CHAPTER 17

1952 Words
PARA makalimutan ni Emerald ang nangyari sa opisina ni Gabriel at muntik na silang mahuli ng executive assistant nito, ibinaling niya ang buong atensyon sa pag-aayos ng minutes na sinulat niya kanina sa meeting para mai-sent niya iyon sa e.mail ni Gabriel. Matapos niyang mai-sent kay Gabriel. Pinag-aralan niya ang mga notes na pina-photo copy niya kanina mula sa mga kaklase niya. Pero kahit anong gawin niya para makalimutan ang nangyari, bumabalik talaga ang isip niya roon. Lalo pa at naaalala niya ang sinabi nitong mag-dinner sila. But she never said, yes. Sa pagkakaalam din naman niya kay Gabriel, hindi ito namimilit kung ayaw niya. Pero hindi nga ba? I have my ways, Mrs. De Sandiego. Napalunok siya nang maalala niya ang huling text message nito sa kaniya kanina. Paano kung may makakakita sa kanila? Kaya sa takot niya na baka nga may makakita sa kanila na magkasama ay halos magkukumahog siyang umuwi nang dumating ang oras ng uwian. “Tayo na po, Mang Rene,” aniya sa driver, pagkapasok niya sa loob ng SUV. Nang magsimula nang tumakbo ng sasakyan palabas ng ground parking ng SGDSteel, isinandal niya ang likod sa sandalan ng upuan at ipinikit niya ang mga mata. Gusto niyang makasama si Gabriel, nang walang inaalala. Gusto niyang maging masaya habang kasal pa sila, pero ang hirap maging masaya sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Sa sobrang pag-iisip ay hindi na niya namalayan na nakatulog na siya. Nagising lang siya nang maramdaman niya ang paghinto ng sasakyan. Nagulat naman siya at tumuwid sa pagkakaupo nang makitang wala pa rin sila sa mansion at nakahinto ang sasakyan sa harap ng isang mamahaling restaurant. Madilim na rin sa labas at tanging ang mga ilaw lang mula sa poste at sa restaurant ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Nasaan ba sila? At gaano ba kahaba ang tulog niya at hindi man lang niya namalayan na nasa ibang lugar na siya? "Mang Rene..." Nagtatakang tiningnan niya ito. "Tinawagan po ako ni Sir Scott kanina, Ma'am, nang hindi ka raw sumasagot sa tawag niya. Pero nang malaman niya na nakatulog ka, sinabi niyang dalhin kita rito sa restaurant na pina-reserved niya," mahabang paliwanag naman sa kaniya ni Mang Rene. "Nasaan po ba siya?" tanong niya. "Nasa loob na po ng restaurant, Ma'am." Napakurap-kurap siya. Nasa loob na ng restaurant si Gabriel? Kinuha niya ang cell phone sa loob ng kaniyang bag. Nagulat pa siya nang makitang may limang missed calls doon ang lalaki. Tulog na tulog talaga siya na hindi man lang niya narinig ang paulit-ulit na pagri-ring ng cell phone niya. Kaya siguro si Mang Rene na ang tinawagan nito. Lumabas si Mang Rene ng sasakyan at bago pa man siya nakakilos ay nabuksan na nito ang pinto sa gilid niya. Hindi na siya nagsalita pa at bumaba na lang siya ng sasakyan. Nagpasalamat din siya rito. The guard at the entrance of the restaurant opened the door for her. She said her thanks and went inside. Nagtaka naman siya nang wala siyang makitang costumer. Close yata. Pero bakit pinapapasok siya ng guard? At sabi pa ni Manong na nandito na sa loob si Gabriel. Muli niyang nilingon ang guard. "Kuya, close ba ang restaurant niyo?" tanong niya. Ngumiti ito at umiling. "Hindi po, Ma'am. Pero pinasara po ni Mr. De Sandiego ang restaurant ngayon para sa inyo." Maang na napakurap-kurap siya. Gabriel closed this restaurant for her. Hindi na siya nakapagsalita sa sobrang gulat. "Good evening, Ma'am, nasa VIP room na po si Mr. De Sandiego at hinihintay na po kayo," nakangiting sabi ng waitress na lumapit sa kaniya. Hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin kaya tumango na lang siya. Agad din naman siya nitong iginiya kung saan ang sinasabi nitong VIP room. Ito na rin ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. "Salamat," tanging nasabi niya at pumasok na sa loob. Nakita naman niya si Gabriel na nakaupo sa pandalawahang bilog na mesa. He gave her a smirk and stood up from his sit. He is wearing a black suit and a light blue long sleeve for his inner. Wala itong suot na necktie at hinayaan lang nitong nakabukas ang unang botones doon. Naglakad ito palapit sa kaniya. Na para bang hindi na ito makapaghihintay na makalapit siya rito. "I know you're worried that someone will see us here together," anito, nang tuluyan na itong nakalapit sa kaniya. "Kaya pinasara mo ang restaurant na 'to para sa ating dalawa?" tanong niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ipinasara nito ang ganito kalaking restaurant para lang sa kaniya. He licked his lower lip and nodded his head. "Alam kong hindi ka nag-agree sa sinabi kong dinner kanina. But I really want to have dinner with you alone." Her heart beats even faster. s**t. Pero kahit na isipin lang niya ito, ganito pa rin naman ang t***k ng puso niya. "Puwede namang sa bahay na lang." Nasa isip pa naman niya kanina bago siya nakatulog sa biyahe na ipagluluto na lang niya ito at sabay silang kumain ng dinner. Kahit kasi hindi nito sabihin ng deretsahan sa kaniya, ramdam niyang nagtatampo ito dahil sa sagot niya kanina kahit na ipinaliwanag naman niya kung bakit gusto niyang makasabay ang mga kaklase niya sa pagkain. "Do you want to go home then?" he asked. Naninimbang na ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Nasa itsura rin nito na kung mag-aaya talaga siyang umuwi, hindi ito kukontra at uuwi kaagad sila. Pinasara nito ang restaurant para maging komportable siya at kung mag-aaya siya na umuwi, napakaarte na talaga niya. Nage-effort na nga ito para lang masunod ang gusto niya. Gumastos ng malaki para lang maging at ease siya na walang makakita na kakilala nila na magkasama sila. Napanguso siya at umiling. "Gusto ko rin naman na makasama ka sa hapunan," aniya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha sa pag-amin niya pero inignora na niya iyon. Nakita naman niya ang pagkislap ng abuhing mga mata nito at ngumisi. "Pero kailangan talaga nating mag-usap, De Sandiego." seryoso at madiin niyang sabi, saka nauna ng tinungo ang mesa na nasa malapit sa glass wall. Namangha pa siya nang mas buo na niyang nakikita ang napakagandang tanawin sa labas nitong restaurant, pagkalapit niya sa mesa. Mabilis naman itong nakasunod sa kaniya. Pinaghila siya nito ng upuan at nang makaupo siya ay saka lang ito naupo sa harap niya. Sininyasan nito ang waiter na nasa loob lang nitong VIP room at naghihintay sa kanilang magiging order. Hindi siya mapili sa pagkain kaya hinayaan niya lang ito sa pagsasabi sa waiter ng order nilang dalawa. Matapos maibigay ang order nila ay lumabas na ang waiter. Nang sila na lang dalawa ang naiwan ay seryosong tiningnan niya ang kaharap. He sighed. "I know and I never forgot the rules you've put up." "Bakit ginawa mo pa rin?" seryoso ang mukhang tanong niya. Kahit na ang hirap magseryoso sa nakikita niyang itsura nito. Para kasi itong maamong tupa na handang sundin siya sa kung ano man ang iuutos niya, kabaliktaran ng itsura nito kapag nasa kompanya o kapag kaharap ang mga empleyado nito. Pero naiintindihan naman niya ito kung gano'n ang pakikitungo nito sa mga empleyado. Hindi biro ang magpatakbo ng napakalaking kompanya at may libo-libong empleyado. Naalala niya ang sinabi ni Ate Evelyn kanina. Hindi nga naman magiging successful si Gabriel kung madali itong mapapasunod. Kung hindi ito maging makasarili at madali itong maaawa. "Because I wanna personally trained you, Emerald," seryoso rin nitong sagot sa kaniya. "Gusto kong matutunan mo kung ano ang mga natutunan ko." Pero bakit may pakiramdam siya na may iba pang dahilan kung bakit sa team siya nito inilagay? "I know you're expert in this field, Gabriel. Alam kong matutoto talaga ako sa 'yo