Matapos ang nakakaba at nakaktakot na bangayan na nangyrai kanina ay kumain na riin sila ng hapunan.
Nagluto si Aivan ng adobong manok dahil ika nga, best way raw ipatikim ang adobo sa mga taong first time kumain sa Pilipinas. Ngunit sa sitwasyon niya, dahil ang kasama niya ay hindi mga normal na tao nais pa ri nitong ipatikim ang specialty ng mga tao.
Tahimik anag naging pagkain nila, tanging mga tunog ng kubyertos lamanag ang mga naririnig. Sana’y naman si Aivan na kumain ng tahimik ngunit hindi nito alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya sa katahimikan ngayon.
Kung minsan ay magkakatinginan sila ni Elliot at nahihiyang mag ngingitian. Sinisilip rin niya si Elysia na hindi kumikibo simula kanina. Habang kumakain pa rin iniiisp ni Aivan kung paano ba niya amtutulungan ang mga ito na makibagay sa mundong kinagagalawan niya.
Ilang minuto pa kanyang ginugol sa pag-iissip ng may isang ideya na pumasok kanayang isipan. Tumuwid ito ng pagkakaupo at tumikhin upang makuha ang atensiyon ng dalawa niyang kasama.
“Naisip ko lang na, kung gusto niyong matuto sa mundo ng mga tao or kung gusto niyong malaman paano sila kumilos maaari kayong pumasok sa school o ibang pamatasan na maraming mag-aaral,” anito sa dalawang kasama.
Seryoso naman ang mukha ni Elliot at Elysia ng marinig ang suhestiyon ni Aivan. Magsasalita sanang muli si Aivan ng bigla itong maunahan ni Elliot.
Umiiling-iling ang lalaki at nagsalita, “Hindi ako papayag na pumasok kami sa isang eskwelahan. Hindi kami katulad ng mga tao at baka am weirduhan sila sa amin at mapahamak pa kami. Ang pagpasok sa eskwelahan ay hindi makakabuti sa kalagayan namin,” mahabang paliwanag nito kay Aivan.
Marahan namang tumango si Elysia, batid siguro nito ang nais ipaintindi ni Elliot sa kanila.
“Hanapin muna natin ang kaibigan kong si Chioni, mas malaki ang tiwala ko sa kanya na mautulungan niya ako o tayo,” walang ganang sabi nito sa kasamahan.
Batid ni Elliot at Aivan na hindi pa ganoon kabuo ang tiwala ni Elysia sa kanila. Base na rin sa kilos at pananalita ng dalaga malalaman mo na hindi ito nagtitiwala sa kasamahan niya.
Muli namang nagsalita si Elysia, “si Chioni ay hindi rin mortal at may kapangyarihan siya kaya maganda siguro kung sa kanya tayo papatulong. Matagal na siyang namumuhay rito kaya marami siyang maituturo sa atin kung paano mamuhay sa mundo ng mga tao kahit na may kapangyarihan tayo,” pagpapliwanag nitong muli sa dalawang lalaki.
Ilang araw ang lumipas at pumayag nga si Eliot at Aivan na hanapin si Chioni. Hinanap nila ito sa pamamagitan ng mga social media aaccounts ni Aivan. Dahil sa makabagong teknolohiya na ang gamit ng mga mortal hindi alam nina Elliot at Elysia kung paano gamitin ang mga ipinahiram sa kaila ni Aivan.
Noong huling punta nila sa mundo ng mga tao ay hindi ganito ang kanilang inabutan. Ang naabutan nila noon ay isang maliit na bagay na kung saan maaari kang tumawag at magtipa ng mensahe. Ngunit ngayon, nag-iba na mga ito at nahihirapan silang gamitin dahil hindi naman nila alam paano gamitin ang mga iyon.
Ilang oras ang kanilang ginugol sa paghahanap kay Chioni sa social media, ngunit hindi nila makita ang babae. Hinanap na ang kanyang pangalan at ang tinitirhan nito noon, ngunit hindi pa rin ito nakatulong sa paghahanap sa kanya.
Dahil oras na rin ng sila ay matapos sa pag ssearch, nagpaalam na si Aivan na matutulog na siya dahil may pasok pa ito kinabukasan. Ipagpapatuloy na lang nila ang paghahanap bukas dahil kailagan na nitong magpahinga.
Tumango naman ang dalawa at napasya na bumalik na rin sa kanilang kwarto upang makapagpahinga na rin sila. SInabihan nila si Aivan na pagbalik niya bukas ay itutuloy nila ang paghahanap.
Kinabukasan, pagkauwi ni Aivan galing sa eskwelahan ay agad siyang sinalubong ni Elliot. Tinanong niya muna kung kamusta ito at kung itutuloy na ba nila ang paghahanap.
Sinagot naman siya ni Aivan at sinabi nito na magpapahinga lamang siya saglit at tatawagin na lang niya ang dalawa kapag mag ssearach sila ulit.
Mahigit tatlumpung minuto ang lumipas ng tawagin na ni Aivan sina Elliot at Elysia. Nagsimula na ulit silang hanapin si Chioni sa social media, ngunit gaya ng kahapon ay wala pa ring Chioni na kaibigan ni Elysia silang nakita.
