Kinapa ko ang sarili ko dahil Wala akong naramdaman na tumama sa katawan ko.
"What the heck, nag papakamatãy ka ba miss?" Saad ng isang lalaki kaya iminulat ko na ang mga mata ko.
"Sir please kailangan ko po ng tulong. Y-yung amo ko pong babae at ang baby nya iligtas nyo po sya. Please po tulungan nyo kami." Saad ko dito habang tumutulo ang luha ko. Hindi ko na pinansin yung tanong nya dahil wala na akong oras para mag paliwanag sa kanya. Tiyak na sa mga oras na to ay hawak na ni Sir Loid ang mag Ina nya.
"Ano bang problema dyan Jerome?" Saad ng isa pang lalaki, hindi ito nag iisa dahil may mga guard itong nakapalibot sa kanya. Napakamot ng ulo itong si Jerome at tiningnan ulit ako.
"Sorry lord Gabriel, itong babae kasi na to humihinge ng tulong. Hindi ko alam baka nang titrip lang." Saad nitong si Jerome kaya agad akong lumapit dun sa tinatawag nyang lord Gabriel. May edad na ito pero matikas pa din ang pangangatawan nya. Agad akong lumuhod sa harapan nya, ito lang ang alam kong paraan para tulungan nila si Mam Andrea at baby Joy.
"Please po Sir, tulungan nyo po ang Mam Andrea ko. Hindi po maganda ang sitwasyon nila sa kamay ng asawa nya. Muntik na po akong halayïn ni Sir Loid at tinulungan po ako ni mam na makatakas." Umiiyak na saad ko dito habang nakayuko. Tuloy-tuloy ang pag agos ng luha ko. Naramdaman ko nalang na may nag lagay ng coat sa katawan ko. Tiningnan ko ang matanda at inalalayan ako nitong tumayo. Hinubad pala nito ang suot nyang coat para sakin. Mas lalong akong naiyak dahil sa kabutihan nito.
"Sige iha, tutulungan ka namin. Pumasok kana sa loob bago pa mahuli ang lahat." Saad ng matanda kaya nag madali na akong sumakay sa van nito. Mabuti nalang at may kasama itong apat na armadong lalaki at iba pa yung driver na si Jerome. Tinuro ko ang daan sa kanila, nakita namin si Mam Andrea na hila-hila ni Sir Loid pa balik sa bahay nito.
"S-sir, paki usap po tulungan nyo yung mag Ina." Saad ko sa matanda.
"Sige na Sandro, alam nyo na ang gagawin nyo. Make sure na ligtas ang mag Ina." Saad ng matanda sa tauhan nya. Bumaba na yung apat na security ni Sir Gabriel. Kitang-kita ko kung paano nila iniligtas si Mam Andrea. Muntik pang barilin ni Sir Loid ang isa sa tauhan ni Sir Gabriel mabuti nalang at agad nitong naagaw ang baril dito. Pinalo nila si Sir Loid sa batok gamit ang baril na hawak nila at agad na nawalan ito ng malay. Kasunod na pangyayare ay may tinawagan sa cellphone ang isa sa mga security ni Sir Gabriel at ilang sandali pa ay may nag si datingan ng mga pulis. Bumaba na ako ng sasakyan at pinuntahan si mam Andrea. Wala itong tigil sa kakaiyak kaya niyakap ko dito.
"Sumama po muna kayo sa amin sa prisinto." Saad ng head ng pulis. Muli akong napatingin kay Sir Gabriel. Nag bow ako dito at ngumiti naman ito sakin. Pag sakay namin sa pulis car ay nakita kong kinakausap si Sir Gabriel ng head ng mga pulis. Napansin kong malaki ang respeto nila dito dahil ilang beses pang yumuko ang mga ito kay Sir Gabriel. Sa tingin ko hindi lang mayaman na tao itong si Sir Gabriel. Malawak din siguro ang connection nito sa government.
Pag dating namin ng police station kinausap kami ng mga police tungkol sa nangyare. May malay na din si Sir Loid at galit na galit itong humarap samin. Habang kinukuhaan kami ng statement dumating si Sir Gabriel. Nakakahiya sa matanda dahil gabing-gabi na ay nandito pa sya sa police station para mag bigay ng salaysay sa nangyare.
"Salamat po Sir." Saad ko dito ng matapos kaming kausapin ng mga pulis.
"Pasensya na po sa abala Mr Esguerra." Saad ni Mam Andrea dito at yumuko ito bilang pag hinge ng tawad.
"Mabuti nalang at hindi natuloy ang masamang balak sa inyo ni Attorney Asuncion. Hindi ako makapaniwala, alagad pa naman sya ng batas tapos gagawa sya ng ganyan kasama." Saad ni Sir Gabriel at tiningnan pa ang natutulog na si baby Joy.
"Maraming salamat po talaga sa tulong nyo. Hayaan nyo po Sir at ibabalik ko po itong coat nyo, lalabhan ko po muna." Saad ko dito kaya napangiti ito.
"Napabilib mo ako iha sa katapangan mo. Ma swerte si Mrs Asuncion sayo dahil ikaw ang kasambahay nya." Nakangiting saad nito.
"Sir, pwede po ba huminge ng pabor sa inyo. Alam ko po na sobra na yung tulong na ginawa nyo samin ngayong gabi. Pero pwede po bang kunin nyo nalang si Noraisa. Balak ko po kasi na umuwi nalang sa probinsya namin. Wala na din kasi akong kakayanan na pa sweldohin sya dahil sa sitwasyon naming mag asawa ngayon." Saad ni Mam Andrea na ikinagulat ko.
"What do you mean Mrs Asuncion? Gusto mo ba na sakin na mag trabaho itong si Noraisa?" Nakakunot noo na tanong ni Sir Gabriel.
"Opo, sasagarin ko na po ang tulong na ibibigay nyo samin. Hindi po ako mapapahiya kay Naroisa, napaka sipag po nya at talagang napaka bait na bata." Saad ni mam Andrea. Nalulungkot ako dahil sa maigsing panahon na pag sasama namin ay nag ganito pa.
"Ang tanong, gusto mo bang mag trabaho sakin iha?" Tanong ni Sir Gabriel na ikinagulat ko.
"Okey na okey po sakin Sir. Kailangan ko po talaga ng trabaho. Ako nalang kasi ang inaasahan ng magulang ko para sa gamutan ng kapatid ko." Sagot ko dito.
"Kung ganun, your hired. Sumama kana sakin ngayong gabi para makapag simula kana bukas." Nakangiting saad nito kaya napayakap ako kay Mam Andrea. Nag paalam na kami nito sa isat-isa.
"Thank you po ulit Sir Gabriel, Malaki po ang utang na loob ko sa inyo." Saad ko dito bago sumakay ng sasakyan.
-
After ng ilang minuto naming byahe, nakarating kami sa isang napaka laking gate. Nag patuloy sa pag andar ang sasakyan. Pilit kong hinahanap yung bahay ni Sir Gabriel pero mukang malayo pa. Muli ay may isang malaking gate kaming dinaanan. Sliding gate ito at mukang automatic. Pag pasok namin ay bumungad agad samin ang nag gagandahang ilaw sa Hardin. Sumasabay sa pag sayaw ng fountain ang pag kutitap ng mga ilaw. Napalunok ako sa sunod kong nakita, ang napakalaking gusali. Hindi ito basta bahay, kundi isa itong mansion.
"Welcome sa Esguerra's Mansion iha. From now on dito kana mag tatrabaho. Sana ay mag enjoy ka sa pananatili dito." Saad ni Sir Gabriel kaya tumango nalang ako. Abala ang mata ko sa mga nakikita ko. Hindi ko akalain na makakapag trabaho ako isang mansion. Talagang napakayaman ng bago kong amo.
Pag baba namin ng sasakyan, sinalubong kami ng dalawang maids.
"Welcome back lord Gabriel." Saad ng dalawang maid nito at nakayukong humarap sa bago kong amo.
"By the way Vilma, this is Noraisa, bago nyong makakatulong sa pag aasikaso dito sa mansion. Ikaw na ang bahala sa kanya." Saad ni Sir Gabriel dito sa isang katulong na may kaedaran na din. Tiningnan ako ni Aling Vilma mula ulo hanggang paa.
"Magandang gabi po, ako po si Noraisa Ariola. Ikinagagalak ko po na maging katrabaho kayo." Nakangiting saad ko dito.
"Maiwan na kita iha, si Vilma na ang bahala sayo, sya ang mayordoma dito. Mag papahinga na ako at mag pahinga kana din." Saad ni Sir Gabriel at pumasok na ito sa loob.
"Saan ka naman napulot ni Lord Gabriel?" Tanong ni Aling Vilma.
"Mahabang istorya po." Saad ko dito.
"Simulan mo na habang nandito pa tayo sa entrance ng mansion. Siguro naman tapos kana sa pag kukwento bago tayo makarating sa magiging kwarto mo." Saad nito kaya napangiti nalang ako. Mukang hindi agad ako nito makakapag pahinga. Pero masaya ako sa bagong mundong tatahakin ko.
Bago kami makarating sa kwarto ay naipaliwanag ko sa kanilang dalawa ang mga nangyare kanina. Hindi ko akalain na napakalawak ng mansion at napakalayo ng magiging kwarto ko.
"Dito ang magiging kwarto nyo, si Eros ang makakasama mo dito." Saad ni Aling Vilma, at ang tinutukoy nya ay ang babaeng kasama nya na halos ka edad ko lang din.
"Salamat po Mam" Sagot ko dito..
"Just call me, Auntie V. Yan ang tawag nilang lahat sakin dito maliban kay Lord Gabriel." Sagot nito. Medyo strikta si Auntie V, mahahalata mo naman ito sa way ng pananalita nya. Pero alam kong mabait sya, siguro dahil sya ang mayordoma dito sa mansion kaya kailangan nyang maging strikta para mas lalo syang sundin ng mga katulong tulad namin.
"Sige na, mag pahinga na kayo ni Eros. Bukas ko na ipapaliwanag sayo ang mga rules and regulations dito sa mansion. Good night!" Saad nito at iniwan na kami ni Eros.
Pag pasok namin sa loob ay nakahinga ako ng maluwag. Double-deck yung higaan at naka Aircon ito. Ang sosyal talaga dito saansion, pati room ng maid naka aircon.
"Mag palit kana muna ng damit Noraisa, masaya ako at sa wakas ay may roommate na ako." Nakangiting wika nito at inabutan ako ng damit na pang tulog.
"Thank you Eros, masaya din ako na ikaw ang makakasama ko dito." Nakangiting sagot ko at pumanhik na ako ng banyo.
Napangiti ako habang nag sa-shower. This is it, nararamdaman kong magiging maayos ang buhay ko sa mansion na ito. Excited na ako sa bago kong trabaho. Sa mga bagong tao na makakasalamuha ko.