Chapter 3: Personal Maid

1697 Words
Nagising ako dahil sa malakas na wang-wang sa silid namin ni Eros. Alas dos na kami nakatulog dahil sa pag ku-kwentuhan namin. "Ano ang ingay na yun?" Tanong ko dito habang pakurap-kurap pa ang aking mata. "Daily alarm yan para sa mga kasambahay. Ibig sabihin nyan 4am na at dapat exact 4:30am ay nasa dining hall na ang lahat para sa attendance." Saad ni Eros at dumiretso na ito ng banyo para maligo. Niligpit ko naman ang hinigaan ko. After maligo ni Eros ay ako na ang sumunod. Tuwang tuwa naman ako sa uniform namin kasi napaka cute nito. Mahaba naman ang palda nya hindi katulad dun sa mga napapanuod kong sexy maids. "Bilisan na natin, ito ang unang araw mo kaya kailangan mag pakitang gilas ka lalo na kay Auntie V." Saad nito at pag labas namin ng kwarto ay may mga kasabay na din kaming mga kasambahay na nag mamadaling makarating ng dining hall. Pag dating namin sa dining hall, pumila kami ng dalawang line. Palihim kong binilang kung ilan kami at nasa 30 ka tao kami. Hindi na ako mag tataka kung bakit ganito kami karami. Sa laki ba naman ng mansion talagang kulang ang sampong tao sa pag lilinis dito. "Good morning sa lahat." Panimula ni Auntie V "Good morning din po sa inyo Auntie V." Saad naming lahat dito. "Bago kayo mag simula sa mga trabaho nyo, gusto ko lang ipaalam sa inyo na may bago tayong makakasama dito sa mansion." Saad ni Auntie V at tumingin ito sakin. Bahagya naman akong itinulak ni Eros papunta sa unahan kung san nakatayo si Auntie V "Makinig kayong lahat, this is Noraisa Areola. Kasama dyang dumating ni lord Gabriel kagabi. Gusto kong pakisamahan nyo sya ng maayos." Saad ni Auntie V. "Hello po sa inyong lahat, ikinagagalak ko po na makatrabaho kayong lahat." Nakangiting Saad ko sa kanila. Ngumiti ang ilan sa mga ka trabaho ko, yung iba hindi mabasa ang emosyon. Sana lang ay wala akong maging problema sa kanila. Bumalik na ako sa tabi ni Eros at muling nag salita si Auntie V. "Sige na, pumunta na kayo sa kanya-kanya nyong gawain. Maiwan ka Noraisa, may pag uusapan pa tayo." Saad ni Auntie V kaya napalunok ako. Nang kami nalang ang naiwan nito ay may inabot itong papel sakin. "Nakasulat dyan ang magiging daily routine mo dito sa mansion." Saad nito kaya pinaka titigan ko ang papel. "Ako po ang magiging personal maid ni lord Gabriel?" Di makapaniwalang tanong ko dito. "Oo, sya ang nag sabi sakin na ikaw ang gawing personal maid nya which is nakakabigla dahil ang totoo nyan ay si Marky ang tanging nag aasikaso sa kanya noon pa man. But anyway, mas okey na din yun para mas maasikaso mo ng husto ang amo natin." Saad nito kaya napangiti nalang ako. Hindi naman mahirap ang mag alaga ng isang matanda. Iisipin ko nalang na isang baby ang pag sisilbihan ko ngayon. "By the way Noraisa, meron lang ako ipapaalala sayo." Pahabol na saad ni Auntie V. "Ano po yun?" "Mahigpit na pinag bawal ng ang pag akyat sa 4th floor sa left and side." Sabay turo nito sa dalawang gusali na nasa pagitan ng gusali kung nasan kami ngayon. Tatlong bahagi kasi ang mansion, ang left, middle and right side. "B-bakit naman po?" Nauutal pang tanong ko. "Hindi basta-basta nag papapasok ng kung sino-sino lang ang mga apo ni lord Gabriel. Gusto nila ng privacy, kaya wag na wag mong kakalimutan na bawal pumasok sa kwarto nila na walang pahintulot ng mga ito." Saad nito kaya sunod sunod ang pag tango ko dito. "It's that clear?" Tanong nito habang nakataas ang isang kilay. "Opo, maliwanag pa sa mineral water." Nakangiting sagot ko dito. "Sige na, tumulong ka muna sa kusina habang tulog pa si Lord Gabriel." Saad nito kaya nag madali na akong tumungo ng kusina. Tumabi ako kay Eros na ngayon ay abala sa pag babalat ng mga panamya sa lulutuin. "San ka naka assign?" Tanong nito at tumulong na din ako dito. "Kay lord Gabriel." Saad ko dito. "Naku Girl good luck nalang sayo." Saad nito kaya bigla akong kinabahan. "Bakit naman?" "May pagka suplado kasi yang boss natin. Sabagay hindi na yun bago dahil katulad na katulad nya si Master Chandler." Saad nito kaya napakagat labi ako. Jusme naman, paano kung mag kamali ako sa trabaho ko. Nakakahiya kay lord Gabriel pag na disappoint sya sakin. Kailangan kong pag butihin ang trabaho ko bilang personal maid nya. "Nabanggit sakin ni Auntie V yung 4th floor." Saad ko dito kaya napatingin sakin si Eros. "Mag iingat ka sa mga apo ni lord Gabriel lalo na kay Master Ayden. Matinik sa babae si Sir Ayden. Maganda ka pa naman Noraisa kaya siguraduhin mong iiwasan mo sya. Baka kasi kung ano ang gawin nya sayo. Ilang beses ko na kasi'ng narinig sa mga kapwa kasambahay natin na walang pinipili yang si Master Ayden basta sexy at maganda ang katulong tiyak na papatusin nya." Kwento nito kaya napakunot ang noo ko. Naalala ko na naman si Sir Loid. Siguro naman ay hindi kami hahantong sa ganun diba? Isa pa si Lord Gabriel ang pag sisilbihan ko dito kaya malabo na mangyare ulit sakin ang ganoong sinaryo. After naming mag asikaso sa kusina ay dumiretso na ako sa kwarto ni Lord Gabriel para gisingin ito. May daily walk kasi ito sa garden tuwing 6am. Pag pasok ko ng kwarto nito ay hindi ko mapigilang hindi mamangha. Ang kwarto nya kasi, parang pang royalty. Katulad nung mga kwarto ng hari at Reyna na napapanuod ko sa mga movie. Lumapit na ako sa kama ni Lord Gabriel at malumanay ko itong ginising. Tinapik ko ang braso nito at agad naman itong nagising. "Good morning po Lord Gabriel." Nakangiting bati ko dito. "Good morning din sayo Iha. Kamusta naman ang tulog mo? Ayos lang ba sayo ang kwarto mo?" Tanong nito at inalalayan ko ito sa pag tayo nya. "Opo, okey na okey po." Nakangiting sagot ko dito. Tumungo ako sa closet nito, medyo naliligaw pa ako dahil hindi ko kabisado kung san nakalagay ang damit na pang work out nya. "Nasa pinakang ibaba ang mga damit ko pang work out." Saad nito kaya agad ko itong nakita. "Ito na po, mag bihis na po muna kayo." Saad ko dito at inalalayan ito hanggang sa pag pasok ng banyo nya. Habang nag bibihis ito ay inayos ko ang kama nya. Napansin ko ang picture frame na nakapatong sa mini table sa gilid ng kama nya. Picture nya ito kasama ang wife nya. Napaka ganda ng asawa ni Sir, siguro ay patày na ito dahil wala namang nabangit si Auntie V at Eros tungkol sa asawa nito. Pag labas ni Lord Gabriel sa banyo ay lumabas na din kami ng kwarto nito. Mabuti nalang at may elevator ang mansion nya dahil tiyak kong di na kakayanin ng tuhod nya kung mag hahagdan kami. Pag dating namin sa baba ay binabati sya ng mga maids na nakakakita sa kanya. Lumapit samin ang isang lalaki, mukang ito yung Marky na tinutukoy ni Auntie V. "Good morning Lord Gabriel, nabalitaan ko po ang nangyare sa inyo kagabi. Kamusta naman po ang naging tulog nyo?" Tanong nito sa amo namin. "Okey lang ako Marky, mamaya mo na sabihin sakin ang schedule ko. Mag lalakad lakad Muna ako kasama si Noraisa. By the way, sya ang newly hired na personal maid ko." Saad ni Lord Gabriel dito. Bakas sa muka ni Marky ang pag ka gulat kaya napatingin ito sakin mula ulo hanggang paa. Sa tingin nya palang sakin, alam kong wala na syang tiwala sakin. "Tara na Noraisa." Pag aaya ni Lord Gabriel. Nakasunod lang ako sa likuran nito. Inalalayan ko lang sya sa tuwing may dadaanan kaming medyo nahihirapan sya. Sa pag lalakad naming dalawa ay napansin ko ang bawat matang nakatingin samin. Ano kaya ang iniisip ng mga tauhan ni Lord Gabriel sa aming dalawa? "Nag tataka siguro silang lahat kung bakit sa tinagal tagal ng panahon ay ngayon lang ako pumayag na mag karoon ng personal maid." Nakangiting saad nito kaya medyo tumalat ako ng linya dito sa pag lalakad. "Ang ibig nyo po bang sabihin ay ako palang ang kauna-unahang naging personal maid nyo?" Pag lilinaw ko dito at agad din naman itong tumango. "Oo iha, ikaw palang kaya ganyan ang reaksyon nilang lahat." Nakangiting sagot nito. "Ibig pong sabihin isang karangalan na maging personal maid nyo." Pa biro ko pa na sagot dito. Nag kibit balikat naman ito na parang hindi sigurado sa sinabi ko. "Ilag sakin ang karamihan dito, marami kasi ang nasusupladuhan sakin. Masama daw ang ugali ko at napakainitin ng ulo ko." Paliwanag ng matanda. "Naku, parang fake news naman po yun. Kung masama po ang ugali nyo, wala po sana ako dito ngayon." Nakangiting sagot ko dito. Hindi na ito umimik at nag patuloy na kami sa pag lalakad. Habang nag lalakad kami sa garden ni Lord Gabriel. Napansin kong may nakatingin samin mula sa itaas kaya agad akong napatingin sa 4th floor, sa left side ng mansion. Hindi nga ako nag kamali dahil may lalaking nakatayo sa bintana habang nakatingin samin. Sya na marahil ang sinasabi ni Eros and Auntie V na isa sa apo ni Lord Gabriel. Nang mapansin nito na nakatingin ako sa kanya ay umalis na ito sa bintana. "Ano bang tinitingnan mo dyan Noraisa at para kang nakakita ng multo." Saad ni Lord Gabriel at medyo malayo na ang pwesto nito sakin. "Ah eh wala po." Sagot ko dito at nag madali ng lumapit dito. "Sana ay magustuhan mo dito sa mansion iha. Matutuwa ako kung mag tatagal ka dito." Saad nito kaya napangiti nalang ako. "Mukang mag kakasundo naman po tayo Lord Gabriel. Hindi naman po kayo mahirap pag lingkuran." Nakangiting saad ko dito. Sana nga ay mag tagal ako sa Esguerra's Mansion. Siguro naman ay walang dahilan para mag quit ako lalo na at mabait sakin ang amo ko. Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Eros at Auntie V tungkol sa mga apo ni Lord Gabriel. Sana ay maging mabait sila sakin tulad ng pakikitungo sakin ng Lolo nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD