"Sabi mo sa akin ayaw mo? Eh bakit ngayon ikaw na umuubos niyan?" nakapamewang na tanong ko kay Blake matunog na kumakain ng pancit canton na niluto ko. Kanina tinanong ko siya kung gusto ba niya kasi ipagluluto ko siya. Ang siste, matigas na 'no' agad ang sagot sa akin. Ngayon na luto na ang pagkain ay nauna pa siyang lumamon. Ni hindi manlang nagpaalam na kakain siya, bigla na lang inagaw sa kamay ko ang mismong pinggan.
"Walang hiya talaga," dikit ang bibig na sabi ko sa sarili nang makitang halos maubos na ang pancit canton na niluto ko. Isang pakete lang naman niluto ko kasi sabi niya ayaw daw niya. Kung nagsabi lang siya edi sana dalawa o tatlo niluto ko. Mukhang kulang pa sa kaniya ang isa eh.
"Thanks for the food," napanganga ako nang binalik niya sa kamay ko ang pinggan na pinagkainan niya.
"Aba't! Hoy! Hindi mo ako yaya! Sana nahiya ka manlang at nagtira! May laman pa ang pinggan noong kinuha mo tapos hindi ka manlang nagtira pagbalik sa akin," gigil na sabi ko. Kung wala lang akong pasensya ay may tsinelas na sigurong lumipad papunta sa mismong mukha ni Blake.
"Gusto mo isuka ko?" mariin akong napapikit at huminga ng malalim.'Lord, give me strength and patience para huwag bigwasan ang lalaking ito. Ilang araw na niyang sinusukat ang pasensya ko' sabi ko sa isip habang patuloy na nag-deep breathing exercise. Ilang araw nang pabalik-balik dito si Blake sa kwarto ko para makilaro. Wala naman akong magawa dahil kahit ayaw ko kasi palagi naman akong talo ay pinipilit pa rin niya akong maglaro. Ang daya nga eh, alam niya lahat.
"Sige nga! Isuka mo nga!" paghahamon ko sa kaniya. Napangiwi ako nang um-akto siyang nasusuka. Hindi ako sure kung totoo ba o hindi. "Ew! Huwag na! Bwisit ka!" asar na tumalikod na ako sa kaniya. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay makarinig ng taong sumusuka. Pakiramdam ko ay parang masusuka din ako kung ganoon ang naririnig ko. Hinayaan ko na lang si Blake na maglaro sa telebisyon at hinugasan ang pinagkainan niya. Nahiya naman ako sa tagabantay ko eh, mukhang ginawa akong katulong bilang sweldo sa pagbabantay niya sa akin. Akala mo naman kung ano kahirap akong banatayan.
Asar na napairap ako mag-isa. Nawalan na ako ng gana na magluto ng pagkain dahil nalipasan na ako ng gutom. Mamaya na lang ako kakain.
"I'll go check something," paalam ni Blake sa akin na papalabas ng pinto. Kitams! Para talaga siyang boarder. Pupunta lang dito para mang-agaw ng pagkain at maglaro tapos lalayas din. Iyan siguro ang bagong style sa pagbabantay.
"Ge, kahit wag ka nang bumalik," tirik ang matang sabi ko nang hindi siya nililingon. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ko nang marinig ko ang tuluyang pagsara ng pinto. Blake leaving my place means pwede na akong magluto ng sarili kong pagkain dahil wala nang epal na aagaw ng niluto ko.
3RD PERSON'S POV:
King sighed heavily while massaging his neck. He has been sleepless for the past few days because of various things that occurred and because of it so he can't go home. Ang tanging daan lang para makita niya si Aela ay sa maliit na monitor ng laptop niya. He noticed that Blake have been consistently with Aela these past few days.
His jaw clenched when he saw Aela laughed so hard while pointing at Blake who remains emotionless. There is a part of him that wants to be the one who is beside Aela and not Blake. "King," he looked up and saw Zeke. He bowed a little bago tuluyang lumapit sa kaniya.
