Ingat na ingat si Elliot sa kanyang pag-alis dahil hindi pa ito ganoon kaalam sa labas ay mas doble ang pag iingat niya lalao na’t mag-isa lamang siyang pupunta sa kampo nila.
Hindi pa man siya gaanong nakakalayo ay ramdam na niya ang presnsiya ng kung sino man na sumusunod sa kanya. BAatid niya na isa aito sa mga kawal ni Zyldian, marahil ay pinasusundan siya upang malaman kung nasaan ang kampo nila.
Dahil na rin naturuan sila ni Aivan kung paano gumalaw sa labas ginawa niya ang natandaan niyang mabilis na paraan upang maligaw ang isang tao.
Nagpatuloy sa paglalakad si Elliot hanggang marating niya ang palengke. Dahil marami ang tao sa palengke at alam niyang kung minsan ay siksikan mas madali siyang makaktakas at madali niyang maililigaw ang sumusunod sa kanya.
May mga natandaan siyang lagusan papasok at palabas ng palengke dahil minsan na asilang isinama ni Aivan rito kaya naman magiging madali na lang sa kanya na ang hanap ng malalabasan.
Nagpalakad-lakad siya sa loob ng palengke at kung minsan ay dumadaan siya sa gitna ng maraming atao upang hindi siya makita ng sumusunod sa kanya. Inabutan siguro siya ng mga limang minuto na nagpalakad-lakad at nagpabalik-balik upang hindi siya masundan.
Nang mapansin niyang wala ng presensiyang nakasunod sa kanya ay agad siyang lumabas na pinakamalapit na daan palabas at mabilis siyang naglakad-takbo upang hindi na siya maabutan.
Nakarating siya ng maayos sa kanilang kampo, at sa kabutihang palad naman ay ligtas din ang kanyang mga nasasakupan. May mga iilang kawal siya na nag eensayo, ang iba naman ay tinuturuan ang ilang kalalakihan, at sina Wynnona at iba nitong kasamahan ay abala sa pagbabantay ng kanilang kampo.
Kinamusta niya si Wynnona at tinanong kung nagka problema ba habang wala siya. Sinabi naman ni Wynnona na wala pa namang nagiging problema sa kampo nila at lahat ay nakikiisa pa rin upang mapalakas pa lalo ang kanilang hukbo.
Ilang oras din siyang namalagi sa kanilang kampo, at bago siya umalis ay sinugurado muna niyang ligtas ang kanyang nasasakupan, at hindi rin niya nakalimutang maghabilin sa mga ito.
Habang pabalik sa bahay nila Aivan ay sinugurado niya munang walang naasunod sa kanya. Dumaan muli siya sa may palengke at nagikot-ikot upang mas masiguro niyang ligtas ang kaniyang pag-uwi.
Nang makarating sa bahay nila Aivan ay nagulat siya dahil tahimik at walang tao sa loob. Inisip niya na hindi naman siya nagtagal masyado at baka umalis lang saglit ang dalawa upang bumili ng mga pangangailangan nila.
Hindi na hinanap ni Elliot ang dalawa niyang kasama sa bahay dahil baka maligaw lang ito dahil hindi naman niya alam kung saan sila hahanapin. Hinintay na lamang niya ang dalawa at inabala ang sarili.
Binuksan niya tv sa sala at nanood siya ng kung anong mga palabas. Matapos siyang magsawa sa panonood ay tinignan niya ang mga magazine na pinakita dati ni Aivan sa kanila. At nang matapos niyang kalikutin ang mga ito, kumuha siya ng papel at lapis at nag-isip ng mga paraan kung paano kalabanin at patumbahin sina Zyldian.
Sa pag-iisip ng kung ano-anong paraan ay hindi na rin napigilan ni Elliot na mahiga sa sofa. Noong una ay iniisip niya ang mga plano kanilang pwedeng gawin at kalauna’y bumagsak na kanyang mga mata. Hindi na niya napigilan ang sariling makatulog ng mahimbing sa sofa.
Nagising si Elliot ng gabi na at hindi pa rin bumabalik anag dalawa niyang kasama. Nagsimula na siyang mag-alala at magalit dahil baka kung ano ng nangyari sa kanila lalo na sa kapatid niyang si Elysia.
Lumabas siya ng bahay at doon hinintay ang mga ito, ilang sandali pa ay naarinig na niya ang mga yabag nila papasok.
Sa galit ni Elliot ay sinunggaban niyang agad si Aivan at sinigawan dahil sa labis na pag-aalala nito sa kapatid niya. Humingi lamang ng sorry si Aivan at nagpaliwanag na sinamahan niya lang si Elysia. Gusto ng suntukin ni Elliot ang mukha ni AIvan kung hindi lamang siya sinigawan ni Elysia.
“Elliot ano ba?!” sigaw ni Elysia, “nasasaktan mo yung tao bakit hindi mo siya bitawan! Tsaka, bakit mo ba akong binabawalan? May karapatan akong umalis kapag gusto ko, hindi mo ako pagmamay-ari Elliot at lalaong hindi mo pwedeng kontrolin ang buhay ko!” galit na sigaw ni Elysia sa kapatid.
Binitiwan niya si Aivan at sumigaw ng sorry sa kanyang kapatid na papasok na sa loob. Humingi rin ng paumanhin si Aian ngunit niya ito pinansin at sinundan niya ang kanyang kapatid sa loob ng bahay.
Sinundan ni Elliot ang kanyang kapatid papunta sa kwarto, ngunit sarado at naka lock na ang pintuan ng abutan niya ito. Humingi siya ng sorry ng paulit-ulit sa kapatid at sinabi niyang nag-alala lamang siya sa kanya. Ngunit, wala siyang natanggap na sagot mula kay Elysia.
Bumaba na lamang si Elliot at napunta sa kusina at naabutan niya roon si Aivan.Takot man ay humingi pa rin ng sorry si Aivan kay Elliot. Hindi siya pinansin n Elliot ngunit ganoon pa rin siya patuloy sa pag ssorry.
Sa sobrang inis ni Elliot at hinarap niya ito at kinausap, “aalis na lamang kami i Elysia rito! Hindi ako sigurado kung dapat ba talaga kitang pagkatiwalaan sa misyon namin dahil ikaw mismo nililigaw mo ang atensiyon ni Elysia!” galit na saad ni Elliot.
Hindi naman nagpatinag si Aivan kahit na takot din siya, “hindi naman kailangan na palging seryoso at palaging misyon niyo na lang ang iisipin niyo. Hindi naman siguro maapektuhan kung magliwaliw lang kayo ng kaunti, atsaka ang tagal ng gustong hanapin ni Elysia yung kaibigan niya pero sa lahat ng yon ay hindi ka pumayag,” pabalang na sagot ni Aivan.
Sa sobrang inis ay hindi na napigilan ni Elliot na sabihin ang totoo, “Hindi makakatulong si Chioni sa amin at kung sakali ay magiging dahilan siya upang malaman ni Elysia na magkadugo kami!” pasinghal na saad niya.
Dahil sa sinabi ni Elliot ay natigilan si Aivan. Hindi niya alam kung anong ibig iparating ni Elliot sa sinabing magkadugo sila ni Elysia. Iniisip niya kung magpinsan ba ang mga ito or kung ano, ngunit tila may isang isang bumbilyang umilaw sa kanyang isipan at sinabing sina Elliot at Elysia ay magkapatid.
Sa puntong iyon ng tila pag-ilaw ng bumbilya sa kanyang isipan, naging malinaw sa kanya na tinatago ni Elliot kay Elysia na sila ay magkapatid. Doon na nagsimulang maguluhan si Aivan sa mga pangyayari.
Bakit hindi alam ni Elysia na kapatid niya si Elliot? Bakit hindi nito alam na may buhay pa sa pamilya niya? Bakit hindi alam ni Elysia na may kadugo pa siyang natitira at nakakasama niya ito araw-araw?
Iniisip ni Aivan na pareho lamang sila ng sitwasyon ni Elysia. Gaya ni Elysia naghahanap din si Aivan ng kanayng ibang pamilya at hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Ngunit kay Elysia, naghahanap ito ng pamilya pero ang hinahanap niya ay nasa tabi lamang niya noon una pa lamang at hindi niya alam.
Tinanong ni Aivan si Elliot, “bakit hindi mo sabihin kay Elysia na kapatid mo siya?” curious na tanong nito.
“Hindi pwedeng malaman ni Elysia na magkaptid kami dahil hindi pa ito ang takdang panahon,” seryosong saad ni Elliot.
Lalo namang naguluhan si Aivan dahil may taman panahon na namng sinabi si Elliot. Hindi niya alam kung maaawa ba siya kay Elysia dahil wala itong kaalam-alam na ang taong kasama niya ay sobrang malapit sa kanya.
“Bakit nga hindi pwede? Karapatan naman ni Elysia na malaman kung sino ka ba talaga, baka sa paraang iyon ay bumalik ang tiwala niya,” wika ni Aivan kay Elliot.
Tinitigang mabuti ni Elliot si Aivan, “hindi mo kasi naiintindihan. Kapag nalaman ni ELysia na magkapatid kami ang mga plano ay hindi mangyayari. Kapag nalaman niya ang mga mangyayri sa hinaharap ay baka hindi niya ana gawin ang kaniyang misyon,” pagpapaliwang ni Elliot.
Nakikinig namang maiigi si Aivan kung kaya’t nagpatuloy si Elliot sa pagsasalita.
“Kapag nalaman ni Elysia na magkapatid kami at at mamamatay ako kapag kinuha niya ang kapagyarihan niya sa akin, ay baka hindi na nito ituloy ang kaniyang misyon. Baka hindi niya kuhanin sa akin ang kapangyarihan kung malalaman niyang mamamatay ako,” mahinang saad ni Elliot ngunit tama lamang upang marinig ito ni Aivan.