CLICK! CLICK!
Sunud-sunod na pagtunog ng hawak na camera ni Kate Emerald ang siya lang maririnig sa kinaroroonan niya.
Nasa likod siya ng PUS building at kinukuhanan ng litrato ang mga bagay na maaabutan ng kanyang mga mata habang hinihintay niya ang pagdating ng mga kaibigan.
Nasa fourth year college na siya sa kursong engineering, kahit na ba hindi iyon ang gusto niya. She loves photography. She loves to roam around and skillfully captures everything that can catch her interest using her expensive camera.
Bata pa lang siya ay sobrang hilig na niyang kumuha ng mga iba't ibang larawan gamit ang cell phone ng ate Cleo niya.
Before that accident happened, she had a perfect life with her sister, Cleo Elizabeth Arguelles.
"Ate, gusto mo ba talaga na magiging engineer ako?" tanong niya ng nakangiti.
Tumango naman ito habang inaabot sa costumer ang isang kilo ng isda na binili no’ng Ale.
"But why ate?" Pangungulit niya sa nakakatandang kapatid.
Nasa palengke sila at kahit busy sila sa pag-e-estima sa mga costumer ay nagawa pa rin niya itong kulitin.
"Dahil iyon ang pangarap ni Tatay para sa 'tin," sagot nito na ikinasimangot niya.
Hindi naman kasi niya nakita ang Tatay nila. Sabi ni ate, namatay raw ang Tatay nila dalawang taon pa lang siya. At simula pagkabata ay pangarap na ng Tatay nila na maging isang enhinyero pero dahil mahirap lang ang pamilya nito kaya ni high school ay hindi man lang nito natapos.
Hanggang sa nagkita ito at ang Nanay nila. Na-in love ang dalawa sa isa't isa kaya nag-e-exist sila ng ate niya. Pero nang mamatay raw ang Tatay ay umalis si Nanay at hindi na bumalik pa.
"Kung tatanggapin ko iyong scholarship na ini-offer sa 'kin, siguradong maging masaya si Tatay," aniya at tiningnan ang ate niya na abala pa rin sa pag-e-estima ng mga costumer nila.
"Pero aminin mo, Ate, na ikaw ang mas magiging masaya kapag ginawa ko 'yon, ‘di ba?" Nakangising pang-aasar niya.
"Sabi na nga ba at nandito ka lang."
Napakurap si Emerald at awtomatikong napalingon sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses ng kaibigang si Yelena De Sandiego.
Napangiti siya nang makita ito na papalapit sa kanya. Agad siyang umikot paharap at itinutok dito ang lens ng kanyang camera para kuhanan ito ng picture.
Isa ito sa mga gusto niyang gawin, to capture a stolen shots from her two best friends, Yelena, and Scarlett.
Si Yelena ang unang naging kaibigan niya sa PUS. Unang tapak pa lang niya sa University ay aloof na siya sa lahat. Ayaw niyang makihalubilo at tahimik lang siya sa isang sulok.
Hindi naman iyong tipong naging nerd na siya, slight lang kumbaga iyong iwas-gulo lang. Puro mayayaman ang mga estudyante rito kaya nahihiya rin siya.
Si Yelena rin ang unang lumapit sa kanya pero deadma ang natanggap nito mula sa kanya. Dahil noong mga panahong iyon ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang mapag-isa.
Punung-puno pa kasi ang puso niya ng lungkot, pighati at galit. Galit sa taong dahilan kung bakit nag-iisa na lang siya sa buhay. Pero nagkaroon sila ng group project sa isang minor subject nila.
Kailangan nilang gumawa ng isang magazine at isa si Yelena sa napili bilang leader ng grupo at ito ang may karapatang mamili kung sino ang gawin nitong miyembro. Hindi nga niya inaasahan na isa siya sa pipiliin nito dahil hindi naman sila close.
Nakilala rin niya ang pinsan nitong si Scarlett De Sandiego, na isa rin sa mga ka-groupmates nila.
May pagka-brat si Scarlett. Kaya noong una, ayaw niya rito pero nalaman niyang hindi naman pala ito ‘yung typical na brat na nang-aapi ng kapwa estudyante gaya ng ginagawa ng ibang estudyanteng mayayaman kahit wala na sa lugar. Kaya kalaunan naging kaibigan na rin niya ito, hanggang sa hindi na sila mapaghiwalay na tatlo.
Nalaman din ng dalawa na magaling siyang kumuha ng mga litrato at may potential siya as a writer. Kaya nang manalo sila sa project na iyon ay niregaluhan siya ng DSLR camera ng dalawa.
'As a sign of our friendship, please take this.'
Naalala pa niyang sabi ng dalawa nang araw na iyon.
Kaya no choice siya at tinanggap niya ang regalo ng mga ito sa kanya. Na magpahanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya kahit saan siya magpunta.
She's so lucky to have them as her best friends.
Nang dahil kina Scarlett at Yelena ay naramdaman niya ulit na may kasama siya sa buhay kahit na hindi sa lahat ng oras pero nand’yan ang mga ito, masaya man o malungkot ang araw niya.
"Ba't ganyan ang mukha mo?" Puna niya sa nakabusangot na mukha ni Yelena, nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya.
Eksaheradang bumuntong-hininga ito, pagktapos ay sumalampak ng upo sa may damuhan malapit sa kaniya.
Maganda kasi kapag doon maupo dahil nakaka-relax. Gawain na nila ito tuwing vacant time nila.
"Ang boring ng professor namin," nakabusangot pa rin ang mukhang reklamo nito. "Lagi na lang nagle-lecture. Nakakarindi na! Gustung-gusto ko na siyang patigilin kaya lang baka sabihan na naman akong bastos."
Litanya pa nito at pumulot pa ng maliit na bato at ibinato iyon sa kung saan. Madalas itong nasasabihan ng bastos no’ng nasa first year at second year sila at magkapareho pa sila ng mga subject na pinapasukan, dahil hindi nito mapigilan ang bibig na punain ang mga professor kapag nakaka-boring na ang klase.
"Hmm...boring nga," tugon niya, matapos marinig dito kung bakit nasabi nitong bored na bored ito.
Umupo siya sa tabi nito. Pagdating sa mga gusto niya at gusto nito ay halos magkapareho silang dalawa ni Yelena. Ang gusto nila ay iyong madalas nasa field at hindi iyong nasa apat na sulok lang ng classroom at nakikinig.
"Hayaan mo na baka sa susunod hindi ka na mabo-bored." Pangtsi-cheer up niya sa kaibigan.
Umiling lang ito at pumulot na naman ng bato at inihagis iyon.
"Balik na lang kaya tayo sa freshmen? Para classmate ulit tayo o di kaya, lipat ka na lang ng kurso kapareha ng sa 'kin. What 'ya think?"
Natawa naman siya sa sinabi nito.
Hindi na rin bago sa kanya ang pangungulit nito na lumipat siya ng kurso na lagi lang niyang tinatawanan.
Biochemical Engineering ang kinuha nito. Si Scarlett naman ay Architecture kaya magkaiba talaga sila ng schedule.
"Tsk. Yel, kung kailan apat na buwan na lang ang bubunuin namin sa kursong gusto namin, saka ka naman mag-iinarte diyan."
Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses ni Scarlett.
Ang pagkakaalam ng mga ito ay ang pagiging engineer talaga ang gusto niya. Hindi kasi siya pala-kuwento kahit na magkaibigan sila ay nanatili pa ring sarado ang buhay niya sa mga ito. Ang tanging alam lang ng mga ito sa kaniya ay bata pa lang siya ay ulila na siya sa mga magulang.
Napangiti siya sa kaibigang si Scarlett.
Para na naman itong model, na naglakad palapit sa kinaroroonan niya at ni Yelena kaya hindi na naman niya napigilang kunan ito ng litrato.
Nakangiti pa rin na itinutok niya ang lens ng camera rito and click. Eksakto naman na humangin kaya lumipad ang wavy at kulay orange nitong buhok.
She smiled again. Perfect!
"Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ang pagbigay namin sa 'yo ng camera." Nakabusangot na sabi ni Scarlett at naupo sa tabi niya para usisain ang picture nito.
Napangisi siya. Hindi ito mahilig na kinukunan ng litrato. Kahit sa social media nito, hindi ito nag-a-upload ng mga photos.
