After 1 week
Chandler's Pov
Nakatayo ako ngayon sa bintana ng kwarto ko habang pinag mamasdan si Lolo at ang maid nitong si Noraisa. Ngayon ko lang nakita si Lolo na ganito, yung palaging nakangiti at masigla.
"May resulta na ba sa investigation na hinihinge ko?" Tanong ko kay Niel, ang kanang kamay ko.
"Opo, ito na po Master." At may inabot ito saking folder. Muli kong sinulyapan sila Lolo sa garden bago ko buksan yung folder na nag lalaman ng information tungkol kay Noraisa.
"Noraisa Areola, 25 years old, single. Panganay na anak ni Mr. Noel and Mrs Raisa Areola. Highschool graduate, at sa edad na 17 ay nag simula na itong mag trabaho. May dalawang kapatid ito at ang bunsong kapatid nito ay masakit na Autism. Sya ang naging bread winner ng pamilya nila." Saad ni Niel habang tinitingnan ko ang mga pictures na nasa folder. Picture ito ng pamilya ni Noraisa. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng awa dito. Mali siguro na pag isipan ko sya ng masama.
"May gusto pa po ba kayong malaman tungkol sa kanya?" Muling tanong ni Niel.
"Nag ka boyfriend na ba sya or naka live in?" Tanong ko dito habang pinag mamasdan sila ni Lolo.
"Wala pa po Master Chandler." Sagot nito na ikinagulat ko. Bibihira nalang sa isang babae na umabot sa edad na 25 na hindi manlang nakakaranas na mag ka boyfriend.
Hindi pa rin dapat ako mag tiwala sa kanya. What if MMMM pala ang hinahanap nya? As in Matandang Mayamang Madaling Mamatáy. Pero sa kondisyon ni Lolo, dalawang M pa lang sya. Dahil masamang d**o ito at hindi Madaling Mamatáy. May sa pusa din ata itong si Lolo dahil palaging nakakaiwas kay kamatayan.
After namin mag usap ni Niel ay muling tiningnan ko si Lolo at Noraisa. Napakunot ang noo ko ng bigyan sya ni Lolo ng puting Rosas galing sa garden namin.
Nakakapanibago ang mga kinikilos ni Lolo. Simula ng mamatáy si Lola, 20 years na ang lumipas ay hindi na ito ulit nag hanap ng ibang babae. Naging masungit si Lolo sa mga babaeng nakapalibot sa kanya, siguro dahil sa pag ka wala ni Lola. Mashado nya itong dinamdam at hindi na ulit muling nag mahal. Ayukong isipin na si Noraisa ang muling nag bukas ng puso'ng sarado ni Lolo dahil parang nakakadiri naman. Isipin nyo, 70 na si Lolo tapos mag kakagusto sya sa 25 years old. Paano kung mag kamabutihan na sila? Mas matanda pa ako sa magiging Lola ko. Sh*t, bigla nalang tumaas ang mga balahibo ko dahil sa mga pumasok sa isip ko.
Naalala ko yung pag uusap namin ni Noraisa sa kusina before. Kusa syang aalis kung sakaling mag ka gusto sa kanya si Lolo. Sana lang ay tuparin nya ang pangako nya.
**Noraisa's Pov**
"Grabe, talagang napaka-lawak nitong mansion." Saad ko kay Eros. Isang linggo na ako dito sa mansion, pero ngayon palang ako nag karoon ng pag kakataon na ikutin ito kasama si Eros.
"Sinabi mo pa, nung unang araw ko nga dito palagi nalang akong naliligaw." Sagot ni Eros sakin.
"Kung hindi mo ako sinamahan ngayon, baka na ligaw na din ako." Sagot ko dito.
Sa labas kasi ng mansion may ground pa kung saan pwede mag laro ng basketball, tennis, volleyball at kung ano-ano pang outdoor sports. Sa sobrang lawak ng lupain ni Lord Gabriel, pwede na itong gawing camp site.
Pa lubog na ang araw ng makabalik kami ng mansion. Gagabihin si Lord Gabriel dahil may mga inasikaso ito sa kompanya nya kaya pwede pa akong tumulong sa ibang gawaing bahay.
Pag pasok namin ng kusina naabutan naming nag kukwentuhan yung ibang kasamahan namin. Pero bigla silang natahimik nung nakita nila kami ni Eros. Alam ko naman na ako ang pinag chichismisan nila. Talagang napaka-dumi ng isip ng ibang tao. Hanggang ngayon ay pinag iisipan nila kami ng masama ni Lord Gabriel. My gosh, hindi ba sila kinikilabutan sa mga iniisip nila tungkol samin?
After namin mag ready ng dinner ay dumating na si Lord Gabriel. Kasabay din nito ang dalawang apo nya na si Master Chandler and Ayden. Simula nung gabing nag kausap kami ni Master Ayden ay hindi na yun nasundan pa. Pero madalas kami nitong pinag mamasdan tuwing umaga mula sa silid nya. Alam kong wala pa din syang tiwala sakin. Buti pa si Master Ayden, malawak ang pang-unawa.
"Kumain na muna tayo." Saad ni Lord Gabriel sa dalawang apo nya dahil balak na ng mga ito na dumiretso sa kanya-kanyang silid nila.
"Sorry Lolo pero busog pa po ako. Kumain na kami sa labas nila Mr.Chavez kanila." Sagot ni Chandler at sumakay na ito ng elevator papuntang 4th floor.
"Ako din Lolo, nag dinner date kami ng anak ni Mr.Olivarez kanina." Nakangiting saad ni Ayden at umakyat na ito ng hagdan papunta sa 4th floor nya.
Napansin ko ang pag buntong hininga ni Lord Gabriel. Bakas sa muka nito ang pagod at lungkot. Nauunawaan ko naman sya kung bakit. Isipin nyo naman, tatlo na nga lang sila sa mansion tapos wala pa syang makakasabay sa hapag kainan. Minsan yan din ang nakakalungkot na realidad sa buhay ng mayayaman.
"Iligpit nyo na yan Vilma, dalhan mo nalang ako sa kwarto ko Noraisa ng dinner." Saad ni Lord Gabriel at dumiretso na ito sa elevator. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Lord Gabriel. Parang gusto kong pag sabihan yung dalawa nyang apo. Sa hapag kainan na nga lang sila na kokompleto tapos di pa nila magawang samahan ang lolo nila.
"Dalhin mo na to sa kwarto ni Lord Gabriel. Make sure na kakainin nya ang lahat ng yan. Huwag kang papayag na hindi nya mauubos ang mga yan." Saad ni Auntie V sakin kaya tumango nalang ako.
Kailangan kong pangalagaan ang kalusugan ng boss ko dahil sya ang dahilan kung bakit nandito ako sa trabaho na to. Paano nalang pag na wala sya, mawawalan na din ako ng trabaho diba? Kaya kahit anong mangyare, kailangang maging masigla at maging masiyahin si Lord Gabriel.
*Knock* Knock*
Agad din namang bumukas yung pinto at bumungad sakin ang seryosong muka ni Marky. Naabutan ko naman si Lord Gabriel na kalalabas lang ng banyo. Nakapag palit na ito ng damit pang tulog.
"Lord Gabriel, ito na po yung dinner nyo. Ubusin nyo daw po ito Sabi ni Auntie V." Nakangiting saad ko at ipinatanong na ito sa table nya. Naupo din naman ito agad at nag simula ng kumain.
"After kong kumain, kumain na din kayo sa baba ni Marky." Saad nito kaya nag katinginan kami ni Marky.
"Masusunod po." Sagot ni Marky. Alam ko naman na ayaw nya sakin, ayaw nya lang na sumama ang loob ni Lord Gabriel kaya sumasang-ayon nalang ito sa kung ano ang sabihin sa kanya ng boss namin.
After nitong kumain ay lumabas na kami ni Marky ng kwarto. Sabay din kami nitong sumakay ng elevator. Pag labas namin ng elevator ay nakasunod lang ito sa likuran ko hangang makarating kami ng kusina.
"Kumain kana ba iho?" Tanong ni Auntie V Kay Marky.
"Hindi pa po, utos ni Lord Gabriel na sabayan ako ni Noraisa na kumain." Sagot nito na syang ikinagulat ko. Natigilan tuloy sa pag kain yung mga kasamahan namin.
Dali-dali namang nag hain yung mga taga kusina ng makakain namin ni Marky. Pag utos talaga ni Lord Gabriel, wala ng rekla-reklamo.
Habang kumakain kami, hindi ko malunok ng maayos yung kinakain ko dahil sa mga matang nakatingin samin. Hindi na nga ako nakakain ng maayos dahil na walan na din ako ng gana.
-10pm-
Nag paalam kami ni Eros kay Auntie V kung pwede maligo ng swimming pool. Pumayag naman ito basta huwag daw kami maingay. Tuwang-tuwa naman kami ni Eros kaya nag bihis na kami ng pang swimming. Bali naka short and t-shirt lang kaming dalawa.
"Alam mo ba na ngayon palang ako makakapag swimming dito." Saad ni Eros na ikinagulat ko.
"Talaga? Diba isang taon kana dito." Tanong ko dito.
"Oo, wala din naman kasi akong time na mag swimming dahil puro work sa umaga. Isa pa wala din akong kasama maligo dito ng ganitong oras." Sagot nito kaya napangiti nalang ako. Mabuti nalang talaga at nandito si Eros. Kahit papano ay may naging kaibigan ako.
Lumusong na kami sa tubig, todo basaan pa kaming dalawa. Pilit naman naming hinihinaan ang boses dahil baka magising ang mga amo namin.
"Teka lang Noraisa, mas maganda siguro kung may iniinom tayo." Saad nito at umahon na ng swimming pool. Hindi ko alam kung anong inumin ang tinutukoy nito. Sumandal ako sa gilid ng pool at doon ay tumingala. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Naramdaman ko naman ang pag balik ni Eros.
"Ang bilis mo naman, ano ba yung kinuha mo?" Tanong ko dito at iminulat na ang akong mga mata. Nang laki ang mata ko ko dahil sa sobrang lapit ng muka sakin ni Master Ayden. Baliktaran yung pwesto ng muka namin dahil nakadungaw ito sa muka ko. Agad din naman itong tumayo ng maayos.
"Sino ba yung hinihintay mo dito ng ganitong oras? Huwag mong sabihing si Lolo?" Saad nito kaya napakunot ang noo ko.
Mali pala ako ng akala sa kanya, dahil maging sya ay iba din ang tingin sakin.
"Noraisa, sino yang kausap mo- kayo po pala Master Ayden." Gulat na saad ni Eros. Agad naman na itinago ni Eros ang dala-dala nya.
Umahon na ako sa swimming pool. Ayukong isipin ni Master Ayden na nag fefeeling mayaman kami ni Eros dahil sa pag gamit ñamin ng swimming pool na walang pirmiso nya or ni Lord Gabriel.
"Aalis na kayo agad? Bakit di nyo muna ako samahan dito? Isa pa malaki naman itong swimming pool." Saad nito at nag hubad na ng damit nya. Agad akong umiwas ng tingin dito dahil naka swimming trunks lang ito.
"Paumandin Master Ayden, pero kailangan na din po namin mag pahinga. Salamat nalang sa pag imbita." Saad ko dito at hinila na si Eros.
"Shuta ka girl, anong nangyare nung wala ako?" Tanong ni Eros sakin habang nag lalakad kami pa balik ng kwarto namin.
"Akala nya ata si Lord Gabriel ang kasama ko maligo. Bwesít, Akala ko pa naman iba sya kay Marky at Master Chandler. Iisa lang din pala ang tumatakbo sa mga isip nila." Inis na saad ko dito.
"Masisisi mo ba sila kung yun ang tingin nila sayo? Sobrang bait naman kasi sayo ni Lord Gabriel. Kaya nga maraming katulong ang naiingit sayo." Paliwanag nito.
Napabuntong hininga nalang ako. Hanggang kelan kaya nila ako pag iisipan ng masama?