at gusto ko rin naman na ikaw ang maging mentor ko, kaya lang baka malaman ng mga empleyado mo na mag-asawa tayo. Gabriel, ayaw kong isipin nila na kaya lang ako nakapasok sa kompanya mo dahil may kasunduan tayo." There she said it. Iyon talaga ang malaking kinatatakutan niya, maliban sa rules ng University na bawal silang magkaroon ng romantikong relasyon sa mga boss o empleyado ng kompanya. He frowned. He tilted his head, and she even saw his jaw clenched. Nang muli siya nitong tingnan, madilim na ang mga mata nito. "Do you?" Napakurap siya. "Huh?" litong sambit niya. "Do you believe that to yourself? Na kaya ka nakapasok sa kompanya ko dahil may kasunduan tayo?" Umiling siya. "Hindi." Hindi naman talaga! "Then, that's it. Believe yourself, na kaya ka nandito sa kompanya ko nagte-training dahil magaling ka at hindi dahil sa naging kasunduan natin. Kung sarili ko lang ang iisipin ko, ayaw kong nasa team kita." She gasped. Namilog pa ang mga mata niya sa sinabi nito. "'Cause I don't want you always calling me, Engineer De Sandiego," he added. Bago pa man kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Malakas na napasinghap siya nang hatakin nito ang upuan niya palapit sa upuan nito. Dahil mas matangkad ito kaysa sa kaniya, kailangan pa nitong yumuko para mahanap ang mga mata niya. "Do you know how much I want to punish those lips of yours every time you call me Engineer De Sandiego? Huh?" he said hoarsely. Namungay ang mga mata nito nang bumaba iyon sa bahagya pang nakaparte niyang mga labi. Itinaas nito ang kamay at hinaplos ng hinlalaking daliri nito ang ibabang labi niya. Bahagya pa siyang napaigtad sa kuryenteng hatid n'yon sa kaniya. "You don't know how much I tried to stop myself from kissing you every time you're near me," halos pabulong nitong sabi. Her heart skipped a beat. Sa kabila ng may nangyari na sa kanila, doon pa rin ito natutulog sa couch habang siya ay nasa kama pa rin nito. Hindi niya ito naringgan na nagrereklamo, pero iyon nga lang late na itong pumapasok sa kuwarto sa gabi. Matutulog siyang wala pa ito, magigising lang siya kapag narinig na niya ang lagaslas ng tubig mula sa shower sa banyo. Kinaumagahan, ay wala na rin ito. Hindi naman niya alam na kaya ito late ng pumasok at mas mauna pang magising sa kaniya kinaumagahan, ay dahil pala roon. "After what happened that night, I crave for you even more. Gusto kitang iwasan, pero para kang magnet na pilit pa rin akong hinahatak." The warmth in his hand caressing her cheek, the deep in his voice, melted the walls she had built around herself. Tila tinutunaw nito ang mga katagang pilit niyang isinisiksik sa isip niya—ang 'wag umasa na may patutunguhan itong lahat, that this moment will last long. Nahigit niya ang hininga nang makita niya sa mga mata nito ang iba't ibang emosyon na halos magpasabog ng puso niya. Hindi man niya kinakaya ang intensidad sa mga mata nito, pero hindi niya pa rin inaalis ang mga mata rito. Gusto niyang sulitin ang pagkakataong puwede pa niya itong titigan nang ganito kalapit. Inilibot niya ang mga mata sa mukha nito. She mastered every angle of his face. From his thick eyebrows to his perfect pointed nose... ang mga labi nito na manipis at natural na mapula. His angled jaw and his gray eyes... those eyes that always left her breathless. He still caressing his cheek. Ang mga mata nitong punung-puno pa rin ng emosyon ay nanatiling nakatitig sa kaniya. "I like you so damn much, Emerald..." She gasped at his confession. Muling bumaba ang mga mata nito sa nakaparte pa rin niyang mga labi, na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso niya. Halos hindi na siya huminga nang mas inilapit pa nito ang mukha sa kaniya. He likes her! Aasa na ba siya? But before their lips touched, she heard the door open.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD