“Hindi ako pwedeng sumama sa inyo,” mangiyak ngiyak na sabi ni Yza at dahan-dahang tumalikod. Inalis niya ang buhok niya na nakatakip sa likod ng batok niya at doon namin nakita ang preskang sugat. ‘Jusko, ano iyan?’ napaawang ang labi ko habang sinusubukang isipin kung ano naman ang koneksyon ng isang sugat sa kaniyang pagsama niya sa aming tumakas. Nilingon ko si Mia nang marinig ang malakas na singhap niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa sugat ni Yza. “SIIED?!” sabi niya at napatakip ng bibig. “Teka, ano iyan?” confused na tanong ko at nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa na umiiyak. “SAGUTIN NIYO AKO!” frustrated na sabi ko nang wala ni isa sa kanila ang sumagot sa akin. “BOMBA!” napapitlag ako nang biglang sumigaw si Mia. Naiiling itong pumikit at napatakip

