Uwian 3: First Blood

2536 Words
Nico, the kundoktor. NICOnduktor. Hahahahaha. Ang witty ko talaga. Pinigilan ko ang sarili kong matawa ng malakas habang tinitignan at jinajudge sila. Nakapameywang ng bahagya si mokong, parang naiinis. Habang ‘yong kausap niya naman ay napapakamot ng ulo at minsan ay parang nagpe-please… kung titignan ay parang may hinihinging favor ‘yong kausap niya kay Nico… ano kayang favor ‘yon? Bago ko pa man maipagpatuloy ang pag-tingin ko sa kanila ay biglang tumingin sa direksyon ko si Nico. Halos magka-heart attack ako kaya agad-agad kong hinila ang kurtina para matakpan ang bintana ko. I bit my lower lip at medyo inis na pinuna ang sarili. Why did I do that? Ano naman kung makita niya ako?! Tss! Baka kung ano pang isipin ng hambog na iyon! Collect yourself, Via, okay? Marahan ko ulit na binuksan ang bintana saka tinignan ang last na kung nasaan ang mga kundoktor. Wala na sila doon, kaya namang tumingin ulit ako sa buong paligid. Wala na nga. Napakibit balikat na lang ako at saka tumingin na lang sa unahan nitong bus. Dumating na kasi ang driver dahil mukhang aalis na ang bus kahit wala pang masyadong pasahero. At dahil nandyan na ang driver, syempre, nag-start na rin ang pa-music sa buong bus. Why did you do this? You did this to me You stole my heart, can't you see From the first time, I saw you The first time you smiled Anong kanta ‘yan? Mukhang 1800’s pa, tunog pa lang! Ito rin ‘yong isang kinaiinisan ko sa mga bus na sinasakyan ko. Puro old songs ang pinapatugtog. Hindi man lang mga kanta ni Dua Lipa or Billie Eillish, or kahit sinong bago! Ayoko pa naman ng mga old songs dahil ang corny. Pwede po bang mag-request, kuya driver? Lol. Nagpatuloy ‘yong pag-play ng old song na kinanta ng isang matinis na boses. Hindi ko kayang pakinggan, dahil bukod sa hindi ko style, hindi ko talaga kayang pakinggan dahil nakaka-cringe. Hindi naman ako singer o talented when it comes to singing, but I have music taste naman. Naghalungkat ako sa bag ko upang hanapin kung nadala ko ba ang earphones ko. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa music, or makinig ng music. Pero wala lang, hindi lang gusto ng tenga ko ang mga corny na old music. Kaso ayun, hindi ko na naman pala dala dahil hindi ko naman priority. Next time nga ay ilalagay ko na iyon sa bag! Dahil wala naman akong magagawa ay nakinig na lang ako at tumingin ulit sa bintana. Doon ay nakita ko na naman si Nico the kundoktor na nakatingin rin sa akin ngayon habang naglalakad siya palapit. This time ay hindi na ako naka-pag-react pa ng kung ano, nilabanan ko na lang rin ang tingin niya. Naputol lang iyon nang makalapit na siya sa bus na sinasakyan ko. Nakita ko na lang na umakyat na siya dito. The way you lit up the room My heart went wild Because I fell harder and harder each day By every single word you say Nang mag-tama ang mata naming dalawa ay tumaas ang kilay niya sa akin. Kumalabog ang dibdib ko at agad na nakaramdam ng inis. Umirap na lang rin ako at umiwas ng tingin. Ang panget ng kanta, hindi bagay sa kanya… tss! Ang yabang talaga ng isang ‘yon. Ano naman kung nakatingin ako? Santo ba siya? Hindi siya pwedeng tignan? At ano bang mali sa akin? Bakit ko siya tinitignan? Itong NICOnduktor na ‘to! Grr. Saktong pag-kuha ko sa phone ko para mag-libang ay may nagtext sa akin. 0902030467: Hi, Via. I got your number from your Mom. Kami 'yung bago niyong kapitbahay. I hope to see you soon ;) Napanganga ako. WHAT? Ang lakas talaga ng Mommy ko! Talagang ibinigay pa ang number ko sa lalaking iyon? Dahil sa inis ay agad kong idinial ang number ng Mama ko. "Hello, honey. Hihihihi." ani ni Mommy. "Mommy!" napasigaw ako kaya maraming napatingin sa akin, including si kuya mo Nico, the kundoktor. Inirapan ko ulit siya at inayos ang sarili ko. This time ay mas hininaan ko ang boses ko. "Mom! Why'd you give my number to that guy?" "Number mo lang naman binigay ko, buti nga hindi 'yung f*******: mo! Hehehehe." "What? Anong iisipin ng guy na 'yon? I'm easy to get kasi close niya na 'yong mommy ko and she's giving personal information na about her daughter." "Don't worry anak. He's no harm to you. Trust me, okay? Hihi. Sure naman akong pasok 'to sa standard mo." "Mom..." napapikit ako sa inis, but of course I can't be mad on Mom. Alam ko namang ginagawa niya 'to para makapili ako ng maayos na guy for my future. But I don't think it's the perfect time. Masyado naman yata siyang nagmamadali? Pag-dilat ko ay nasa harapan ko na si Nico the kundoktor. Naniningil na pala siya ng pamasahe ng katapat kong upuan. Agad kong kinausap si Mommy sa kabilang linya. "Bye, Mom. Pauwi na po ako, let's talk na lang later." 'yon lang ang sinabi ko sabay baba ng telepono. "Tsss..." napaangat ako ng tingin kay Nico the kundoktor na ngingisi-ngisi habang kaharap ang ticket at pera niya. "Excuse me? Are you laughing?" tanong ko habang nakataas ang kilay. Oo, may pagka-maldita ako minsa-- okay, madalas pala, pero kapag naiinis na talaga ako. "Arte," aniya. "Kaya kailangan ka pang hanapan ng magkaka-gusto sa 'yo e. Kasi walang nagkakagusto sa 'yo ng kusa." ABA'T? At nakikinig pala ang mokong na 'to sa usapan namin ng Mommy ko? At ang dami niyang nasabi ngayon ha? Bakit magka-kilala ba kami? "Excuse me? Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. "FYI lang dahil I'm sure hindi mo naman ako kilala." Mabuti na lang at wala akong katabi at wala ring masyadong pasahero kaya safe akong makipag-talo dito kay Nicondoktor. "Maraming nanliligaw sa akin, mga gwapo at mayayaman pa. E ikaw?" Natigilan ako dahil narealize kong pasok siya doon sa 'gwapo'. 'Yung sa 'Mayaman' lang talaga. Nakita ko kung paano na namang nagsalubong ang kilay niya. Tinalikuran niya ako para singilin 'yong pasaherong nasa kabilang side ng bus. WHAT? Para akong napahiya na ewan. Nakikisabay pa itong soundtrip sa buong bus sa inis ko! Aish! You're one of a kind, and you make me smile When I'm with you, time stops Akala ko hindi niya na ako kakausapin ulit, pero noong mag-tama ulit ang mga mata namin ay nagsalita siya. Kunot ang noo na para bang may gustong patunayan. Hindi ko alam kung bakit para sa 'kin e, ang lakas ng dating n'on... kapag galit siya, kapag kunot ang noo niya. "Ano ngayon kung hindi ako mayaman?" nalaglag ang panga ko dahil hindi agad nadigest ng utak ko ang sinabi niya. “What?” ang tanging nasabi ko. Dumb-founded at laglag ang panga. "Mayaman lang ba ang pwedeng magka-gusto sa ‘yo?" dugtong niya sa unang sinabi. Ilang beses nagbukas-sara ang bibig ko. Hindi pa nga ako nakakasagot sa sinabi niya ay binirahan niya na ako ng alis. Hindi na naman tuloy ako nakapag-bayad. Hindi ba sila nalulugi doon? Nakakainis! Inis na inis ako dahil hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo niya. Bakit parang palagi siyang galit o inis! Hindi na nga talaga ako nilingon. Noong nagtawag na siya for Buenavista ay hindi siya pumunta sa unahan kaya hindi ko siya nakasalubong, nandoon lang siya, nakatayo sa likod na part ng bus at nagpaka-busy sa mga sisingilin niyang bagong sakay. Hindi ko tuloy naabot sa kanya ‘yong bayad ko. Mabuti na rin dahil ayaw ko na siyang makausap. Aish! Hindi ko alam kung bakit buong linggo ko 'yong inisip. Buong linggong naglaro sa isip ko. Mabuti na lang at hindi na ulit kami nagkikita pa sa mga nakaraang bus pauwi na nasasakyan ko. Hindi ko rin siya nakikita sa buong bus station. Mabuti nga iyon! Tss... "Huy, kunot na naman ang noo mo?" sabi ni Geraldine. "Sino iniisip mo? Si Marcus? Sabi na nabalitaan mo na ‘yong ginawa niya e! Ayaw mo pa naman ng ganoon, ‘di ba?" Kumunot ang noo ko nang mapatingin ako sa kanya. "Sino naman si Marcus? Saka anong ginawa niya?" tanong ko. "Si Marcus, 'yong nagpapansin sa iyo n'ong time ng Statistics? 'Yong nagbigay ng pamaypay? Yung may piercings na mukhang badboy?" aniya. Nag-isip ako ng kaonti at naalala ko na nga siya. Marcus pala ang pangalan niya. "Oh, ano naman? Bakit ko naman siya iisipin? Saka ano bang ginawa niya?" Halos parang mapa-facepalm si Dine habang nakatingin sa akin. “Taga-dito ka ba sa school na ‘to? Bakit parang hindi mo alam ang nangyayari? Mas alam ko pa kaysa sa ‘yo mismo!” aniya. “Ano ba kasi ‘yon? Saka ikaw lang naman kaibigan ko dito. Kung may magsasabi man sa akin, ikaw lang rin.” "Gurl, alam na ng buong campus na nililigawan ka ni Marcus! Mukhang ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam!" frustrated na kwento niya with matching pag-punas pa sa noo. "Akala ko pa naman kaya kunot ang noo mo nitong nakaraang araw ay dahil alam mo na. Kaya hindi ko masyadong binibring out. Ngayon lang dahil halos mapunit mo na ‘yang paper mo kakadoodle ng… ano ba ‘yan? Lalaki ba ‘yan? Sino yan?" Napatingin ako sa papel na kanina ko pa dinodrawingan… hindi ako marunong mag-drawing. Dinodrawing ko sana ‘yong nakakainis na mukha ni NICOnduktor pero ang kinalabasan ay halimaw. “Si Marcus ba ‘yan?” sabi ni Dine. "No way!" inis na sagot ko. “Lines lang ‘yan, wala akong dinodrawing.” “Okay… bakit ka galit?” tatawa-tawang sabi ni Geraldine. Tinabi ko naman ‘yong notebook ko at tinignan ang buong paligid. Wala pa rin ‘yong prof namin… siguro hindi na darating ‘yon. Napatingin ako kay Geraldine na nagcecellphone lang. “Dine…” tawag ko. “Oh?” “Nagtanong sa akin ‘yong kaibigan ko, e. Diba gusto mong maging psychiatrist? What does this guy mean when they said… Ano ngayon kung hindi ako mayaman? Mayaman lang ba pwedeng magka-gusto sa 'yo?” Kunot ang noong nagisip si Dine kaya naghintay ako ng sagot niya. Nang lingunin niya ako ulit ay tumaas ang kilay niya, “Sinong kaibigan ‘yan? Eh diba ako lang naman ang kaibigan mo dito?” “Aish!” napakamot ako sa leeg. “My friend from elementary!” “Oh? May close ka pang classmate n’ong elementary?” “Aish, sagutin mo na lang!” Humalakhak siya, “Hmm, para sa akin… ang ibig sabihin niya doon, kahit mahirap lang siya at kahit mayaman ka, hindi mo siya mapipigilang magka-gusto sa ‘yo… dahil hindi lang naman mayayaman ang may karapatang magkagusto sa ‘yo.” “Eww, so may gusto nga siya sa akin? Tss.” sambit ko pagkatapos magpaliwanag ni Geraldine. Napakayabang ng kundoktor na ‘yon, crush niya rin naman pala ako. Siguro ay style niya ‘yon, kunwari ay pasuplado porket alam niyang gwapo siya tuwing kunot ang noo. “Bakit sa ‘yo? Akala ko ba sa kaibigan mo?” Natauhan ako sa tanong ni Geraldine. Nasabi ko pala ng outloud ‘yon? Hindi ko namalayan. Napakagat ako sa bibig at nag-isip ng ibang topic. "Thesis defense na nga pala natin sa isang araw no? Ready na kayo ng group niyo?" Tumango-tango na lang siya sa sinabi ko. "Oo nga pala, ‘no. Haaaaaaay! Hindi pa rin. Wala ngang kwenta mga ka-group ko, e." “Eh kagroup mo ‘yong irregular nating classmate, hindi ba? Alam ko matalino ‘yon?” “Oo, si JM? Kaso madalas rin namang hindi umaattend sa meeting, jusko! Ewan namin kung anong ginagawa. Hindi nakakaattend kahit weekend naman tuwing magmeeting kami sa house namin.” At nagkwento na siya ng problema niya sa thesis. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakalusot ako. Noong nag-uwian ay hindi ko alam kung bakit medyo kinakabahan ako, lalo na noong nakapila na ako dito sa paradahan ng bus. Nagrereplay kasi sa utak ko ang explanation ni Geraldine. Napailing-iling na naman ako noong marinig ko ang boses ng lalaking iyon sa isip ko. Bakit ko ba siya iniisip? Inililibot ko ang mata ko sa buong paligid, pero wala akong nakitang Nicondoktor. Mabuti nga iyon, nang hindi ako mairita sa kanya. Tss! "Sayang naman wala 'yung poging kundoktor," narinig kong sabi ng babae sa unahan ko, kausap niya yung kaibigan niya pang babae. "Hindi mo tuloy nasilayan." Napataas ang kilay ko. Talaga namang mabenta ang kagwapuhan ng isang 'yon ah? Pero aanhin mo yung kagwapuhan niya kung hindi naman siya mayaman? Wala rin. Hindi ka naman mabubuhay ng kagwapuhan niya if ever ikasal ka sa kanya— Teka, scratch that! ---why did I even consider myself na mabubuhay kasama siya? He's not even my type, and my Mom's type. Saka bakit ba ako nakikinig sa mga usapan? Geez! Lumipas ang mga araw at defense na nga namin, in exactly 4 PM... 3 PM nang mag-decide akong magpalit na into casual dress na susuotin ko sa defense. Pagka-pasok ko sa CR ay nadatnan kong nandoon si Lindsey, sikat na pretty girl dito sa campus. The feeling Queen Bee, kasama syempre 'yong mga alagad niyang bubuyog rin. They raise their brow at me nang magtama ang mga mata namin sa reflection nila sa salamin. Hindi ko na lang inintindi, coz I don't like to go down to their level. Pumasok na ako sa isang cubicle upang magpalit ng damit. Isinabit ko ng maayos 'yong pants and artsy tshirt ko sa pintuan ng cubicle, coz I'm going to wear this again after the defense. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuot ng pencil cut na palda nang marinig ko ang pagchichismis-an nila. "Do you think Marcus' really interested with that b***h?" rinig kong sambit ng alipores ni Lindsey. Muntik nang tumaas ang dugo ko dahil alam ko namang ako ang pinariringgan nila. "I bet not." sagot ni Lind. "Alam mo naman si Marcus, he's a player. I'm sure ifi-first blood niya lang ang babaeng iyon." Y'all wish! I knew it myself na babaero ang Marcus na iyon, so hindi ko hahayaang masayang ang pàgkàbàbàé ko doon! Geez! Nakakairita lang na kailangan pa nila akong pag-chismisan. Padabog na sinusuot ko na ang off-shoulder top ko nang marinig ko ang mahihinang bungisngis nila. "Literally a first blood." bungisngis n'ong isa bago ko narinig ang pag-sara ng pintuan. Umirap na lang ulit ako at bumuntong hininga para alisin sila sa precious kong utak. Kukunin ko na sana ang damit kong isinampay ko sa pintuan ng cubicle nang may mapansin akong sticky red na bagay na dumikit sa kamay ko. Agad akong nagpuyos sa inis nang malaman kung ano iyon! Mga walang hiya! Nilagayan nila ng ketchup ang damit at pants ko! Pusanggala! Inis na nagmartsa ako palabas ng CR kahit pa naka-heels ako. Bwisit! Babalatan ko talaga ng buhay ang mga babaeng 'yon kapag nakita ko e! "Via!" tawag ni Geraldine. "Nakita mo ba sina Lindsey? Bwîsit! Kailangan ko silang sabunutan!" "What? Bakit, ano na namang ginawa nila sa 'yo?" Pinakita ko sa kanya ang damit kong may drop ng ketchup. "Gosh! Mga bruha nga ang mga 'yon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD