"O kaya dito ka na lang matulog?" Natigilan kaming pareho sa sinabi niya. Bahagyang lumaki ang mata niya saka umiwas ng tingin. I felt something weird on my tummy na tingin ko’y mga paru-paro rin. “S-sa kwarto ko sa itaas. Ako dito sa sala matutulog." “Bakit?” tanong ko. “Huh?” “Bakit dito ka sa sala?” Umiwas ako ng tingin. “Queen size naman ang bed mo. Kasya tayong dalawa.” Bahagya siyang natigilan, umiwas ng tingin at kumurap ng ilang beses. Napaisip naman ako sa mga kailangan kong gawin bukas. Lunes kasi at may klase ako, pero 1:00 PM pa naman. Kaso nga lang ay may kailangan akong sagutan ngayon na assignment namin sa calculus. Hindi ko pa naman dala ang libro namin. Tumayo ako at naglakad papunta sa inuupuan ni Nico. Napatigil ako nang bigla siyang lumayo. Kumunot lang ang noo ko

