"Noraisa|s"
Aalis kami ni lord Gabriel ngayon, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kasama din naman namin si Marky, hanggang ngayon ay hindi pa rin nag babago ang pakikitungo nito sakin. Para bang hindi ako nag e-exist sa paningin nya, ewan ko ba dyan para syang pinag lihi sa sama ng loob. After ng ilang minutong byahe at nakarating na kami sa aming pupuntahan. Pag baba namin ng sasakyan ay napagtanto ko na nasa isang mall kami. Mukang mag sa shopping itong boss namin. Pag pasok namin sa mall ay walang ka tao tao, malaiban sa mga nag sales personel na nag babantay sa mga store.
"Good morning Lord Gabriel" Bati ng tila manager ng mall. May mga kasama din itong security ng mall.
"Paki tulungan nalang itong si Noraisa sa pamimili ng mga gamit nya." Saad ni Lord Gabriel dito. Napatingin naman ako kay Lord Gabriel dahil sa narinig ko.
"Teka lang po, bakit ako po? Wala naman po akong perang ipapang babayad dyan." Nahihiyang saad ko sa matanda.
"Huwag mong isipin ang pang bayad." Nakangiting saad nito kaya mas lalo lang akong nataranta.
"Naku po Lord Gabriel huwag na po, isa pa napaka mahal ng mga bilihin dito. Kung ikakaltas nyo po yun sa sahod ko wala na po akong maipapadala sa bahay." Sagot ko dito habang pa kamot kamot ng ulo.
"Sagot ko na to iha, huwag mo ng problemahin ang ipang babayad mo. Sige na, sumama kana kay Jamine, sya na ang bahala sayo." Saad nito at umalis na. Napakamot nalang ako ng ulo habang nakatingin sa pag layo nito. Naiwan ako kay Ms.Jasmine, nginitian ko ito at ngumiti din naman ito sakin.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito sakin ni Lord Gabriel, tiyak na pag iisipan na naman ako ng masama ni Marky lalo na ng mga apo nya kapag nalaman na pinag shopping ako nito. Mas lalo lang nila akong pag iisipan na gold digger ako, jusme naman ano ba tong tumatakbo sa isip ng boss ko. Lalo lang akong pag iinitan ng mga tao sa mansion.
-
" Teka lang po Ms.Jasmine, sobrang dami na po nito." Saad ko dito dahil lagay lang ito ng lagay sa push cart ng mga damit. Sa sobrang dami nito ay kahit na isang buwan akong hindi mag laba ay ayos lang.
"Sinusunod ko lang ang instruction na binigay sakin ni Lord Gabriel." Nakangiting saad nito. Napakamot naman ako ng uo dahil sa sinabi nito.
"Okey na po yan, hindi ko din naman po yan masusuot lahat." Nahihiyang sagot ko dito.
"Pero mga pang bahay mo palang yan, wala pa dyan yung mga formal dress mo. Nabanggit sakin ni Lord Gabriel na may Party kayong pupuntahan next week kaya kailangan mo din ng masusuot para dito." Saad nito at nag patuloy kami sa pag lalakad. Nakarating kami sa dress station. Pag kakuha nito ng dress at nilalapat lang nito sa katawan ko, para bang tinitingnan nito kung babagay ba sakin yung dress o hindi. Mukang expert na si Ms.Jasmine dito, kahit na hindi ko sabihin sa kanya yung sukat ng mga damit ay alam nya na sa isang tingin palang kung ano ang tama para sakin.
"Try mo ito iha." Nakangiting saad nito at may inabot itong dress na emerald green sakin. Hindi na ako nag reklamo at agad na pumunta sa fitting area para matapos na agad. Sa loob ng fitting area ay may human size mirror kaya kitang kita ko ang sarili ko dito. Hindi ako makapaniwala na babagay sakin ang dress na suot ko. Pag labas ko ay agad ko itong pinakita kay Ms.Jasmine.
"Sabi na nga ba at babagayy yan sayo." Nakangiting sagot nito. Napansin ko ang push cart na tulak tulak ng assistant nya. Napalunok nalang ako dahil isang ga bundok na ito. Dali-Dali na akong nag palit ng damit dahil ilang minuto lang na mawala ang paningin ko dito ay sandamakmak na damit na agad ang naidadagdag nya.
-
Buong akala ko ay tapos na kami sa pamimili ngunit hindi pa pala. Nuapo ako sa isang silya dahil medyo nangangalay na ang paa ko sa pagiikot.
"Size 9 ang paa mo, tama ba ko?" Nakangiting tanong nito. Tumango lang ako bilang sagot. Umalis ito at maya-maya pa ay may mga dala ng pare of shoes. Napabuntong hininga nalang ako dahil para bang wala ng katapusan ang pamimili nito.
"Tama na po siguro yung isang pares ng sapatos sa sandals." Suggest ko dito. Hindi naman ito umimik at muli na namang umalis. My goodness, aanhin ko naman itong ganito ka daming gamit? Kulang na kulang ang isang buwan na sahod ko para mabayaran ang mga ito.
Pag balik ni Ms Jasmine ay mga mamahaling bag naman ang dala nito. Napa buntong hininga nalang ako dahil sobra sobra na talaga ito.
"okey tapos na tayo, pa balik na din sila Lord Gabriel." Nakangiting saad nito kaya nakahinga ako ng maluwag. Pag dating namin sa counter ay dumating na sila Lord Gabriel. Habang abala si Ms.Jamine sa pakikipag usap kay Lord Gabriel ay pa lihim kong binabawasan yung mga gamit na pinamili nya. Wala namang angal yung babae na nag aasikaso sa counter. Tama na yung tig iisang pares lang, mas lalo lang akong pag iinitan ng mga tao sa mansion dahil sa special treatment sakin ng boss namin.
Nang matapos na sila sa pag pack ng mga pinamili namin ay napakunot ang noo ni Ms.Jasmine. Nginitan ko naman ito at agad na nag peace sign.
"Thank you Jasmine, sa uulitin." Saad ni Lord Gabriel dito.
"Walang anuman po, anytime po." Nakangiting sagot ni Ms. Jasmine. Nag pasalamat din ako dito bago umalis. Mga alalay ni Lord Gabriel ang nag bitbit ng mga pinamili namin.Nakakahiya nga dahil kahit isang paper bag ay wala manlang akong bitbit.
"May gusto ka pa bang bilhin iha?" Nakangiting tanong ni lord Gabriel habang binabaybay namin ang mall.
"Wala na po, sobra-sobra na po ito." Nahihiyang sagot ko.
"Maliit na bagay lang yan iha, kulang pa yan kung tutuusin." Saad nito at ngumiti ng malapad sakin. Ewan ko ba pero pakiramdam ko may tinatago sakin si Lord Gabriel. Ayuko namang isipin na may gusto ito sakin, dahil ramdam ko naman na parang apo lang ang turing nito sakin.
--KINAGABIHAN--
Agad na kumalat ang usapin sa mansion na pinag shopping ako ng boss namin. Dapat ba akong matuwa or dapat akong mangamba?
"Grabe girl, napaka swerte mo naman." Saad ni Eros habang isa-isang binubuksan ang mga paper bag na pinamili ni Lord Gabriel para sakin.
"Kunin mo nalang kung ano ang gusto mo dyan, hindi ko din naman lahat yan masusuot." Nakangiting saad ko dito.
"Talaga? Wala ng bawiaan ah!" Nakangiting sagot nito. Habang abala si Eros sa pang hahalungkat ay nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan kaya lumabas ako ng kwarto namin para kumuha ng tubig. Habang nag lalakad ako ay nakasalubong ko si Sir Chandler, hindi ko alam kung saan ito pupunta, marahil ay may sasadyain itong kasambahay. Dahil ang floor na ito ay puro kwarto lang ng mga kasambahay.
Nang mag tapat kaming dalawa ay agad akong yumuko dito bilang pag galang. Tumigil ako sa pag lalakad at hinintay ang pag lampas nito sakin pero nagulat ako ng bigla nitong hilahin ang braso ko paalis.
"S-sir nasasaktan po ako." Saad ko dito dahil sa higpit ng pag kakahawak nya sa braso ko. Nakarating kami ng balcony ng mansion at doon nya pa bagsak ng binitawan ang kamay ko. Napahawak ako sa part ng braso ko na nanakit dahil sa pag kakahawak nito.
"Ikaw! Binabalaan kita, tigil tigilan mo ang pag papaikot sa lolo ko!" Inis na sigaw nito sakin. Napatingin ako dito, bakas sa muka nito ang galit.
"Kayong mga mahihirap, pare-pareho lang kayong mga mang gagamit!" Muling bulyaw nito sakin.
"M-Master Chandler, h-hindi ko naman po ginusto to! Hindi ko naman po hiniling sa lolo nyo na bilhan ako ng mga gamit. Kung gusto nyo po ibabalik ko ang lahat ng ito sa inyo. Wala po akong ginagawang masama, hindi po ako mang gagamit!" Naiiyak na sagot ko dito. Ito na nga ba yung sinasabi ko, hindi talaga ako nag ka mali sa kutob ko.
"Ilan ba ang kailangan mo, Huh Noraisa!" Inis na saad nito at hinila ang braso ko. Sobrang lapit ng mga muka namin sa isat isa habang nang lilisik ang mga mata nito na nakatingin sakin.
"Sabihin nyo na po sakin lahat ng masasakit na salita, pero hindi ko po pinag bebenta ang dignidad ko. Malinaw po ang intensyon ko sa lolo nyo, wala po akong ibang motibo diot. Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang personal maid nito." Madiin na sagot ko habang pilit na pinipigilan ang pag tulo ng aking luha.
"Huwag mong bilugin ang ulo ko Noraisa dahil basang basa ko na ang mga katulad mo. Ilan ba ang kailangan mo, isang milyon, dalawang milyon or higit pa, siguro naman sapat na yan sa pangangailangan mo para sa kapatid mong may karamdaman?" Nakangising saad nito. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko dahil sa mga masasakit na salitang binitawan nito.
Okey lang naman sakin na pag salitaan ako ng masasama, pero huwag naman sanang idamay ang kapatid ko. Marangal akong nag tatrabaho sa paraang alam ko. Pero paano nya nalaman ang tungkol sa kapatid ko?
"Ma swerte ka Master Chandler dahil ipinanganak kang mayaman, kahit hindi ka mag trabaho ng ilang taon ay may kakainin ka. Salamat nalang po sa malaking offer nyo sakin, pero kaya ko pong suportahan ang pangangailangan ng kapatid ko gamit ang pera na pinag paguran ko." Saad ko dito at pinunansan ang luhang kumalay sa muka ko.
Napansin ko na nagulat ito dahil sa pag iyak ko, hindi na ito umimik at iniwanan ako na para bang walang nangyare. Alam kong hindi lang ito ang masasakit na salita na matatangap ko mula sa kanya. Dapat masanay na ako kung gusto kong mag tagal sa trabahong ito. Titiisin ko para sa mga mahal ko sa buhay, lalo na sa kapatid ko. Sa akin nalang umaasa si Inay at Itay para sa maintenace ni Abby. Kaya ko ito, ngayon pa ba ako susuko? Madami na akong pinag daanan, alalampasan ko to, mapapatunayan ko din sa kanila na mali ang mga iniisip nila tungkol sakin.