CHAPTER 2

2034 Words
Napaawang ang bibig ko pero walang umalpas na sigaw o boses manlang mula doon habang hindi maalis ang tingin ko sa matandang duguang nakahandusay sa harap ko. Muntik na akong matumba mula sa panginginig ng tuhod ko pero mabuti nalang at hindi bumigay iyon. Agad akong nakaramdam ng kiliti sa sikmura ko kaya mabilis akong tumalikod at nilabas ang lahat ng laman ng tiyan ko. Ilang beses pa akong naduwal dahil halos wala ring lumabas. Mahigit isang araw na rin akong hindi kumakain. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula sa gilid kaya nilingon ko iyon at tinapunan ng masamang tingin ang mga lalaking naka bantay sakin ngunit nginisian lamang nila ako “Alright princess, time for you to go” hambog na sabi niyo at akmang hahawakan ang braso ko nang bigla na namang umingay ang putok ng baril kasunod ay ang nakakabinging sigaw ng lalaki.  “Ahh! TANGINA!” malutong na mura nito. Malakas akong napasinghap nang makaharap ko ang kamay niyang may butas na sa gitna ng palad. Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan niya para pigilan ang pag-agos ng dugo mula sa sugat niya. Napahawak ako sa sintido ko dahi pakiramdam ko ay biglang umikot ang paningin ko. Hindi ako sanay na maka kita ng dugo. In fact ngayon lang ako nakakita ng dugo lalong lalo na at brutal pang makita iyon sa tao.  “Who gave you the permission to touch her?” sabay kaming napalingon sa lalaki kanina na nakatayo na ngayon sa harap namin. Agad akong naka ramdam ng nginig sa simpleng presensya niya, lalong lalo na nang tiningnan ko ang itsura niya at makita ang seryoso niyang mukha. Napatanga ako sa kanya dahil sa tangkad niya. Matangkad ako pero for sure he would be towering me kapag siya ang katabi ko. He have this dark look on his eyes na hindi na niya kailangan pang magpakita ng galit na ekspresyon para ipaalam iyon.  “Answer me” mahinahon pero nakakatakot niyang sabi habang diretso ang tingin sa lalaki. I was stunned when he raised his head and saw na umiiyak na siya habang nanginginig. Kanina lang ay kung sino siyang siga ngayon ay umiiyak na at kulang na lang lumuhod para sa buhay niya. “Hindi ko sinasadya boss, pasensya ka na. Pasensya na talaga boss. May pamilya ako please” nakita ko naman ang pagtaas ng gilid ng labi ng mestisong lalaki.   “I see” napapitlag ang lalaki nang umupo bigla ang mestisong lalaki sa harap niya. Napansin ko ang pag-atras ng mga taong nakapaligid sa amin kaya dahan-dahan din akong dumistansya habang nananalangin sa buhay ko. Mas lalong lumakas ang iyak ng lalaki nang biglang nilabas ng kaharap niya ang isang baril.  “Let’s play a game. Shall we?” mapaglarong sabi ng mestisong lalaki pero kasalungat niyon ang ekspresyon niya sa mukha. Napatingin ako sa paligid para tignan ang ekspresyon ng iba pero imbis na matakot ay mukhang nag-eenjoy pa sila sa pinapanood nila. Parang hindi lang buhay ng tao ang nakataya sa sayang nakikita ko sa mga itsura nila habang aliw na nanonood sa nangyayari.  Kinalikot ng mestisong lalaki ang baril na hawak “I have 5 bullets in this gun” sabi niya sabay pakita iyon sa lalaking basa na ngayon ang pantalon sa takot. “The chances is slim for you to survive but if luck is on your side then makakalabas ka dito ng buhay” masayang sabi nito at pinasok pabalik ang parang lalagyan ng bala at pinaikot iyon kasabay nang pagseryoso ng itsura niya.  “In exchange for you family”  Parang pinagsakluban ng langit ang lalaki sa narinig at ilang segundo pang natulala bago mabilis na lumuhod sa harap ng lalaki at akmang hahawakan ang paa niyon pero hindi niya tinuloy. Mabuti naman at naisip niyang baka maling galaw ‘yon “Sir maawa ka po sakin. Ako nalang po wag na ang pamilya ko. Sorry po talaga sa nagawa ko. Sorry talaga please” parang pinunit ng ilang beses ang puso ko sa narinig kong pagmamakaawa ng lalaki. Mahihimigan ko sa boses niya ang desperasyong makawala at umaasang madadaan ang lahat sa pagmamakaawa pero mukhang hindi iyon ang kaso dahil mukhang in-enjoy pa ng mestisong lalaki ang nakikitang pagmamakaawa ng lalaki sa harap niya. He tilt his head to the side, watching every tear falling from the man’s eyes.  He looked so amused sa nakikita niya. “But it’s not for me to judge” agad na napapikit ang lalaki nang walang awang tinutok ng mestisong lalaki ang baril sa sentido niya. Mariin akong napapikit dahil hindi ko kayang makita pa ang susunod na mangyayari. Gusto kong tulungan ang lalaki pero natatakot ako para sa sarili kong buhay. Kagaya niya ay may pamilya din akong gustong uiwan, kung makakauwi nga ba talaga ako dahil sa nakikita ko ay mukhang malabo.  Malakas na sumigaw ang lalaki, maybe waiting for his death to come. Pero ilang segundo na ang lumipas pero wala akong narinig na pumutok kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.  “Safety on” walang emosyong sabi ng mestisong lalaki and pulled the trigger many times while looking dead straight on the man.  Dahan-dahang lumipat ang tingin ng lalaki sa baril at mukhang nakahinga ng may makita doon.  The man stood up and turned to look at me. Parang hinulog naman mula sa eroplano ang puso ko sa kaba nang dahan dahan siyang maglakad papunta sa direksyon ko while everyone is laughing sa lalaking naiwang nakaupo at basa ng sariling pawis, luha at ihi dahil sa kaba at takot.  Dahan-dahan akong napaatras hanggang sa may maramdaman akong matigas sa likod ko kaya nilingon ko iyon at nakitang nasa gilid na ako. He grinned which made my heart flutter. “Scared?” malalim ang boses na sabi niya at naupo sa harap ko at pinantayan ang tingin ko.  Nilunok ko ang lahat ng kabang nararamdaman ko and stared back at him “Anong kailangan mo sa akin?” agad na tumaas ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko.  “I don’t need anything from you” “Then bakit moko binili?” kunot noong tanong ko sa kanya.  Napatingin naman siya sa taas at nagkunwaring nag-iisip. “I don’t know. For fun I guess?” nakangising sabi niya at inalis ang suot na coat. Napapitlag ako ng nilapit niya iyon sakin.  “Don’t touch me” babala ko sa kanya na ikinagulat niya.  “Ohh. feisty” manghang sabi niya. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko sa pagitan ng palad niya sabay lapit ng mukha sakin “Let’s see hanggang kelan ka tatagal” malamig na bulong niya sa tenga ko na nagpatayo ng balahibo ko.  Parang lantang gulay akong napa sandal sa gilid nang bigla niya akong bitawan. “Stand up” walang emosyong utos niya sakin.  Sinamaan ko naman siya ng tingin pero sinunod din ang sabi niya. Napahawak ako sa pader para suportahan ang sarili ko sa tayo dahil nanginginig pa rin ang mga tuhod ko.  “Your shaking” puna niya habang sinusuyod ng tingin ang hita ko. Mabilis ko namang hinila pababa ang dress ko “I wonder what you look like when you’re shaking and writhing beneath me” agad na nanlaki ang mata ko sa narinig and before I knew it ay nasa ere na ang kamay ko at naka ambang sampalin siya pero mabilis niyang sinalo iyon.  “My dear. You really  have a problem with  your attitude” mahina akong napaigik nang diinan niya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko sabay lapit ng mukha sakin. I sucked in more air when I smelled his fresh mint breath fanning on my face “Seems like you don't know who your master is”  He pressed his body more into mine and my eyes widened when I felt it, his thing pressing down on my belly. “Don’t worry. I’ll teach you” naiwan akong nakanganga sa kawalan nang bigla nalamang niya akong binitawan at iniwan na nakatulala habang pinoproseso ang lahat ng nangyari at sinabi niya.  