Samantala dahil walang pagusad sa kanialng ginawa nag-isip na si elliot ng bagong plano. Naiisip niya na si Aivan na lamang ang magtuturo sa mga dapapt nilang matutunan sa mundo ng mga tao.
Tuturuan sila ni Aivan sa mga madadali muna gaya ng sa pagkain, pag gamit ng gadget, sasakyan, at ang paraan ng kanilang pananalita. Dahil hindi sila dapat magsayang ng oras, isa iyon sa magandang planong naisip ni Elliot.
Madali naman silang matuto kapag naturuan, kaya hindi naman mahihirpan si Aivan kung sakaling papayag ito na siya ang magturo sa kanilang magkapatid.
Habang abala nag dalawa sa pag-uusap ng mga plano at magpasahan ng ideya, tahimik lamang si Elysia na pinapanood ang dalawa. Nakaisip to ng suhestiyon at sinabi niya ito sa kanila ngunit hindi siya naririnig ng dalawang lalaki.
Naisip niya na kung maari ay maghanap na lamang sila sa social media kung paano sila kikilos bilang isang tao, dahil tila dito anman umiikot ang mundo ng mga tao. Ngunit sa kasamaang palad, hindi siya nappakinggan ng dalwang lalaki na abala sa pagpapalitan ng ideya.
Dahil sa nangyari naisipan na lamang ni Elysia na umalis at umakyat sa kwarto upang makapagisip-isip.
Nang makarting siya sa kwarto ay umupo siya malapit sa bintana kung saan tanaw mo ang hardin ng bahay nila Aivan. Naiiisp niya ang kaibigan na si Chioni, iniiisp niya kung kamusta na ito at kung naririto pa ba siya sa mundo ng mga tao. Hindi nila ito mahanap kaya ganoon ang kaniyang mga naiiisip.
Naiiisp rin niya si Wynona at ang hukbo na iniwan nila sa kagubatan. Iniiisp niya kung bakit ba sila napunta sa isang magulong sitwasyon na ito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanialng kaharian kaya labis ang kanyang pag-iisip kung bakit siya dapat magtiwala sa mga kasama.
Iniiisp niya rin ang sinabi ni Wynnona na, ang kanyang kapangyarihan ay nakay Elliot, at siya dapat ang magligtas sa kaharian. Kung wala sa kanya ang kaniyang kapangyarihan, paano nito maililigtas ang kaharian nila, at bakit kay Elliot ito ibinigay?
Sa dami ng naiiisp ni Elysia, nagsisimula na siyang mainis at makaramdam ng galit. Naiinis siya dahil hindi niya alam kung paano mapagtatagumpayan ang mga responsibilidad na naipatong sa kanya. At paano kung hindi ibalik ni Elliot ang kapangyarihan niya, hindi sila magtatagumpay.
Namumuo na ang labis na pagkaiinis ni Elysia sa katawan lalo na’t hindi nito maalala ang laaht ng nangyari. Animo’y natulog siyang pagkatagal-tagal at pag gising niya ay wala na ang kaniyang mahal na magulang at kaharian nila. Isang matinding bangungot ang nangyari sa kanya.
Dahil sa inis na nararamdamn ay nagpasya na itong huniga at magpahinga at iisip uli ng paraan kung paano ba niya maililigtas ang kanilang kaharian.
Samantala, sa sala kung saan naiwan ang dalawang lalaki nagpasalamat si Eliot kay Aivan sa mga tulong na naibigay nito. Humingi rin siya ng pasenisya dahil kung minsan ay nagugulat na lamang ito sa mga nanagyayari at batid nito ang takot ng lalaki.
Tumango lamang si Aivan at nagsalita, “okay lang yun. Kung tutuusin, masaya ako na may kasama ako sa bahay,” panimula nito na may bahid ng lungkot sa boses.
“Buong buhay ko mag-isa lamang ako parati, may mga magulang pero parang wala rin. Hindi ko naman sila nakakasama dahil busy sila s mga trabaho nila kaya masaya pa rin ako na ngayon ay may mga nakakasama ako, hindi na masyadong malungkot ang bahay,” anito at tipid na ngumit kay Elliot.
Tumango si Elliot at binigyan niya ng marahang tapik sa baliakt ang lalaki. “Kapag naging maayos na ang lahat sa kaharian namin, ibabalik ko ng higit pa ang mga naitulong mo sa amin pangako yan,” ani Elliot.
Umiling naman si Aivan sa sinabi ng lalaki at sinabi nito na hindi kailangan dahil naibibigay naman ng kanyang magulang ang mg pangangailangan nito. Ngunti hindi rin nagpapigil si Elliot dahil may utang na loob raw sila sa lalaki.
Tumango na lamang si Aivan bilang pagsang-ayon, at upang hindi masira ang kanilang kasunduan inilabas ni Elliot ang apoy niya sa kamay para ipaalam na seryoso ito at handa niyang tuparin ang hiling ni Aivan.
Natakot namana ng binata sa kapangyarihan ni Elliot at sinabi na lamang nito na mag shakehands na ang sila o kaya ay mag pinky swear para naman maiba ang way ng kanilang kasunduan.
Matapos magkasundo, ipinaalam ni Aivan na ang malaking kasalanan kapag hindi mo tinupad ang piky promise na ginawa mo.