Uwian 2: Niconduktor

1423 Words
Inis at medyo naguilty ako doon sa inasta at reaksyon ko pero hindi ko na lang ipinakita. Ayaw kong malaman niyang naaapektuhan ako sa mga salita niya. Siya naman itong unang nagyabang, kaya deserve niya lang rin 'yong ganito, hmp. I don’t care about him! Anyway, sino ba siya? Tingin ko naman ay hindi na ulit kami magkikita. Kada bus naman ay iba-iba ang kundoktor na na-a-assign, right? Malas ko lang talaga ngayon dahil sa bus na sinakyan ko pa pauwi mismo siya nag-kundoktor. Huh! Dapat nga ay ako ang mainis dahil nagsinungaling siya sa akin na midterms rin nila? Para lang maunahan akong makasakay sa bus? Napaka-ungentleman! Tapos ngayon, malalaman ko na kundoktor naman pala siya! He’s not a student so paano siya magkakaroon ng midterms? Inalis ko na lang talaga sa utak ko ang nangyari ngayon. Binulsa ko na rin ang pamasahe kong hindi man lang niya kinuha. Hindi ko naman kawalan! Baka siya pa ang mawalan ng kita. “Mom, I’m here!” tawag ko kay Mommy pagka-uwi. I’m a Mommy’s girl, siguro dahil wala naman na akong Daddy. Tapos hanggang ngayon ay parang baby pa rin ang turing sa akin ng Mommy at ng ibang family namin, kasi nga mayaman ako sa pagmamahal. Siguro ‘yong kundoktor na ‘yon, kulang sa pagmamahal? Kaya gan’on kasama ang ugali niya! Tss. Aish! Bakit ko ba siya iniisip! “Oh, baby, bakit naman kunot na kunot ang noo mo? May nang-away ba sa ‘yo?” Natigilan ako nang pansinin ako ni Mommy. Natauhan ako at agad na inunat-unat ang noo ko. “Ah, ang sakit lang kasi ng ulo ko, Mommy! Ang hirap mag-commute! Kasi ayaw niyo pa bumili ng car…” sagot ko, try ko lang ulit magpaawa. “Ano, Velinda? Pinagcocommute mo itong napakagandang pamangkin ko?” “Tita Vida!” lumiwanag ang mukha ko nang makitang nandito rin pala ang tita ko na favorite ako. Actually favorite naman ako ng lahat, hehe! Bineso ko si tita. "Ay keganda na talaga nitong anak mo, Velinda! Manang mana sa tita! Hahahaha!" Ngumisi lang ako nang marinig ang reklamo ni Mommy. "Hay nako ate, wag ka nang mangarap. E, sino ba sa atin ang nilalaban noon sa beauty contest aber?" anito at nagtungo na sa kusina. Si tita naman ay umupo na rin sa table. "Kumain ka na ba hija?" sabi sa akin ni tita. "Sabay ka na sa akin! Saka bakit mo nga pala pinapag-commute lang ang pamangkin ko. Hindi mo ba kayang kumuha ng kotse? Marami namang mura na pang-estudyante ha?" Umilaw ang mata ko nang buksan ulit ni Tita Vida ang topic about sa pag-bili ng sasakyan. “Busy ako, ate! Kung kukuha man ako ng sasakyan, hindi ko rin papayagan si Via na magdrive mag-isa lalo pa’t nagaaral. Papayag sana ako kung ako mismo ang magdadrive sa kanya papuntang school. Kung kukuha naman ng driver, ay hindi rin ako mapapalagay!” Napanguso naman ako sa dami ng dahilan ni Mommy. “Eh mas gugustuhin ko pang magboyfriend siya ng mayaman at gwapong may kotse, para araw-araw siyang ihatid-sundo--” Mas lalong nalukot ang mukha ko kaya naman grabe ang halakhak ni Mommy. Alam niya kasing naiinis ako sa kanya kapag inaasar niya ako ng ganoon. "Bihis po muna ako!" sabi ko na lang. Nagbihis na nga ako sa kwarto ko pagka-tapos ay bumaba na para saluhan sina Mommy at Tita. I don't have siblings, and I don't have a Daddy too. Actually kinwento sa akin dati ni Mommy na baby pa lang ako noong takbuhan ni Dad ang responsibilidad niya. Kaya ayun, single Mom si Mommy. Pero kahit na gan'on ay hindi ako nito pinabayaan. She did a lot of business. Marami rin kaming paupahang apartment dito sa buong Buenavista, kaya kahit madalas na nandito lang si Mommy sa bahay para sa isang online business niya naman ay malaki-laki ang kinikita niya. Because of that, I got to go with one of the top universities pa nga in Manila. I’m so proud of my Mommy! 'Yon nga lang, ayun, I need to take public bus para makapasok sa school. "Naku, Velinda. Bantayan mo 'yang anak mo ha? Masyadong maganda, baka kung saang lalaki lang mapunta yan!" iyan ang naabutan kong sinabi ni tita kay Mommy. Napatingin naman sila agad sa direksyon ko. "O, speaking of... Ikaw ba e, may boyfriend na?" "Tita naman!" suway ko habang naglalakad palapit. "Syempre wala!" "Dapat lang! Huwag kang gumaya sa Mommy mo. Masyadong nabulag sa pagmamahal ng maaga, ayan hindi kinilala muna 'yong napangasawa. Anong nangyari? Mahirap lang pala ‘yong lalaki, ni walang maayos na trabaho. Anong ending? Hindi ka kayang panagutan kaya iniwan." she looked at me. "Basta ang piliin mo anak, e 'yung papantay sa kagandahan at kasexyhan mo ah? In short, 'yong gwapo... Para hindi naman sayang ang lahi natin." ani Mommy. "Huwag kang maniwala sa Mommy mo. Gwapo ang Daddy mo pero mahirap. Mas mahalaga pa rin na mayaman ang piliin mo!" dugtong ni tita. "Aanhin mo ang kagwapuhan kung hindi ka naman kayang buhayin, hindi ba?" Parang gusto kong takpan ang tenga ko sa pinagsasabi nila Mommy. Kailangan talaga may standard? Hindi ba pwedeng 'yong mahal ako? Si tita na nga mismo nagsabi na hindi muna kinilala ni Mommy ang Daddy ko kaya sa huli, iniwan rin kami… kapag gwapo at mayaman ba, automatic agad na hindi mangiiwan? Kadalasan pa nga, sila ang mga mapaglaro sa puso ng mga babae e, tss! Naalala ko na naman ‘yong mga nagpapapansin sa akin sa school. "Speaking of mayaman!" parang kinikilig na hinawakan pa ni Mama 'yong kamay ko. Napakunot tuloy ako ng noo habang wierd na tinitignan siya. "Naging kaibigan ko 'yong bago nating kapitbahay! Kyaaaaa!" Binitawan ko naman agad ang kamay niya. "Don't tell me, Mom, you like him?!" "What? No! 'Yung anak nilang lalaki ang gwapo!" Nanlaki lalo ang mata ko. "MAY GUSTO KA SA ANAK NILANG LALAKI? My ghad Mom! Baka kaedad ko lang 'yon! Baka anak mo na nga 'yon e!" Kumunot rin ang noo niya sa pag-tataka. "Ano bang pinagsasabi mo?" Napatingin ako kay tita na tatawa-tawa lang sa gilid. "Ang sasabihin ko sana, oo ang gwapo ng anak nilang lalaki! At mayaman pa sila! I'm sure bagay kayo~ hihihi." Bumagsak ang balikat ko kasabay ng pag-irap ko. Here we go again. May bago na namang recruit ang Mommy ko. "Hay nako, Mommy. The last time na nireto niyo ako sa isang lalaki e, 'yong sa halatang pakboy pa. Ayoko na!" "I’m sorry ‘bout that, baby! This time it’s different." sincere na sinabi niya. "Na-meet ko na personally 'yong lalaki at alam ko... ramdam kong mabuti siyang tao... Medyo mahiyain, halatang good boy at study first. Hindi ka sasaktan n'on! Try mo lang, oki?" "Mom..." "...at naipakita ko na rin sa kanya ang picture mo. Hehehehe~" "What? You're really unbelievable!" "Hahaha, I know right." may panahon pang ngumiti si Mommy, samantalang ako high blood na. "Just give it a try, ha, anak?" "Baka naman hindi komportable sa ganyan ang anak mo, Velinda! Pinipilit mo sa mga binatang hindi niya kilala?" ani ni tita. Tumango-tango tuloy ako sa kanya. "What? No, ate. Nirereto ko lang naman siya sa tingin ko'y makakabuti sa kanya, that's all. After n'on, it's her decision if she will continue seeing the guy or not, right?" sabay tingin pa sa akin. Sabagay, Mom's right. Hindi niya naman ako sapilitang ipinapa-date sa mga nirereto niyang lalaki. Ipinapakilala niya lang sa 'kin and it's my say kung go or nah. Isang linggo ang nakalipas at normal pa rin naman ang lahat. Until noong maguwian ay mayroon na naman akong nakitang hindi ko na dapat pa makita... Nasa bus na ako't nakaupo at nakatingin sa tabi ng bintana. Hindi masyadong punuan dahil 2pm pa lang naman. Medyo matagal rin na nakatambay ang bus na ito dito sa bus station para maghintay ng ilan pang pasahero. Prente lang akong nagoobserve ng mga tao or sige, nangja-judge na lang-- nang makita ko na naman ‘yong lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit tumalon ang puso ko… siguro sa inis. Kunot na kunot pa rin ang noo niya na akala mo mataas ang araw at nasisilaw siya. Nakiki-pag-usap siya sa mga kapwa niya siguro kundoktor, pero syempre hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila. Siguro tungkol sa trabaho. It's been a week bago kami nagtagpo ulit, huh. Hmmm, what’s his name again? Nico. Masyadong baduy kung ibabagay sa mukha niya na akala mo mayaman. Mukha lang pala. Nico, the kundoktor. NICOnduktor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD