“Yza?” mahinang tawag ko sa kaniya na tulalang nakatingin sa labas. Napakabait niyang bata. Palagi siyang tahimik lang sa isang tabi at sumusunod sa sinasabi ko sa kaniya. “Po?” magalang na sagot niya at nilingon ako ng kaunti. “Halika,”agad naman siyang tumayo mula sa pagkakatayo sa harap ng binatana at inabot ang kamay kong nakalahad. Napangiti ako nang umupo siya sa taas ng hita ko. “May sasabihin ako sa iyo pero promise sa atin lang ‘to maliban kay Ate Mia?” marahang sabi ko sa kaniya. Mamaya na ang gagawin naming pagtakas at sa tingin ko ay mainam na alam niya kung ano ang gagawin naming para hindi siya magulat mamaya kung bigla ko na lang siyang gisingin sa gitna ng gabi. “Okay po,” nakasalubong ko ang inosenteng niyang mat ana taimtim na nakatingin sa akin habang hini