"There's something you must see," seryosong saad nito. King immediately stood up and went into their t.v room kung saan naabutan niya si Jacob na busy sa pagtipa sa keyboard nito.
"King," sabi nito nang makita siya at inabot ang isang papel sa kaniya. King forehead immediately formed a crease when he read what is written on it.
"All of the missing trucks are on that address," kumpirma ni Jacob.
Hindi lang isang truck ng sasakyan ang nawala sa kanila. Maging ang truck na naglalaman ng ilan pang mga droga, laman loob at kung ano pang mga ilegal na binibenta na saklaw ng kanilang negosyo.
"Did you sent our men to check the location?" he asked.
"No King, we immediately told you this to know what will be your order," magalang na sagot ni Zeke. Ilang beses na binasa ni King ang papel na hawak. Deep down he feels like there is something wrong with things. How did these trucks got lost when it is heavily watched by their men?
"Let's go," malamig na sabi niya at nauna nang lumabas. Everyone followed him except Jacob na siyang magtuturo sa kanila kung saan ang eksaktong lokasyon ng lugar habang bumabyahe sila. King went inside the car na nag-aabang sa paglabas niya ng building. He was silent all throughout the ride while thinking.
"We're here, King," untag sa kaniya ni Jacob na nakaupo sa harap.
King went out of the car and buttoned his suit. Pasimple niyang nilibot ng tingin ang paligid bago sumunod kay Zeke. Nasa isang abandunadong lugar sila kung saan malayo sa mga tao. Ilang minuto din mula sa huling bahay ang nadaanan nila kanina bago sila nakarating dito sa lugar.
"Those are the trucks," turo ni Zeke sa mga nakaparadang sasakyan. King's face remained emotionless while walking towards the truck. Zeke was stunned when he opened one of the cover of the truck at nakitang walang laman ang mga iyon.
"They already took everything, King," nagpipigil ng asar na sabi ni Zeke pero nanatili pa ring kalmado si King.
"King?" tinaas ni King ang kamay kay Zeke signaling him to stay silent. Agad naman iyong sinunod ng isa at walang ingay na sumunod sa amo nito. Tinungo ni King ang bandang likuran ng sasakyan at sinilip ang tanging palatandaan ng lahat ng sasakyan na pagmamay-ari niya na siya lang ang nakakaalam.
"This truck is not ours," malamig na sabi niya pagkatapos ay tumayo.
"What? How is that possible? These trucks contains all of the GPS that we placed in every truck?" hindi makapaniwalang tanong ni Zeke at sinilip ang ilalim ng sasakyan kung saan sumilip ang amo.
"Jacob," malamig na sabi ni King. Agad napatayo si Zeke nang marinig ang pangalang sinambit ng amo. King's face may seem emotionless, pero ang mga mata nito ay nagbabaga ng galit na hindi nito sinsabi. Tingin pa lang ay alam na ni Zeke na hindi maganda ang sunod na mangyayari.
King took out his phone and dialed the number of Blake na agad namang sumagot pagkatapos ng isang ring.
"King, I think we're under attack," seryosong bungad nito sa amo. King's jaw clenched, muntik na niyang mahagis ang cellphone na hawak kung hindi lang mahalaga ang tawag. His knuckles turned white dahil sa higpit ng pagkakakuyom ng kamao niya. He signed Zeke to move na agad amang tumalima at inutusan ang ibang mga tauhan na kasama nila.
"Where's Aela?" walang emosyong tanong niya pero ang totoo ay nagsisimula nang bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa takot sa posibleng masamang balita na marinig niya.
"I am trying my best to get her, King. I promise to keep her safe," buo ang boses na sagot ni Blake. Kahit papaano ay napanatag ang loob niya sa narinig.
'Damn those bastards' malutong na mura niya sa isip. It's so obvious that his enemy is trying to get Aela to use against him.
"Call me when you both are safe," tipid na sabi niya at agad nang binaba ang tawag.
"f**k!" malutong na mura niya at mariing kinagat ang ngipin. "Get Jacob to me. Alive," malamig na utos niya sa isang tauhan niya bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. He will make sure that bastard will pay for ratting them.
AELA'S POV:
"Bakit naman ganoon?" mangiyak-ngiyak na sabi ko. Mariin akong napapikit at tinakpan ang tenga ko kasunod ng malakas na tunog ng baril.
"Ahh!" impit na sigaw ko. Ilang segundo ang lumipas bago ako sumilip sa telebisyon at nakitang buhay pa ang main character ng k-drama na pinapanood ko. "Woooh!" hindi ko mapigilang mapatalon sa sobrang saya nang makita na patay na ang kalaban na lalaki. Siya pala iyon ang binaril! Kasalukuyan akong nanonood ng Crash Landing on You. Malapit na ako sa ending na part, iyong scene na pinalibutan ng maraming South Korean police yung kontrabida at ang bida na lalaki.
"Ano nga pangalan niya ulit?" nakangiwing sabi ko sa sarili at hinintay na banggitin ulit sa telebisyon ang pangalan niya.
"Jeonhyeok! yun pala! Jeonghyeok for the win!" sigaw ko at parang baliw na nangisay sa sobrang kilig nang magkita sila ng babae. "Ay bakit ganon?" nasasaktang sabi ko nang magharap sila at sinabihan ng masasakit na salita ni Jeonghyeok iyong bidang babae para hindi ito madamay.
"Hay, sana all handang ibigay ang buhay para sa babaeng mahal. Sa akin kaya? Mga when?" naiiling na sabi ko at napapalatak. Naputol sa lalamunan ko ang sigaw na muntik ko nang pakawalan nang bigla na lang may isang kamay na tumakip sa bibig ko at mabilis na hinila ako papasok sa loob ng banyo.
"Don't scream, it's me," bulong ni Blake sa tenga ko. Huminga ako ng malalim nang bitawan niya ang bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ang balikat niya.
"Ano bang problema mo? Ba-" natigilan ako nang takpan na naman niya ang bibig ko gamit ang isang daliri niya habang alertong nakatingin sa pinto ng banyo. Bigla akong sumeryso nang mapansin ko na hindi siya nagbibiro.
'Hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah' sabi ko sa sarili at hinintay ang sunod na sasabihin ni Blake.
"We're under attack. I don't know how it happened but all exits are blocked. Some of our men is trying to hold them off until help will arrive," sa haba ng sinabi niya ay hindi ko masyadong maintindihan ang lahat ng iyon dahil kinakabahan ako.
"Madami ba sila?" nag-aalalang tanong ko.
"Yes," tipid na sagot ni Blake. Matigas akong napalunok at pinanood siyang maglabas ng isang baril. Nilagyan niya iyon ng bala at kinasa.
"I-iyan lang dala mo?" hindi ko maiwasang mapangiwi. Sabi niya madami ang kalaban sa labas tapos isang maliit na baril lang ang dala niya? Kung minamalas ka nga naman.
"This is all that I have with me. The attack was unexpected," he said as a matter of fact. Nakabuntot lang ako sa kaniya nang walang ingay siyang lumapit sa pinto at dinikit ang tenga niya doon para pakinggan ang paligid sa labas. Malakas akong napasigaw nang bigla na lang may malakas na sumipa sa pinto ng banyo dahilan para tumalsik kaming dalawa ni Blake.
"Blake!" sigaw ko nang makitang nakatutok sa kaniya ang baril ng isang lalaki. Mabilis ang galaw na gumulong si Blake at sinipa ang paa ng lalaki dahilan para matumba ito. Sa isang kisap ng mata ko lang ay mabilis na tinutok ni Blake ang baril sa ulo ng lalaki at pinasabog ang bungo nito.
Napaawang ang labi ko at natulala. Pakiramdam ko ay parang masusuka ako habang nakatingin sa ulo ng lalaki na puno ng dugo. Nanginginig ang kamay na napahawak ako sa bibig ko nang nakitang nakamulat pa ang mata ng lalaki at nakatingin sa akin.
"AELA LET'S GO!" sigaw ni Blake at marahas akong hinila patayo. Agad akong napayuko nang may isang lalaki na mabilis tinutok ang baril sa direksyon namin mismong pagkalabas namin ng banyo. Walang hirap naman na inagaw ni Blake ang baril sa lalaki at ginamit ang baril nito para patayin ang lalaki. Nakatakip lang ako ng tenga dahil pakiramdam ko ay mabibingi ako sa tunog ng baril.
'Heto na naman. Nasa bingit na naman ng kamatayan ang buhay ko. Hanggang kailan ba ganito ang buhay ko?'
Hinawakan ni Blake ang ulo ko at marahas na pinayuko nang may isang lalaki ang sumilip sa pinto ng kwarto at tinutok ang baril sa direksyon namin ngumit mabilis iyon nabaril ni Blake. Wala akong nagawa kundi mapapitlag na lang tuwing makarinig ng putok ng baril nang bigla akong matigilan nang matignan ko ang isang sulok ng kwarto ko.
Sinilip ko si Blake para sana kunin ang atensyon niya ngunit mukhang alangain kung tatawagin ko pa siya. Blake tried to shoot someone ngunit mukhang naubusan na ito ng bala.
"f**k!" malutong na mura niya at umupo sa tabi ko para takpan ang sarili habang naglalagay nang panibagong bala sa loob ng baril niya. Humugot ako ng malalim na hininga at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis akong ginapang ang daan papunta sa parte ng kwarto ko kung saan tinuro ni King sa akin ang lugar na pwede akong magtago.
"AELA! COME BACK HERE!" galit na sigaw ni Blake pero hindi ko siya pinansin. "DAMN IT AELA!" malutong na mura nito pero hindi ko siya nilingon. Pakiramdam ko ay maiihi ako sa bawat tunog ng baril na naririnig ko. Nakahinga lang ako nang maluwag nang tuluyan kong natawid ang espasyo kung saan wala akong takip.
Mabilis kong tinulak ang libro at agad na bumukas ang pinto. "BLAKE!" he was stunned while looking at the doorway. Mukhang maging siya ay walang ideya tungkol sa pinto na ito.
"GET IN!" balik na sigaw niya. Pumasok na ako sa loob at nilingon siya. Kinabahan ako nang akala ko ay hindi siya susunod sa akin. "Blake?" kabadong tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang nanatili sa pwesto niya.
Nakatingin lang siya sa akin habang mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya. Tumango siya sa akin. Parang nag-slow motion ang paligid nang tumayo siya at tinutok ang baril sa direksyon ng mga kalaban. Isang putok pa lang ang napakawalan niya nang mapasigaw siya nang matamaan ang isang paa niya dahilan para matumba siya at humandusay sa sahig.
"BLAKE!" impit na sigaw ko at agad na dinaluhan siya.
"Aela, get in," habol ang hiningang sabi niya. Doon ko lang napansin na napuruhan din pala ang balikat niyang may sugat dahil iyon ang tumama nang matumba siya.
"Blake! Tara na! Bumagon ka!" natatarantang sabi ko sa kaniya habang pilit siyang hinihila patayo pero masyado siyang mabigat. Malaking tao kasi si Blake.
"No! You get in! NOW!" galit na utos niya sa akin nang marinig ang malakas na yabag ng isang pang kalaban palapit sa direksyon ng kwarto ko.
"PLEASE BLAKE. HINDI KO KAYANG IWAN KA," nanlalabo ang matang sabi ko dahil sa luhang nagsimulang mamuo sa mata mga mata ko. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa oras noong iniwan ko si Lola Bebang para lang sagipin ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung isa na namang buhay ang mawawala para maligtas ko ang sarili ko.
"AELA!" Blake cussed under his breath at tinutok ang baril sa direksyon ng pinto. Agad na bumulagta ang lalaki sa sahig nang matamaan ito ni Blake sa mismong noo.
"f**k! I'm out!" frustrated na mura nito at sinubukang tumayo ngunit agad din kaming napayuko ulit nang may nakita kaming lalaki na nakatayo sa pinto at nakatutok ang baril sa amin.
"Please. Get in there now. I promised King to keep you safe and alive," nakikiusap na sabi ni Blake habang pilit na tinutulak ako. "Or else we'll both die," matigas itong napalunok at napangiwi, marahil dahil sa sakit nang natamo nitong sugat. Tuluyan akong napaiyak nang mapansin na namumutla na ang mukha niya.
Tarantang nilibot ko ang tingin ko sa paligid nang makita ko ang isang baril na nasa malapit. "No. Hindi tayo mamamatay," buo ang loob na sabi ko. Bago ko pa man isipin ang gagawin ko ay mabilis ko nang inabot ang baril na tumilapon sa hindi kalayuan sa akin at mabilis na tinutok iyon sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Agad kong hinila ang gatilyo nang hindi nag-iisip.
BANG!
Natulala ako habang nakatingin sa katawan niya na agad na nawalan ng buhay nang tumama ang bala sa msmong ulo niya.
"Jusko," paos ang boses na sabi ko at nabitawan ang baril na hawak ko. Doon ko lang napagtanto ang ginawa ko. 'Nakapatay ako ng tao' tulalang sabi ko at napaatras habang nanlalaki ang matang nakatingin sa walang buhay na lalaking binaril ko.
"AELA!" narinig kong tawag sa akin ni Blake na ngayon ay pilit na hinihila ang sarili patayo. "Let's go!" sigaw nito. Natauhan ako nang marinig ang ilang hakbang na patungo sa direksyon namin.
"GET THE GUN!" turo ni Blake sa baril na nabitawan ko. Agad kong pinulot iyon at inalalayan si Blake papasok sa loob ng safe room na tinuro sa akin ni King. Hindi ko na nakita kung ilang lalaki pa ang pumasok sa loob ng kwarto ko dahil mabilis ko nang sinarado ang pinto. Mahirap na at baka may bala pang humabol.
"f**k," I heard blake cussed habang sapo ang duguang balikat.
"Blake!" natatarantang sabi ko at agad siyang dinaluhan. "Ang dami mo nang dugo na nawala," nahihintakutang sabi ko nang makita na basang-basa na ng dugo ang damit na suot niya maging ang pants niya dahil sa sugat sa paa.
"Antiseptic," habol ang hiningang sabi niya sa akin. Agad naman akong tumalima at binuksan ang lahat ng drawer para hanapin ang first aid kit. Hindi naman ako nabigo at nakita ang isang box na puno ng medical supplies. Nalingunan ko naman si Blake na pinunit ang sariling damit at inabot iyon sa akin. Agad ko namang nakuha ang gusto niyang gawin ko kahit hindi niya sabihin.
Impit siyang napasigaw nang tinali ko ang parte malapit sa sugat niya para pigilin ang pagdurugo. "Hey, is that open?" natigilan ako at napasunod ng tingin sa ilang mga armas na nakalagay sa loob ng glass wall.
"Ma-unlock daw iyan kung-" natigilan ako nang makita na naka-green ang ilaw ng lock. Ibig sabihin ay alam ni King na nandito kami.
"It's open," buo ang boses na sabi ko at mahigpit na tinali ang paa ni Blake bago binuksan ang glass wall. Agad na nanginig ang kamay ko nang mahawakan ang isang baril. Mabigat iyon, masyadong malayo kung ikukumpara sa laruang baril na karaniwang ginagamit.
Matigas akong napalunok at kinasa iyon. 'Mukhang dumating na yata ang tamang oras na sinasabi ni King para gamitin ko ito.'
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