"Good evening, My Queen," umawang ang labi ko habang nakatitig ako kay Alessandro na yumukod sa harap ko at hinalikan ang likod ng palad ko habang titig na titig sa akin. His eyes is staring intensely at me na bigla ay hindi ako makahinga. Matigas akong napalunok and tried to find my voice. "G-good evening," utal na sagot ko nang tuluyan kon mahanap ang boses ko. Alessandro stood up straight while still staring at me. Hindi niya binitawan ang kamay ko, kundi ay pinagsalikop pa niya ang kamay naming dalawa. "Come, I'll introduce you to someone," yaya niya sa akin at giniya ako palapit sa pwesto niya kanina. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang mapansin ko na papalapit kami sa tigre na walang imik at kalmado na nakahiga lang sa sahig. Natigilan ako nang bigla na lamang itong lumigon