Sobrang private nito, kahit sa pamilya nito ay wala itong ikinukuwento, maliban sa kuya nito na palagi nitong kinukuwento sa kaniya pero hindi naman nito sinasabi ang pangalan.
"Siya nga pala, saan ka mag-o-OJT?" Scarlett asked, after a while.
She turned off the cam before she looks at her.
"Sabi ng mga kaklase ko sa SGDSteel Enterprises & Constructions daw." Kibit-balikat niyang tugon.
Iyon ang napag-uusapan ng mga kaklase niya kanina. Ion din ang sinuhestiyon ng Professor nila sa On-the-Jod Training nila.
Agad namang namilog ang mga mata nito at bumaling kay Yelena na gano'n din ang reaksyon.
And she knows why. Alam nilang magkakaibigan kung gaano kahigpit ang pamamahala roon. Na kahit trainee ka lang sa kompanya ay susunod ka pa rin sa kanilang standards. Hindi rin basta-basta na makakapasok doon bilang trainee.
SGDSteel Enterprises and Constructions is one of Asia's most prestigious engineering companies, where the best engineers and architects come from and the premier manufacturer and retailer for steel equipment in the Philippines with a range of different steel products for business, personal and commercial use. At bago lang din nagla-launching ang President and CEO ng kompanya tungkol sa expansion ng mga ito sa bansang Spain.
"I know what you two were thinking,"
Nakasimangot na ibinaling niya ang paningin sa unahan.
"SGDSteel Enterprises and Constructions is my—"
Biglang nahinto si Scarlett sa pagsasalita nang muli niya itong tingnan, pagkatapos ay umiling na para bang na-realize nitong mali kung ipagpatuloy pa ang sasabihin. Tumingin ito kay Yelena na kakitaan pa rin niya ng gulat sa mukha nito.
"Mataas ang standards doon," sabi ni Yelena, nang makabawi. “I mean… hindi naman sa minamaliit ko ang mga kakayahan niyo, lalo na ikaw Era, pero SGDSteel is so high...”
"Yeah, not that we underestimated your potential but—duh! Never mind what I said, basta we're here to support you," sabi ni Scarlett at ikinumpas pa sa ere ang mga kamay.
"Hmm, we'll try to pass their standards, but if not, we'll find another company."
Ang importante makapag-OJT siya. Makatapos siya ngayong taon, so, she could go on to her goal. Hindi naman siguro kabawasan iyon sa kribilidad nila bilang engineer in the future ang simpleng pagtanggi sa kanila ng SGDSteel kung mangyari man.
Okay, she will admit, na mas madali talaga siyang makahanap ng trabaho kapag nakikita sa resumé niya na sa SGDSteel siya nag-o-OJT. Puwede rin na ma-absorbs siya ng company kung makita ang potential niya at ang mas nakakaganda kapag natanggap siya sa kompanya ay may suweldo sila bilang mga intern doon.
Kaya naiintindihan talaga niya kung bakit gano’n kataas ang standards ng kompanya. Pero ano ba ang magagawa niya kung hindi siya papasa sa standards ng mga ito?
Tumango si Scarlett at ngumiti. Gano'n din si Yelena na nakakunot pa rin ang noo. Iniisip pa rin siguro nito ang pag-a-apply niya bilang intern sa nasabing kumpanya.
Tinaasan niya ito ng kilay, nagtatanong.
Umiling naman ito. "Nothing,” then she smiled at her. “Anyway, bukas na ang birthday ng mga pamangkin ko kaya dapat nandoon kayo. Lalong-lalo ka na." Pag-iiba nito sa usapan.
Third birthday ng kambal na anak ng nakatatanda nitong kapatid at nakapangako siyang pupunta.
"Kapag ikaw hindi magpunta, naku! FO na talaga tayo," sabi pa ni Yelena.
Uumirap pa ito sa kanya na ikinangiti lang niya. Hindi kasi siya nakapunta noong isang taon dahil umuwi siya ng Davao.
Death anniversary ng ate Cleo niya, the day after Yelena's niece and nephew's birthday. Pero ang laging idinadahilan niya ay death anniversary ng mga magulang niya.
At tuwing may mga occasion ang mga ito sa pamilya at in-invite siya ay nagdadahilan siya ng kung anu-ano para hindi lang makasama.
She’s still mourning of her sister’s sudden death, kaya wala siyang panahon para magsaya kasama ang mga ito. Pero ngayon mukhang wala na talaga siyang lusot pa at isa pa nakapangako na rin siya kay Yelena.
"Oo na. Nangako na ako, 'di ba?"
"Siguraduhin mo lang." Malditang pinagtaasan pa siya nito ng kilay, pagkatapos ay binalingan nito si Scarlett. "Star, sunduin mo iyan sa apartment niya." Utos nito kay Scarlett na tumango lang din.
Kung nagtataka kayo kung bakit Star? Well, instead na Scar short for Scarlett, ay pinalitan niya ang 'C' ng letter 'T' kaya ayon naging Star, na ikinatuwa nito dahil ang bantot daw kapag Scar.
"Doon ka na lang kaya matulog sa bahay namin?" Scarlett suggested, na agad din naman niyang tinanggihan.
"No, ayoko. Sunduin mo na lang ako bukas sa apartment."
Hindi rin siya sanay kung saan-saan matutulog.
Sa mahigit apat na taong pagiging magkaibigan nilang tatlo ay hindi pa siya kailanman nakapunta sa bahay ng dalawa. Bukod sa nahihiya siya, busy rin siya sa part time job niya sa isang restaurant.
“Fine.”
"Hey, daan muna tayo sa mall. Para makabili tayo ng susuotin at saka regalo na rin." Sabi ni Yelena at hinila na siya nito.
Matapos nilang mag-mall ay pinasama pa siya ng mga ito sa DSCEC Tower dahil may kailangan si Scarlett para sa Thesis nito. Siya ang pinakuha nito ng mga litrato ng mga iba't ibang design ng tower na gusto nitong ilagay nito sa Thesis na ginagawa.
Noong isang linggo lang naaprubahan ang request nila sa management ng DSCEC Tower. Sabi nina Scarlett at Yelena ay dating pag-aari ang twin tower ng abuelo ng mga ito pero nang mamatay ay ipinamana iyon sa isang pinsan ng mga ito.
Nasa labas na sila at patungo na ng parking lot nang may nakita siyang napakagandang sasakayan.
"Wait, Yel," pigil niya sa kaibigan.
Nang huminto ito ay kaagad niyang itinaas ang camera para kunan ng litrato ang isang kulay itim na sports car.
"That's Bugatti La Voiture Noire, the most expensive one."
Napatingin siya kay Scarlett nang sabihin nito kung anong brand ang nakita nilang sasakyan.
"Yeah! The latest model. Take a picture of it, we'll go ahead. Hihintayin ka na lang namin sa sasakyan." ani Yelena at hinawakan si Scarlett para mauna na.
Nangingiting tumango lang siya sa dalawa. Alam naman din niya kung saan nakaparada ang sasakyan ni Scarlett.
Nang makaalis na ang mga ito ay bahagya siyang lumapit sa sasakyan para kunan ng litrato.
Wow! Hiyaw ng utak niya sabay taas ng camera at itinutok niya iyon sentro sa sasakyan. Then, she hit the click button in the camera.
Ngunit gano'n na lang ang pagkabigla niya nang bumukas ang pinto sa may driver seat, nang kunan na sana niya ito ng larawan sa pangalawang pagkakataon.
Isang lalaki ang lumabas mula roon at dahil nabigla siya kaya kaagad niyang na-click ang camera dahilan para lumingon sa kanyang direksyon ang lalaki.
Oh my God! Hiyaw ng utak niya at kaagad pa niyang nabitawan ang kanyang camera. Mabuti na lang at nakasabit ang sling n'yon sa leeg niya kaya hindi iyon tuluyang nahulog sa lupa.
Napatanga na lang siya sa lalaki habang nanlalaki ang mga mata. Pero nang makabawi siya sa pagkabigla ay dali-dali siyang tumalikod at tumakbo kung saan naghihintay sa kanya ang mga kaibigan niya.
Her camera was bouncing against her chest kaya hinawakan niya iyon.
God! That was so embarrassing! patuloy na hiyaw ng utak niya.