito sa kanya.
"Come here, Scarlett," aniya na kaagad naman nitong ginawa.
He embraced her at tuluyan na itong napahikbi. Damn! This was the old man's fault.
Nang tumahan na ito ay inaya na n'ya itong lumabas ng building.
Pero bago pa man sila nakalabas ng building, hinarangan na sila ng mga bodyguard ng Daddy at Mommy nila.
“Sir, bilin po sa amin ng Daddy niyo na ‘wag ilabas si Ma’am Scarlett,”
“I can protect my sister,” he coldly said at the bodyguard.
Alam niyang delikado para kay Scarlett ang lumabas dahil ito ang pinupunterya ngayon ng mga kalaban sa politika ng Daddy niya. At sa uri rin ng trabaho ngayon ng Mommy niya.
Alam ng mga kalaban na si Scarlett ang weakest point ngayon ng Mommy at Daddy niya.
May mga bodyguard din siya at tinatarget din siya ng mga iyon, pero hindi siya ng mga ito basta-basta nakukuha. Kaya rin niyang protektahan ang sarili niya.
“We will not go far from here either,"
Wala naman siyang balak na dalhin sa malayo si Scarlett.
Tumango ito. Pero pinasundan pa rin sila ng limang bodyguard. Nagpaiwan naman ang lima sa loob ng building para sa protection ng parents nila.
Matapos niyang i-treat ng ice cream ang kapatid ay iniuwi na niya ito kahit na ayaw pa sana nito but she needs to.
Months had passed na wala siyang naging problema. Basta wala siyang problema sa SGDSteel at sa Green Isle, Inc. ay wala rin siyang problema.
Unlike his cousin, Jacob. Masaya na sana sila na bumalik na ang asawa nito pero ang hindi nila alam ay may sakit pala si Heejhea sa puso. She had a heart attacked after she rejected Jacob's wedding proposal to her.
Kaya nasa ospital din silang magpipinsan. He was sitting on one of the benches when one of his sister's bodyguards called him.
"What?! Damn it save my sister, you idiot!" Sigaw niya at kaagad napatayo.
"What happen to Scarlett, dude?" tanong kaagad ni Zach na napatayo na rin.
He gritted his teeth and bald his fist. "Someone's trying to kill Scarlett. I need to be there and save my sister."
Damn! Whoever did this to his sister will pay. Bigtime!