Kanina pa ako malipat-lipat ng pwesto sa higaan para lang mahanap ang posisyon kung saan ako kumportable pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Ilang tupa na din ang nabilang ko sa isip ko pero palagi akong nawawala sa pagbibilang dahil bigla na lamang pumapasok sa isip ko ang event mamaya. 'Bakit naman kasi sa iba ko pa kailangan malaman kung ano ang mangyayari mamaya? bakit hindi na lang sinabi sa akin ni Alessandro ang totoo para naklaro ko pa ang lahat ng tanong sa isip ko?' I turned around one more time and pulled the pillow nearby pero hindi pa rin talaga ako kumportable. Asar akong bumangon mula sa pagkakahiga at ginulo ang buhok ko. 'Para naman akong mababaliw kakaisip sa kung ano ang mangyayari mamaya' Nasa ganoon akong sitwasyon nang may marinig akong kumatok nan