I should be afraid. Well I am! Hindi ako makapaniwala na sa simpleng intention kong maghanap ng trabaho ay eto kahihinatnan ko. Makakita ng taong pinatay sa mismong harap ko dahil sa bidding at lalaking nabutas ang kamay dahil lang sa simpleng akmang paghawak sa akin. And most of all, who the f**k spends 1 Billion ng basta basta lang?! Ang dami-daming nagugutom na tao sa buong mundo, paniguradong ilang tao na ang mapapakain ng isang bilyon pero ginastos lang iyon pam bayad sakin? Hindi naman sa ganon ka baba ang tingin ko sa sarili ko pero hindi ko naisip na ganun ang halaga ko. I know I should be priceless, pero economically and financially speaking hindi ko naisip iyon.  Napabalik ako sa kasalukuyan nang biglang may nagsalita sa tabi ko “This way ma’am” magalang na sabi sakin ng lalaking naka suot ng mask. Tatlo silang nakapaligid sakin. Sinuyod ko sila ng tingin habang pasimpleng naghahanap ng butas na pwede kong gamitin para maka takas pero mukhang napansin nila iyon “Please cooperate ma’am. We don’t want to hurt you” malamig na sabi ng lalaking nasa kanan ko. I sighed and gave up. Masyado nang marami ang nangyari sa isang gabi, hindi ko alam kung kaya ko pang manlaban, lalong lalo na at nakita ng dalawang mga mata ko kung gaano ka brutal ang mga tao dito. Isang maling galaw ko lang ay buhay ko ang kapalit.  Tumungo ako at sumunod sa kanila. Hindi nila ako hinahawakan kaya pwede talaga akong tumakas. But I have this feeling na hindi ko dapat gawin iyon. I looked at everyone na nadadaanan ko at lahat sila ay nakatingin sa akin habang nagbubulungan. Bulong na rinig na rinig ko naman.  “This is the first time the king bought a woman”  “Why her? I don’t see anything special in her” “Ugh. He have no taste” “He could’ve bought me instead”  Ilan lang iyon sa mga narinig kong nakakasukang sinabi ng iilang babaeng nadaanan namin. Kung titingnan mo sila ay mukha silang inosenteng tao na hindi makaka patay kahit langgam pero nasa loob talaga ang kulo.  Giniya ako ng mga lalaking kasama ko sa sasakyang nakaabang sa labas ng building. Binuksan ng lalaki ang pinto sa likuran at bumungad sakin si ‘King’ daw na nakaupo sa loob at hindi manlang ako nilingon. Pasimple akong umirap sa ere at napipilitang naupo sa tabi niya.  “Please wear this ma’am” napakunot ang noo ko nang makita ang itim na tela na inabot sa akin ng isang lalaki. May ganun pa pala? Siguro para hindi ko malaman kung saan nila ako dadalhin in case na tumakas ako. Matalino din naman talaga sila.  Dikit ang labing tinanggap ko iyon at sinuot. Ilang segundo lang ay naramdaman kong umandar na ang sasakyan.  My body is so tense, dahil sa kabang nararamdaman ko and my senses are heightened since my eyes are covered so I only rely on my gut feeling. Tahimik lang naman ang katabi ko kaya pagkatapos ng ilang segundo ay nararamdaman kong kumalma ang katawan ko. I slowly leaned back to the seat.  This car smells so divine, hindi mo akalain hayop ang may ari nito. I inhaled sharply and his perfume filled my senses which helped to soothe me. Napaka bango niyon pero hindi matapang, lalaking lalaki pero hindi masakit sa ilong.  Napailing ako and sat up straight, I shouldn’t be like this. I should be on guard all of the time. Huwag mong kalilimutan Aela, isang lalaki na ang pinatay ng lalaking katabi mo at hindi iyan magdadalawang isip na tapusin ang buhay mo.  A few more minutes passed and the car finally stopped.  “We’re here” -- ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD