“Kailangan na nating humayo. Naghihintay na sa atin sina Wynnona,” kalmadong suwestyon ni Prinsipe Elliot. “Oo nga pala, nag pang abot ba kayo ni Aivan?” Napayuko na lang si Elliot matapos ang marinig. Sinabayan niya pa ng pagtalikod na siyang nagpakaba kay Elysia. Batid man ng dalaga ang posibleng nangyari sa mortal, pinigilan nito ang sariling maniwala sa sariling haka-haka. Noon din ay narinig niyang magsalita muli ang binata. “Ang katotohanan niyan Elysia ay sinusundan ko kayo,” mahinang tono ni Elliot. Gulat na ekspresyon ang sinalubong ng prinsesa sa kapatid. “Kung ganoon alam mo ang lahat ng nangyari magsimula kanina??” Marahang tango ang ibinalik ng binata. Inaasahan na nitong magagalit ang dalaga ngunit hindi na niya inisip pa dahil mas nangingibabaw ang pag aa

