Chapter 7: First Kiss

1638 Words
Nagising ako na mugto ang mga mata, buong gabi kong dinamdam yung mga salitang binitawan sakin ni Master Chandler. Alam ko naman na walang katotohanan ang lahat ng yun, pero hindi ko talaga maiwasang hindi damdamin ang mga masasakit na salitang yun. "May nangyare ba Noraisa?" Nakakunot noo na tanong ni Lord Gabriel habang nag lalakad kami sa garden. "Wala naman po." Nakangiting sagot ko dito. "Alam kong nag sisinungaling ka, nababasa ko sa iyong mga mata." Saad nito at huminti ito sa pag lalakad. Humarap ito sakin habang nakalagay ang dalawang kamay nya sa likuran nya. "Ang hirap naman pong mag lihim sa inyo, ang totoo po nyan medyo na homesick lang ako. Matagal na din po kasi ng huli akong umuwi samin, kaya medyo nakaramdam po ako ng lungkot kagabi." Pag sisinungaling ko dito. Hindi ito umimik, tila ba binabasa nito ang isip ko kung nag sasabi ba ako ng totoo o hindi. "Gusto mo ba na umuwi muna sa inyo?" Nakangiting tanong nito. "Hindi po, mas nanaisin ko po na mag trabaho nalang kesa umuwi samin. Alam nyo naman po ang sitwasyon ko, kailaingan ko pong supportahan ang mga needs ng bunsong kapatid ko." Nakangiting sagot ko dito, pa tango-tango naman ito na tila nauunawaan ang sitwasyon ko. "You remind me of someone Noraisa, napaka bait nya din tulad mo." Nanakangiting saad nito. "Sino po, bakit parang kinikilig po kayo dyan?' Pa birong saad ko dito. "Halata ba, akala ko pa naman ay hindi mo yun mapapansin, hahhha." Saad nito kasabay ang pag tawa. Napatingin naman samin ang mga tauhan na nasa garden. Hindi din nakaligtas ang pag tawa ni Lord Gabriel sa tenga at mata ni Master Chandler dahil nakatingin na naman ito samin mula sa silid nya sa 4th floor. "Tingnan mo yang si Chandler, simula ng dumating ka lagi na yang nandyan sa bintana nya. Hindi kaya may gusto sayo ang apo kong yan, hahha." Saad ni Lord Gabriel at napatingin na din ito sa 4th floor. Nang mapansin ni Master Chandler na nakatingin kami sa kanya ay umalis na ito sa bintana nya. "Malabo po na mag ka gusto sakin ang apo nyo, isa pa hindi ko po gugustuhin na magustuhan ng kahit sino sa mga apo nyo. Hindi po ako nararapat sa kanila, kaya huwag na po kayong mag biro tungkol dito." Nakangiting saad ko dito. "Bakit naman iha, bawal ka bang mahalin? Kung ka edad mo nga lang ako baka pinakasakan na kita." Pa birong saad nito kasunod ang malakas na pag tawa. "Naku, napaka palabiro nyo po talaga. Ang mga katulad po naming mahihirap ay hindi po nararapat sa katulad nyong mayayaman. Ibang-iba po yung mundo nyo sa mundo namin. Marami po ang magiging tutol sa pag-iibigan ng isang mayaman at isang dukha." Paliwanag ko dito kaya bigla itong natahimik. Ewan ko ba pero parang nag bago ang mood ni Lord Gabriel. Wala naman siguro akong nasabing masama, dahil yun naman talaga ang realidad sa mundong ito. - Habang nag papahinga kami ni Eros ay nakatangap ako ng tawag mula kay Auntie V, may ipag uutos daw si Lord Gabriel kaya pinapapunta ako nito sa kwarto nya. Pag dating ko sa kwarto nito ay kumatok muna ako. Himala at wala si Marky, nasan kaya ang masungit na yun? "Iha, maari mo bang dalhin itong mga documents sa opisina ni Chandler? Kailangan nya kasi ito sa meeting nya para mamaya." Saad nito. "Sige po, mag papahatid nalang po ako kay Jerome." Saad ko dito. "Sige iha, mag palit ka ng damit mo bago ka umalis." Saad nito kaya lumabas na ako ng kwarto nito habang hawak-hawak ang itim na folder. Ito ang unang beses na makakarating ako ng opisina ni Sir Chandler. Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil hindi naman maganda ang huli naming pag uusap. Kahit naman yung una naming pag uusap ay hindi din maganda. Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso na sa kwarto ko para mag palit ng damit. Nag pantalon na white ako at tshirt na blue, ito yung mga luma kong damit. Napag disisyonan kong hindi gamitin ang mga pinamili saking gamit ni Lord Gabriel dahil mas lalo lang akong pag iinitan ni Master Chandler. - Pag dating ko ng opisina ay hinarang agad ako ng guard. "Miss, id mo?" Tanong nito. Nalunok ako ng maalalang wala akong ID, hindi naman nabangit sakin ni Lord Gabriel na required pala ang id dito. "Ano po kasi Kuya, pinapunta po ako dito ni Lord Gabriel para ibigay tong documents kay Master Chandler." Nakangiting saad ko dito pero tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa. "Naku Miss hindi na uubra sakin yang mga palusot mo, marami na ang nag sabi sakin nyan pero wala namang katotohanan. Sayang at maganda ka pa naman, sayang lang yang effort mo dahil hindi ka din papansinin ni Sir tulad ng ibang mga babae na nag pupumilit na makalapit sa kanya." Saad ni Manong guard kaya napakunot ang noo ko. Napagkamalan pa ngang stalker! Alam ko naman na gwapo itong si Master Chandler, pero kung sa ugali ang basihan ekes talaga sya sakin. "Kuya nag sasabi po ako ng totoo, pinapadala nga po ito ni Lord Gabriel para kay Master Chandler. Bahala po kayp, pag ito po hindi umabot sa meeting ni Master kayo po ang mananagot." Saad ko dito kayay medyo na alarma ito. "Papasukin mo na sya, nag sasabi sayo ng totoo si Noraisa." Saad ng pamilyar na boses. Agad akong napatingin sa likuran ko. Mabuti nalang at nandito itong si Master Ayden. "Kayo po pala Sir Ayden, mabuti po at dumating kayo. Nag pupumilit po kasi itong pumasok sa loob. Hindi ko naman po pwedeng papasukin nalang basta basta dahil wala protocol po samin na hanapan ng id ang bawat papasok sa opisina." Paliwanag ni Manong Guard. "Tandaan mo mabuti angmagandang muka ng babaeng yan. Sya ang personal maid ni Lolo." Paliwanag ni Ayden dito sabay akbay sakin. "Sorry po Mam, pwede na po kayong pumasok." Saad nito kaya pumasok na kami ni Ayden. Hindi naman nito inaalis ang kamay nya sa balikat ko kaya pinag titinginan at pinag bubulungan na kami ng mga taong nakakakita samin. "Ka musta naman kayo ni Lolo? Balita ko pinag shopping ka nya kahapon." Saad nito kaya inalis ko na yung kamay nya na nakaakbay sakin. Mukang masaya pa sya sa mga nangyayare, samantalang yung Kuya nya putok na putok na ang butchi dahil sa nangyare. Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso na ako sa information desk. "Good day Mam, what can i help you?" Nakangiting tanong nito sakin. "Kay Kuya mo yan dadalhin tama ba ko, sumama ka sakin, ihahatid na kita." Saad ni Master Ayden. Pag harap ko dito ay huling uli ko ito kung paano nya kindatan yung babae sa information desk. Halata naman na kinilig yung babae sa ginawa nitong si Master Ayden. Inakbayan ulit ako nito at muli ko ding tinanggal ang kamay nya. Pag sakay namin ng elevator ay todo dikit ito sakin kaya todo iwas naman ako sa kanya. "Alam mo Noraisa, okey lang naman sakin na maging girlfriend ka ni Lolo. Deserve din naman ni Lolo na mag ka lovelife, matagal na din namang wala si lola." Saad nito kaya tiningnan ko sya ng masama. "Huwag mo nalang pansinin ang mga sinasabi sayo ni Kuya, ang mahalaga nag mamahalan kayo ni Lolo." Nakangiting saad nito. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi nito, wala din syang pinag kaiba ng Kuya nya. Tingin talaga nila sakin pumapatol sa isang matanda. Pag bukas ng elevator ay nauna na akong lumabas, todo habol naman sakin si Master Ayden. Todo iwas naman ako dahil balak na naman nitong umakbay sakin. Kung napakasungit ni Sir Chandler, kabaliktaran naman sya ni Sir Ayden na napaka kulit. "Good day po Sir Ayden." Bati ng lalaki na nasa isang table which is secretary ni Master Chandler. Nakalagay kasi sa table nito ang pangalan at position nya. "Nandyan ba si Kuya?" Tanong nito, hindi naman na nito hinintay ang sagot ni secretary Art at pumasok na ito sa isang silid. Ito na marahil ang opisina ni Master Chandler kaya sumunod na ako. Hindi ako tuluyang nakapasok sa pinto dahil nakaharang itong si Master Ayden. "Ayden, let me explain!" Boses iyon ng isang babae. Dahil may pagka chismosa ako ay sinilip ko ito. Napatabon ako ng mata ng makita yung babae na naka bra at panty nalang. Hindi naman nakatakas sa mga mata ko si Master Chandler, bihis na bihis naman ito tanging yung babae lang ang nakahubad. Mukang mag sisimula pa lang ata sila, wrong timing ata ang pag dating namin ni Master Ayden. "Babe, let me explain!" Saad nung babae at lalapit na sana ito kay Master Ayden ng bigla akong hilahin ni Master Ayden at halikan sa labi. Nang laki ang mga mata ko dahil sa ginawa nito, nanigas ako sa kinatatayuan ko at tila hindi na rin nag reresponse ang isip ko sa dapat kung gawin. Kumalas ang labi ni Master Ayden sakin ng hilahin sya nung babae. Na iwan naman akong nakatulala, sh#t that was my first kiss, at napunta lang sa wala. "Bitawan mo ko Ainna, wala kang ka kontentohan. Gusto mo pa kaming tuhuging mag kapatid!" Inis na saad ni Master Ayden dito. "S-sorry Babe, mag papaliwanag ako." Dinig kong saad nung babae. "Let's go Noraisa." Saad ni Master Ayden at naramdaman ko nalang ang dalawang kamay na nakakapit sa mag kabilang kamay ko kaya nalaglag na ang folder na hawak ko. Tuluyan ng bumalik ang ulirat ko ng mapag tantong si Master Chandler ang nakahawak sa isang kamay ko. Teka, bakit ba ko naiipit sa sitwasyong ito. Nandito lang naman ako para ihatid yung documents na pinapadala ni Lord Gabriel. Pero bakit ako naiipit ngayon sa pagitan ng dalawang mag kapatid na to. Somebody help me please!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD