Pumunta akong mall para bumili ng ireregalo kay Nico. Napagpasyahan kong bumili na lang ng damit sa isang brand na favorite ko, since hindi ko pa alam kung saan ba mahilig si Nico. Clothes are the safest thing to give. Bukas ay birthday na niya. I don't know how to invite him on a date. Iyon lang sana ang plano ko. Imbitahan siya sa isang restaurant para doon i-celebrate ang birthday niya at bilhan siya ng regalo. Kaya lang hanggang ngayon, hindi siya nagrereply sa texts and messages ko. Nagri-ring naman ang phone niya tuwing tatawagan ko pero hindi rin niya sinasagot. Tumingin ako sa cellphone and pouted. May trabaho kaya siya? Or baka busy? Hanggang sa kinabukasan ay wala akong nareceive na kahit anong reply. Nagtext na nga ako sa kanya, and also, nagchat na rin ako sa f*******:. I tri

