Sakit. Iyon agad ang unang naramdaman ko nang maalimpungatan ako. Nanlalabo ang paningin na sinuri ko ang paligid at napagtanto na nandito ako ngayon sa kwarto kung saan ako tumakas. Agad kong nasapo ang likod ng ulo ko nang kumirot iyon nang sinubukan kong bumangon. "Ouch, nakangiwing sabi ko.
'Bakit ako may sugat?' mariin akong napapikit para isipin kung ano ang nangyari pero ang huling naaalala ko lang ay ang gabing tumakas ako mula dito sa mansion hanggang sa nakatulog ako sa ilalim ng puno. Pagkatapos niyon ay wala na akong maalala kung ano ang sunod na nangyari.
'Anong nangyari sa akin? Paano ako nakabalik dito?'
"Aela," walang emosyong sabi ni King na kakalabas lang ng banyo.
"Anong nangyari?" wala sa sariling tanong ko. A look of concern flashed on King's face pero kung gaano kabilis na bumalatay iyon sa mukha niya ay ganoon din kabilis na nawala at napalitan ng blangkong ekspresyon.
"You don't remember what happened?" malamig na tanong niya at hinila ang isang upuan palapit sa tabi ko. I looked down and tried to remember what happened for the last time pero hindi ko talaga maalala. Umiling ako bilang sagot.
"I'll call the Doctor," malamig na sabi ni King at walang sabing tumayo na palabas ng kwarto. I watched King hold the door for a few seconds and it opened by itself. Malalim akong napabuntong hininga nang doon ko lang napagtanto na iba na ang lock ng pinto. Hindi na iyon kagaya nung kelan na passcode lang ang kailangan. Hula ko ay mismong finger print na ni King ang kailangan para mabuksan iyon.
'Sinigurado na talaga niya na hindi na ako makakatakas ulit' pakiramdam ko ay bigla akong na-stress sa isipin na iyon. Pero palaisipan talaga sa akin kung ano ang nangyri at paano ako nakabalik dito na may sugat sa likod ng ulo. Don't tell me bumagsak ang ulo ko sa sahig habang natutulog ako noong gabing iyon tapos natagpuan ako ng mga tao niya na dinudugo sa kamatayan?
Napabalik ako sa kasalukuyan nang narinig ko ang sunod-sunod na mahihinang katok sa pinto na sinundan ng pagbukas niyon. Pumasok si King kasama ang isang lalaki na nakasuot ng puting gown at may magaang ngiti sa labi niya.
"Good Morning," bati nito sa akin at tumayo sa tabi ko.
"I am Dr. Jimenez, I will be assessing your condition now. Will that be okay with you?" hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya habang nagsasalita lalong-lalo nang ngumiti siya sa akin.
'Jusko, ang gwapo' piping sabi ko sa sarili at natulala sa maamo niyang mukha na nakangiti sa akin. He is tall, fair skin color and the way he talk? He sound so smart and confident of himself. Iyong tipong kausap na mapapatitig ka na lang kung siya ang nagsasalita.
He smiled even wider when he noticed the look on my face. "Aela?" pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Y-yes?" hindi makatinging sabi ko at pinaypayan ang sarili ko. Bakit biglang uminit dito?
"Are you not feeling well? You're turning red," nag-aalalang sabi niya at hinawakan ang pisngi ko. Tila napapasong lumayo ako sa kaniya nang nakita ko ang malamig na tingin sa amin ni King.
'Nyeta, minsan na ngalang ako magka-crush mukhang bawal pa.'
Tumikhim ako at inayos ang sarili ko habang si Doc gwapo-este Doc. Jimenez naman ay natatawang lumayo sa akin. "Looks like I can easily steal your girl from you," he said teasingly to King. Kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa sinabi niya.
''Teka, sinong your girl pala ang tinutukoy niya?' tanong ko sa sarili atwalang ideya na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nag-uusap gamit ang mata nila. Dr. Jimenez is just smiling habang si King naman ay hindi makikitaan ng emosyong sa mukha. 'As usual.'
"Just fuckin do you job, Jimenez," malamig na sabi niya. Literal akong napanganga sa sunod na nangyari. SINAPOK NI KING SI DR. JIMENEZ!
"Ouch! That hurts you bastard," natatawang sabi ni Doc at inakbayan si King. Natatawang ginulo nito ang buhok ng isa, making King scream is anger. Binitiwan ni Doc si King at lumapit na ulit sa tabi ko. "Don't mind him. Just pretend he is not here," malakas na bulong niya sa tenga ko para iparinig sa kaibigan na kasalukuyang masama ang tinging pinupukol sa amin.
"f**k you," malutong na mura ni King pero tinawanan lang siya ni Doc.
Binaling niya ang tingin sa akin. "Alright, Aela. I will start assessing you now. Is it okay if I touch you?" paalam niya sa akin pero may iba akong napansin.
"Kilala mo ako?" gulat na tanong ko.
"Yes, I know you Aela," makahulugang sabi niya leaving me even more confused. Alright, alam ko naman na pwedeng sinabi na sa kaniya ni King ang pangalan ko, but there is something in the way he said those words that made me wonder if there's more.
"Okay," kibit balikat na sabi ko in response to his first question.
"What's your name?" parang gusto kong matawa sa tanong niya but I stopped myself. Maybe it is part of his assessment.
"Aela Toledo," maikling sagot ko. He continued asking me questions like "What is the day today, the date, the time and the place is where we are now" hindi ako sure kung lahat ba iyon ay nasagot ko ng tama. Yung iba ay hula lang gaya ng sagot ko sa oras at araw ngayon. He then proceeded to asking me to do some activities like gripping his fingers, pointing my nose to his fingers. Sa dami ng pinagawa niya sa akin ay hindi ko na maalala ang iba.
"Alright, can you tell me what happened before you lost consciousness?" seryosong tanong niya sa akin. Tahimik lang naman si King sa isang tabi habang nanonood sa amin.
"Actually, I can't remember anything since the night I-um. Simula noong gabing tumakas ako," I saw the corner lips of Dr. Jimenez rose when he heard what I said habang si King naman ay nanatiling pa ring poker face.
"Go on," paghihikayat sa akin ni Dr. Pogi
"Ang huling naalala ko lang ay nakatulog ako sa ilalim ng puno. Tapos nagising na lang ako ngayon na nandito na ulit ako sa kwarto. Hindi ko rin maalala kung saan o paano ko nakuha ang sugat sa likod ng ulo ko," mahabang paliwanag ko. Nagkatinginan si King at Doc nang matapos kong ikwento ang nangyari.
"So base on my assessment it seems that you are having a Transient Global Amnesia. It is possibly caused by the concussion that you have on the back of your head and of the things that happened before you got that wound," mahinahong sabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Dr. Jimenez turned to King. Is he implying na may importante akong nakalimutan?
"It doesn't matter," tipid na sabi ni King at lumapit sa kabilang tabi ko. "What should we do?" he said dismissing the earlier topic.
"It will just resolve over time," tipid na sabi ni Doc and started writing on his the paper he is holding. He prescribed me some medicine that I should take and some things that I should do to help me recover my memory.
"Thanks, Doc." nakangiting sabi ko. Ang gwapo talaga ni Doc.
"Ti'l next time, Aela," agad na bumilis ang t***k ng puso ko nang ngumiti siya sa akin. Parang tanga akong natigilan at literal na natulala sa kaniya.
"There's no next time you fucker," gigil na sabi ni King and literally dragged Doc. Jimenez out of the room.
"The name is Brent by the way," natatawang pahabol niya bago siya tuluyang sinipa palabas ni King ng kwarto. Automatic akong napaayos ng upo nang kaming dalawa na lang ni King ang naiwan.
'Awkward' iyon agad ang naisip ko dahil pareho kaming tahimik.
"I'll have food delivered here. Make sure to eat well and take your medicine," malamig na sabi niya at tumalikod na papunta sa pinto para umalis.
"King," pigil ko sa kaniya. Agad akong napayuko nang nilingon niya ako. I don't know but I felt terribly guilty with what I did. Pakiramdam ko ay napakalaking kasalanan na tumakas ako. Dagdag pa na hindi pinapakita sa akin ni King na galit siya sa akin o ano, instead ay binigy niya pa sa akin ang mga kailangan ko.
"Yes?" Pakiramdam ko ay para akong nakalunok ng malaking pakwan. I want to tell him I am sorry for what I did pero nagkikipagdebate ang isip ko kung bakit ako magso-sorry dahil iyon naman ang dapat na gawin ko. Ang tumakas.
"I'm sorry," there I said it. "I'm sorry for leaving," kapos ang hiningang sabi ko at napayuko.
King remained silent but I can feel that he is staring at me. "I'll let you go when the time is right, Aela," gulat na nagtaas ako ng tingin nang marinig ang sinabi niya pero tanging papasarang pinto na lang ang naabutan ko. My heart is racing while thinking of what he said. 'I'll let you go when the time is right, Aela' I can still hear him saying those words in my head. Anong ibig sabihin niyon? May balak siyang pakawalan ako? Pero kailan naman ang right time na iyon?
Pakiramdam ko ay para akong masisiraan ng bait kakaisip ng sinabi niya. Nyeta naman kasi, ba't ang bilis niyang lumayas. Sana pinag-usapan namin ng maayos para hindi ako nabitin. Ang daming tanong tuloy sa isip ko na hindi ko masabi dahil hindi ko naman alam kung paano siya tatawagin.
I spent the entire day trying to remember the things that I forgot pero kahit anong isip ang gawin ko ay wala talaga. Gaya ng sinabi niya ay pinahatiran nga ako ng pagkain ni King dito sa kwarto ko pero tauhan niya ang nagdala at hindi siya.
"Buhay pa kaya ang mga tauhan niya noong gabing iyon?" tanong ko sa sarili habang kumakain. Padabog na binitiwan ko ang kutsara na hawak ko nang bigla akong mawalan ng gana dahil napalitan ng konsensya ang gutom ko. Alam ko na masamang mag-iwan ng pagkain pero wala na talaga akong ganang ubusin iyon.
Nanghihina akog humiga sa kama at napagdesisyunan na matulog na lang.
"Anak, gising na," agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ang malakas na sigaw ng sa mismong tenga ko. Tarantang nilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ang isang matanda na natatawang nakatingin sa akin.
"Iyon lang pala ang gigising sa iyo," naiiling na sabi niya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya hanggang sa lumabas siya ng pinto. Hindi makapaniwalang napasapo ako ng noo. "Nasaan ako?" nag-panic na tanong ko sa sarili at tumayo. Sinuyod ko ng tingin ang paligid habang hinuhukay sa isip ko kung nasaan ako. Bigla ay naalala ko ang nangyari kahapon.
"Oo tama!" natatawang napatampal ako ng noo nang maalala ko kung nasaan ako. Tumakas nga pala ako noong isang gabi sa mansion at si Lola Bebang ang kumupkop sa akin at nagpakain. Bakit ko ba nakalimutan iyon?
"Masyado ka lang stress," naiiling na sagot ko sa sarili. Nasa ganoon akong posisyon nang sumilip si Lola Bebang sa pinto.
"Ayos ka lang ba, Nak?" warmth filled my heart nang narinig ko na naman ang tawag niya sa akin.
"Oo, Ayos lang po ako," nakangiting sagot ko sa kaniya. Natawa ako nang sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ayos lang talaga ako, Lola," pangungubinsi ko sa kaniya.
"Oh siya. Lumabas ka na kung handa ka na. Marami pa tayong gagawin," bilin niya at lumabas na ng kwarto. Sinilip ko ang bintana sa labas at nakitang hindi pa sumisilip ang araw but the cooping sound of the chickens indicates that it is already morning. I stretched a little bit bago sumunod kay Lola sa labas. Maganda ang pakiramdam ko ngayon, feeling ko pagkatapos ng ilang gabi ay ngayon lang ako nakatulog ng payapa at walang iniisip.
Naabutan ko naman si Lola na nagsasaing ng kanin. "La, ano ho ang maitutulong ko?"
"Ayan oh, kaya mo bang hiwain?" turo niya sa mga sangkap gaya ng kamatis, luya, bawang at iba pa.
"Easy!" hambog na sabi ko at kumuha ng kutsilyo.
"Ingat ah?" napangiti ako nang mahimigan ang lambing sa boses ni Lola. Ang sweet niya talaga. Nakaka-miss tuloy ang bahay namin. Kahit ganoon kagulo pero nandyan si Mama. Napangiwi ako nang sinubukan kong hiwain ang kamatis pero masyadong mapurol ang kutsilyo.
"Akin na," agaw sa akin ni Lola ng kutsilyo at pinatalas iyon.
"Oh, subukan mo nga," maingat na kinuha ko ang kutsilyo mula sa kaniya at hiniwa ang kamatis.
"Okay na, Lola! Ang galing mo talaga!" bilib na sabi ko at tinaas ang hinlalaki ko sa kaniya. Natatawang ginaya niya ako. Pinagpatuloy na namin ang aming ginagawa dahil marami pa kaming lulutuin sabi ni Lola.
"Nako, malapit nang lumabas ang araw. Dalian na natin," narinig kong sabi niya at nagsimulang painitin ang kalan.
"Ako na ho bahala sa mga hihiwain," presenta ko para ang attensyon niya ay nasa pagluluto na lang.
"Oh siya. Sige. Ikaw na ang bahala dito ah?" bilin niya sa akin at nagsimula nang magluto ng itlog. Mabuti na lang at mga basic na ulam lang ang unang lulutuin gaya ng hotdog at itlog dahil agahan pa lang naman. Binilisan ko ang paghiwa ng mga sangkap dahil plano ko ay palitan siya sa pagluluto para hindi siya mapagod pero sa hindi inaasahan ay nasugatan ko ang sarili kong kamay. "Aray," nakangiwing sabi ko at piniga ang nasasaktang kamay ko.
'Mukhang malalim yata ang sugat ko'
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Lola. Nanghahaba ang ngusong pinakita ko sa kaniya ang daliri kong may sugat. Mahina siyang napapalatak nang makita ang dugo na umaagos doon. Hinila niya ako papunta sa lababo at nilagay ang kamay ko sa ilalim ng tumutulong tubig. "Sabi ko naman kasi sa iyo mag-iingat ka diba?" magaan ang boses na sabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay para akong bata na nakagawa ng mali.
"Sorry. Gusto ko po kasi sanang tapusin agad ang ginagawa ko para matulungan na po kita," kumpisal ko.
"Teka," sabi niya at mabilis na tumalikod papunta sa kwarto. Pagbalik niya ay may bitbit siyang lata ng cookies. Laman niyon ay mga gamot at iba pang first aid kid. Kumuha siya ng isang band aid at binuksan iyon.
"Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pagmamadali. May mga bagay na kailangan mong gawin nang maingat dahil maaring magdulot sayo ng sakit kung ikaw ay padalos-dalos," makahulugang sabi niya. Natigilan ako nang mapatingin kay Lola at napansin na para siyang umiilaw.
"Lola?! Anong nangyayari sayo?!" kinakabahang tanong ko. Patagal ng patagal ay lumilawanag ang mukha niya hanggang sa tuluyan akong napapikit.
"Lola!" tawag ko sa kaniya at sinubukan siyang abutin.
"Magiging maayos din ang lahat, Anak," narinig kong sabi niya.
"Aela!" I shoot up from bed at hapong tinignan si King. Sinapo ko ang mukha ko at nang masaganang tumulo ang luha sa mga mata ko.
"What's wrong? Why are you crying?" nag-aalalang tanong ni King.
"Si Lola! Anong nangyari kay Lola?" mahina kong niyugyog ang balikat ni King nang hindi agad siya nakasagot sa akin. "King, sagutin mo ako!" hindi ko alam bakit pero patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata ko.
Biglang bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi. Dumoble ang lakas ng iyak ko nang maalala ang mukha ni Lola na nasasaktan habang sinisipa siya ng sarili niyang Anak para lang pigilin ito. Kung paano ko siya tinalikuran para sagipin ang sarili ko hanggang sa dumating si King at- 'Bakit ko ba nakalimutan iyon?' Lola, pasensya na kung hindi agad kita naalala.
"Aela," nag-aalangang sabi ni King. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sunod na sasabihin niya. "I don't know if you are ready to hear-"
"Sabihin mo," buo ang boses na sabi ko. "Sabihin mo," pag-uulit ko at pinahid ang luha sa mga mata ko.
King sighed and stood up. "I'll show you," mahinang sabi niya. Agad akong tumayo at sinuot ang tsinelas ko. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. King called someone habang papalabas kami ng mansion.
"Prepare the car," tipid na sabi niya at agad na binaba ang tawag. All of his men bowed when he passed by. Paglabas namin ay nakaparada na ang sasakyan. Dumeretso si King sa driver's seat.
"Out," malamig na sabi niya sa Driver. Nagkukumahog naman na lumabas ang kawawang driver. Muntik pa nitong makalimutan na ibigay kay King ang susi. Hindi ko na hinintay na sabihan pa niya ako at agad nang pumasok sa loob ng kotse.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang palabas kami ng gate.
"You'll see," tipid na sabi niya. Mukha talagang ayaw niyang pag-usapan. Malalim akong humugot ng hininga at tinutok na lang ang pansin ko sa labas ng bintana. Ang tanging ilaw lang sa madilim na paligid ay ang headlights ng sasakyan.
King drove until we reached the familiar place kung saan ako nakarating noong tumakas ako. Pinarada niya ang sasakyan sa mismong makitid na pasukan. "We'll walk from here," mahinang sabi niya at lumabas na kami ng sasakyan. Nakabuntot lang ako kay King na mukhang kabisado ang daan tungo sa bahay ni Lola. Hindi ko maiwasang pukulin ng masaman tingin ang mga bahay kung saan ako kumatok at humingi ng tulong noong gabing. Sarkastiko akong napangisi nang makita silang nakasilip sa maliit na bintana ng bahay nila. Nakakabilib naman. Kalagitnaan ng gabi pero gising pa sila at nakikiusyoso pero noong gabing humingi ako ng tulong ay hindi manlang sila nag-abalang pagbuksan ako.
'Kakarmahin din kayo' piping sabi ko sa isip at binaling ang tingin sa harap. Mula sa malayo ay namataan ko ang pamilyar na gate ng bahay ni Lola. Agad na nangunot ang noo ko nang makitang nakabukas iyon at may ilaw sa loob.
King stopped and looked at me. "Aela," mahinang sabi niya at nilahad ang kamay sa akin. Bigla akong kinabahan sa ginawa niya.
'Bakit parang may mali?'
"Bakit?" kunot-noong tanong ko. King remained silent and waited for me to reach out. Imbis na hawakan ang kamay niya ay nauna akong naglakad hanggang sa nakita ko ang sitwasyon sa mismong bahay ni Lola. Nanlamig ang buong katawan ko at natulala nang makita ang mga taong busy sa paglalaro ng baraha. Pero hindi iyon ang kumuha ng atensyon ko kung hindi ang kabaong na nasa harap.
"She died due to heart attack," mababa ang boses na sabi ni King sa tabi ko.
Pakiramdam ko ay napako ang paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw kahit gusto kong lumapit. Hindi lubos na matanggap ng isip ko ang sinabi ni King. Matigas akong napalunok ang pinilit ang sarili kong humakbang paharap. Ang kaninang maingay na paligid ay unti-unting naging tahimik habang nakatingin sa amin ni King. Deretso lang ang tingin ko sa kabaong hanggang sa mismong harap ko na ito. Mariin akong pumikit ng mata at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay biglag nabahag ang buntot ko. Gusto kong tumakbo at umiyak na lang pero gusto ding makasigurado. Nilingon ko si King nang maramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang balikat ko. "I'm here," narinig kong bulong niya sa tenga ko. Matigas akong napalunok, pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.
Dahan-dahan akong lumapit hanggang sa masilip ko ang nakapikit na si Lola Bebang sa loob ng kabaong. "Lola," paos ang boses na sabi ko at humagulgol ng iyak habang hinihimas ang kristal na tumatakip sa mukha niya.
"Lola, I'm sorry," puno ng hinanakit na sabi ko at niyakap ang kabaong niya.
Kasalanan ko lahat ito. Kung hindi lang sana ako tumalikod at iniwan siya noong gabing iyon ay hindi ito mangyayari. Kung sana hindi ako naduwag at tinulungan ko siya ay sana, buhay pa siya ngayon at hindi nakaratay sa kabaong at walang buhay.
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