Year 2019
Bakit kaya sa dinami-rami ng taong nakakasalamuha ko ay parang walang nakalaan na para sa akin? Hindi naman sa nagmamadali ako, pero aaminin kong naiinggit at naku-curious ako sa pakiramdam na may nagmamahal sa iyo. Pero kahit na gan'on ay hindi ako nagsettle sa mga nanliligaw sa akin. Yes, sometimes I am attracted, pero alam kong hanggang doon lang.
Maybe because I want everything to be natural.
Ayokong magustuhan ko ang isang tao dahil lang nanliligaw siya at nagustuhan ko siya dahil lang sa mga magagandang bagay na ipinapakita niya, na maaaring hindi naman pala totoo sa huli. Gusto ko ay kusang puso ko ang pipili, kusang puso ko ang titibok.
Pero hindi ko maaapply ang mindset na iyan sa paghihintay ng bus papuntang school! Sa sobrang daming pasahero, kung maghihintay ka lang talaga ay wala kang mapapala. Kailangan mo nang makipagunahan. Kailangan mo nang makahanap ng bus na masasakyan mo.
Nalukot ang mukha ko sa pagrereklamo habang minamasahe ang kaliwang hita ko. I'm wearing a Lace up shoes with chunky heels at sa isang oras na nakatayo ako ay talagang nakakangalay. Mabuti na lang at may nabakanteng upuan dito sa waiting shed at nakaupo ako habang naghihintay. I wear this shoes dahil bagay sa white sleeveless top and washed blue ripped slim jeans. Ang hassle lang talaga tuwing nagco-commute.
Napatingin ulit ako sa orasan. Kanina pa yata ako nakabantay sa oras, kasi bawat minuto parang lalong dumadagan sa kaba ko. Inis na kinuha ko ang phone ko upang i-chat ang kaibigan ko.
VIA: Dine, nandiyan na si Ma'am? I think I'm going to be late.
"Aish! Inagahan ko na nga ang oras ang gising ko, pero late pa rin!" inis na bulong ko sabay lagay ng phone sa canvass bag.
Bakit kasi hindi pa ako bilhan ng car ni Mommy! Nakakainis. Kaya ko namang mag-ingat. Ang dami kasi niyang napapanood na car accidents sa balita, kaya takot na takot siyang mag-kotse ako. Isa pa, hindi daw magandang investment ang kotse sa ngayon. Mas maganda pang ilaan ang pera namin for another apartment na pwede namin parentahan that will create passive income in the future.
May sense naman, pero grabe na ang traffic sa Pinas. Hindi na makatwiran. Feeling ko una akong babawian ng buhay sa sobrang hirap magcommute!
Tinali ko ang mahaba kong buhok para hindi ito makasagabal sa pagtakbo ko. Halos lahat ng dumarating na bus pa-Maynila ay hinabol ko na. Kung hindi puno ay hindi ito naman titigil. Saktong pang-apat na bus ay agad akong nakaabang sa may pintuan nito para agad na makapasok pagkabukas.
"Saglit lang, may bababa." sabi agad n'ong kundoktor sabay harang ng kamay niya sa pinto.
Ang problema ay maraming kalalakihan ang nauna sa harapan ko. Baka mamaya kaonti lang ang makapasok at hindi pa ako mapabilang! Naisip kong gamitin muli ang advantage ko dahil it works everytime at kahit kailan ay hindi pa ako pumalya. Pakunwari akong tumingin sa orasan at nagpanic kunwari ng kaonti.
"Hay, I think I'm really late." tumingkayad ako para tignan kung gaano karami ang bumababa. Wala pa ni isa, nasa dulo yata ng bus 'yong bababa at mukhang naipit pa sa dami ng tao, kaya natagalan. "May midterms pa naman kami!" nakangusong dugtong ko pa, sapat na para marinig n'ong mga nasa unahan.
Napangiti naman ako sa isip nang nilingon ako n'ong tatlong nauna sa akin. Ang iba ay mukhang nagtatrabaho na, 'yong iba naman halatang estudyante pa.
"Naku, late na late ka na ba?" sabi n'ong mga lalaking lumingon.
Ngumuso ko. I even made sure na ma-display ang mababaw lang pero cute kong dimple sa kaliwang pisngi na lumalabas lang kapag pinilit ko. Hindi ako nabigo dahil nakita ko agad ang kislap sa kanilang mga mata.
"Opo e. Dalawang oras na po akong nakatayo rito." sabi ko pa. Napakagat ako sa labi dahil ang totoo ay isang oras pa lang talaga akong naghihintay.
"Ay, kawawa ka naman. Hindi bagay sa magandang babaeng kagaya mo ang maghirap sa pagba-byahe. Ang dapat sa 'yo ay sa kotse. Sige, sige, ikaw na ang mauna." iminuwestra ni kuya ang unahan niya para hayaan akong mauna. Sumunod rin ang iba.
"Sige ikaw na ang mauna, Miss." ani na rin pati n'ong iba.
Napangisi naman ako.
"Ay, thank you po mga kuya! Thank you!" I said using my sweetest voice, habang umuusod na paunahan. Narinig ko pa ang bulung-bulungan ng mga babaeng nasa likuran.
"Daya naman, porket maganda!" pero hindi ko na lang inintindi.
Sa buhay, kung may gusto ka, kailangan minsan ay maghanap ka ng paraan. Hindi 'yan parang lovelife na pwede kang tumunganga lang dahil mayroon naman talagang itinadhana sa 'yo bago ka pa ipanganak. Walang naka-tadhanang bus para sa atin. Tayo ang kailangang maghabol. Tayo ang kailangang mag-isip ng strategy para makasakay.
Ang kaso lang ay may isa pang lalaki na nasa unahan talaga. Ni hindi niya man lang ako nililingon. Kakalabitin ko sana siya nang nagsalita na 'yong kundoktor. Nakita ko rin ang pagbaba ng isang pasahero.
"O isa lang!" sigaw n'ong kundoktor. "Puno na kami, isa na lang kailangan!"
WHAT? Isa na lang? Agad akong nag-panic n'ong aakyat na 'yong lalaking nasa unahan ko.
"We-wait kuya!" hinawakan ko 'yong balikat niya. Lumingon siya sa akin. Imbis na siya ang mapakurap ay ako yata ang napakurap. Kunot ang noo niya at halatang inis na noong nilingon niya ako. Sandaling natigil ang paghinga ko. "A-Ako na lang mauna p-please?"
Sh*t, hindi makatarungan ang kagwapuhan ng isang ito. The typical mukhang anak-mayaman guy na may maputing balat, thick eyebrows, round eyes, pointed nose, and clear skin. May bangs rin siya na umaabot hanggang sa kilay niya which makes him more attractive.
"Oo nga, paunahin mo na 'yong magandang babae!" hiyaw ng mga nasa likuran.
"Tss." umirap siya at akma na namang sasakay.
"K-Ku-kuya please? K-kailangan kong mauna, estudyante po ako at--"
"May midterms rin ako." simple pero may diin na aniya. So narinig niya pala ako kanina? Pero hindi pa rin niya ako nilingon? Hindi marunong magpaka-gentleman 'to ah? Kumunot na rin ang noo ko habang ang ilan ay nanonood na sa amin.
"Kuya running for Cumlaude ako!" sabi ko at akmang sasakay na.
"Ano ngayon?" sasakay siya sana ulit pero pinigilan ko ulit.
"Bawal ako ma-late, dalawang oras na akong naghihintay dito!" inis na sabi ko pa, I bit my lower lip.
"Dalawang oras na rin ako dito. Nakita kitang dumating one hour ago." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Alam pala niyang isang oras pa lang talaga akong naghihintay? "Kasalanan ko ba malelate ka dahil babagal-bagal kang humabol ng bus?"
Halos para na kaming magbabanatan kung magkatinginan. Parehong nakasampa 'yong paa namin sa unang step paakyat ng bus.
"Hep! Hep!" ani n'ong kundoktor. "Kung mag-aaway kayo, doon niyo 'yan gawin sa gilid. Nakakaistorbo kayo!" saka nila akmang isasara 'yong pintuan ng bus. Agad naman naming inalis ang paa namin sa unang step. May isang babae namang nakahabol sa pagsakay bago pa magsara ng tuluyan ang pintuan ng bus.
"W-WAIT!" Humabol ako sa takbo ng bus habang sumisigaw. "K-KUYA WAIT LANG!"
Kaya lang, tuluyan na itong nakalayo. Halos mangiyak-ngiyak ako at bagsak ang balikat habang tinitignan ang papalayong bus. Tumahimik ang buong paligid, umihip ang malakas na hangin, tapos nakarinig ako ng bulong.
"Kasalanan mo 'to e."
Napalingon ako sa kanya. Hindi siya malayo, at hindi rin malapit. Sakto lang para marinig ko siya. I clenched my teeth and crossed my arms.
"Excuse me?" I even point at myself. "What did you say?"
Nilingon niya ako. Hinangin ang itim at straight niyang buhok. Blangko ang mukha niya pero halatang-halata ang pagka-annoyed dahil sa kilay niyang nagsasalubong.
"Arte." aniya.
Tuluyan nang nalaglag ang panga ko.
"What did you just say?"
Umirap na naman siya saka umigting ang panga. Kumunot ang kanyang noo na lalong nagdepina ng makakapal niyang kilay. "Kung hindi ka nag-inarte, sana isa sa atin nakasakay na sa bus na 'yon!"
"Kung gentleman ka lang rin, sana nakasakay na ako!"
"Tss, gusto niyo ng equality pero ginagamit niyo yung babae-card niyo. Ironic." saka niya ako tinalikuran.
Wow.
Wala na akong masabi. Oo, may itsura siya pero wala siyang modo!
Inirapan ko na lang rin ang likuran niya. He's wearing a white uniform, na I don't know from what school. Hindi ko rin alam kung what course. Well, I don't care.
9 am nang makasakay ako ng bus. Isang oras akong late, mabuti na lang at wala pa talaga kaming midterms. Syempre joke ko lang 'yong kanina. Strategy ko lang para ako 'yong paunahin nila.
Kaso wala ring kwenta dahil sa walang modo na lalaking 'yon.
At least totoong running for Cumlaude ako.
"Hi Via!"
"Ganda niya talaga, pre!"
"Huwag ka nang mangarap, pre! Sa akin 'yan may gusto!"
"H-Hello, Via!"
I don't know how to respond to those boys na sumusubok na kumausap sa akin. I'm not very friendly. Actually I only have 1 friend ngayong college at mabuti na lang kaklase ko siya sa maraming subjects dahil halos magkatulad ang linya ng program namin. Kadalasan tingin ko ay mas marami ang may ayaw o galit sa aking babae dahil madalas ko silang masungitan. But I'm nice when someone is nice, depende kung hindi ko mapansing may tinatago siyang attitude inside. I don't know, minsan alam ko lang talaga kung mabait o may tinatago lang ang isang tao.
Katulad sa kaibigan kong si Geraldine. She's the nicest and purest person for me, so siya lang talaga ang kaibigan ko ngayon.
Nang wala nang tao ang bumabati sa akin sa hallway ay mas binilisan ko pa ang lakad, but I made sure nasa poise pa rin ang pagtakbo ko.
Hingal na hingal noong nakarating ako sa room. I am one hour late! Gosh! Nakakahiya! I bow on my prof at marahang tinahak ang daan patungo sa usual seats namin ni Dine.
"Via! Lagot, late ka na naman!" ani agad ni Geraldine sa akin.
I rolled my eyes and put my backpack on my chair. "I know, right." sabi ko sabay paypay sa sarili using my hands. "Hindi bale, may isang late pa ako. I won't be late next time. Sana!"
Today is really hot huh? Dagdagan mo pa ng pagtakbo ko kanina. And init kahit na airconditioned naman itong room namin.
"Woah, she's still slaying kahit pawisan!" narinig kong sabi ng isa kong kaklase 2 armchairs away infront of me. Napatingin pa ako sa kanila pero hindi nila alintana iyon. Kinindatan pa nga ako n'ong isa.
Yuck!
I rolled my eyes on them at nagpatuloy sa pagpaypay sa sarili. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang may mag-abot ng dalawang pamaypay sa harapan ko. Isang galing sa gilid ko, at 'yong isa ay galing sa likuran. I look at them both... isang lalaking nakasalamin, at isang lalaking may piercing sa tainga.
They also look at each other.
"Taray..." ani ni Geraldine habang pinagmamasdan ang nangyayaring komosyon sa pagitan nilang dalawa. "Ano si Via lang ba ang naiinitan dito ha? Ba't di niyo rin ako offer-an ng pamaypay?"
Napakamot sa batok 'yong lalaking nakasalamin. "S-sorry, Dine, ahm... sige iyo na lang itong sa 'kin." sabay abot kay Dine n'ong pamaypay. Tumingin pa siya sa akin ng isang beses bago tuluyang iabot iyon kay Dine.
Hmm, good boy.
Kinuha ko naman 'yong hawak ng lalaking may piercings. "Salamat!" mabilis na sabi ko. Kinuha ko lang iyon para hindi siya mapahiya syempre, at para hindi na rin mainitan.
“Bakit ba kasi ang hina ng aircon! Ang mahal ng tuition fee natin, ah?” reklamo ni Geraldine.
"You free later, Via?" singit ng lalaking may piercings. Muntik na naman ako mapairap, ayan na naman siya, hitting on every girls na makaharap niya. Nilandi na ng isang iyan 'yong kadorm ni Dine dati na taga-ibang course. Yup, hanggang sa ibang course nakakarating ang isang ‘to. Yes, mayroon siyang mukhang maipagmamalaki, but definitely he's not my type. And obviously, I am his target now.
"No. I have plans."
"Ohhh, sungit." aniya na ngingisi-ngisi. "I like it better." saka siya tuluyang umayos ng upo sa likuran ko.
Lumipas ang buong araw at nagpasya akong umuwi ng mga alas-kwatro ng hapon. Medyo rush hour din ngayon kaya naman may pila na agad pagdating ko sa bus station papuntang Buenavista. 30 minutes na ang nakalipas at nakapila pa rin ako, hanggang sa inabot na lang ako ng pagka-ihi.
"Ah, ate..." kinalabit ko 'yong babae sa unahan ko. "Magsi-CR lang po ako, dito po ako nakapila ha?"
Tumango naman si ate. "Sige, ineng."
"Salamat po!" saka ako nagmartsa papunta sa public CR nitong bus station. Wala namang pila kaya nagtuloy-tuloy ang pagpasok ko hanggang sa----
"Kyaaaaa!" napasigaw ako sa gulat dahil may lalaking topless at nagbibihis sa loob! Hindi agad ako nakalabas at nakapagtakip ng mata kaya naman naabutan ko pa ang paglingon n'ong lalaki dahil rin sa gulat.
Doon lang ako muling lumabas ng cubicle ng kabado at hingal na hingal.
What the hell? Did I see him right? O baka nagmalik-mata lang ako?
Nakumpirma ko lang ang nakita ko nang lumabas na 'yong lalaking nagbibihis sa loob. Agad na nagtama ang mata naming dalawa. Kunot na naman ang noo niya sa akin na parang sinasabing "Ikaw na naman?!" kaya naman mas lalong nadepina ang makapal niyang kilay.
"Tss..." doon lang ako nagising sa reyalidad. Shiz, I almost stare at him na naman. "Maarte na, hindi pa marunong kumatok."
Nalaglag ang panga ko pero binirahan niya agad ako ng alis.
ABA?
"ANO?! HOY! SINO KAYANG HINDI MARUNONG MAG-LOCK?!" sigaw ko at agad na natigilan dahil nahakot ko pala ang atensyon ng mga pasaherong nakapila.
Napatingin ako sa kanila saka ako napatingin doon kay mokong na nilingon rin ako. As usual kunot ang noo niya sa akin na para bang nakakainis ang pagmumukha ko.
"Sira ang lock ng CR na 'yan." aniya.
"Tss. Mga palusot mo e, no?" Akala mo naman maniniwala ako? Inirapan ko siya saka ako nagmartsa papasok ng CR. Pagpasok ko nga, napalunok ako dahil
…ayun… ayaw ma-lock. M-mukhang sira nga.
Napalunok muli ako dahil sa kahihiyan. Pinilit kong i-lock 'yong door knob pero nabubuksan talaga kahit pinindot ko na 'yong lock. Fudge. Naiihi na ako. Hindi ko na kayang pigilan pa 'to hanggang Buenavista. Tatlo hanggang apat na oras ang byahe, at walang stop over.
Pumwesto na ako sa bowl habang hawak pa rin ang doorknob ng pinto. Maliit lang naman kasi itong cr, kaya naman abot ko pa rin 'yong doorknob. Malinis naman at walang amoy sa CR kaya okay lang sa akin, sadyang sira lang talaga ang lock! Nakakainis naman! Hanggang sa natapos ko na ang pag-ihi. Inayos ko na ang sarili ko bago lumabas. Bumungad sa akin ang naka-cross arms na si mokong sa hindi kalayuan. Nilingon niya na naman ako ng kunot ang noo nang mapansin ako.
Ba't ba andito pa ‘to? TSS! I also crossed my arms on him, with matching taas ng kilay at irap, para pahiyain siya at iparating na hindi naman sira ang doorknob at nakaihi ako ng matiwasay... saka ako naglakad.
"Nico, may tao pa ba sa CR? Ihing-ihi na ako, aalis na ‘yong bus namin!"
Hindi pa ako nakakalayo nang may marinig akong lalaking magsalita n'on na mukhang siya ang kinakausap. Napakagat ako sa labi ko habang naglalakad.
"Hmm, wala nang tao." narinig kong sagot ni mokong... na Nico pala ang pangalan. Napabilis ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay sa akin siya nakatingin ngayon at hinuhusgahan ako. Nilamon ako ng kahihiyan dahil binantayan niya pala talaga ang labas ng CR para walang pumasok habang nagsi-CR ako. "Tigas kasi ng ulo. Sinabi nang sira lock ng pinto e. Tss."
Pagkarating ko sa pila ay saktong may bus nang dumating at nagsisiakyatan na ang mga nakapila. I don't even dared to look back on him. Tch! Bakit ba kasi ulit kami nagkita? Badtrip naman o. Lakas talaga mang-inis ng isang iyon, dalawang beses na akong pinahihiya!
Kainis!
Inalis ko na lang siya sa utak ko hanggang sa makaupo ako ng kumportable sa loob ng bus. Doon ako sa second row naupo, doon sa hindi katabi ng bintana para madali lang makababa. Lumipas ang ilan pang minuto bago bumyahe itong bus dahil sa paghihintay ng ilan pang pasahero. At dahil wala akong magawa ay pinagmasdan ko na lang ang iba't ibang uri ng taong umaakyat at nakatayo na sa bus… Palagi ko 'tong ginagawa kapag bored ako. I examined people a lot. I judge their looks, their style, their hair, clothes at kung anu-ano pa. Nakuha ko ang ugali na ‘to kay Geraldine. Mahilig kasi siyang magobserve, silently. Pero siya kasi gusto niyang maging Psychiatrist at maintindihan ang galaw ng mga tao sa paligid niya, ako naman, wala lang, gusto ko lang sila i-judge o purihin sa utak ko.
Ang bus ay parang pinaliit na version ng Earth para sa akin dahil doon mo halos makakasalamuha ang lahat ng klase ng tao. Hmmm... May mga tatay, na halatang galing sa trabaho. May buong pamilyang umaakyat ng sabay na may bitbit na malalaking bag at maiingay na anak...
May magagandang mga babae na may katawagan… May gwapo rin naman na halatang babaero dahil ang porma manamit, may lalaking may bitbit ng gitara, may lalaking naka-earphone... may lalaking amoy yosi paglagpas sa akin…
Gah! Ang baho ng usok!
Nalukot ang mukha ko habang inaalis sa paligid ko ang amoy usok ng yosi. Nang mapatingin ulit ako sa unahan ay natigilan ako. Hindi ako muli agad na nakapagisip, and I nearly dropped my jaw... again.
Hindi naman sobrang porma ng suot niya, simpleng puting polo at itim na pants, pero hindi ko alam kung bakit ang lakas ng dating. Hindi siya 'yong typical na mukhang badboy, hindi rin siya mukhang good boy na naka-earphones at walang pakialam sa paligid. Wala siyang hawak na gitara…
Dahil ang hawak niya ay pera… at bus tickets...
Hindi ko namalayang napatagal ang pagsulyap ko sa kanya. Napakurap na lang ako noong nakalapit na siya sa akin at kinausap ako. Napansin ko na rin na nagsimula nang umandar paalis ang bus.
"Saan ka?" aniya na kunot na naman ang noo at hindi man lang nakatingin sa akin.
"Ha?" nalaglag ang panga ko.
"Saan ka bababa?" iritado na ang tono niya.
What the hell? Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, at ngayon ko lang narealize kung anong uniform ang suot niya.
"Kundoktor ka? Pfft!" Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang sarili ko sa pagtawa.
Pa-cool pa 'tong mokong na 'to. Kundoktor lang naman pala?! Sayang. Ang gwapo pa naman sana! Tsk, tsk. Oo, inaamin ko nang gwapo talaga siya.
"Oo, ano naman?" sagot niya kaya naman nag-hang ang bibig ko mula sa pagtawa. "Kaysa naman manglait ako ng tao." saka niya ako nilampasan.
Natigil lang sa pagka-half open ang bibig ko. Medyo napahiya ako doon kaya naman tumingin ako sa paligid para tignan kung may tao bang nanonood sa amin. Mabuti na lang at wala. Sumandal na lang ako sa upuan ko para magpahinga.
Buong byahe ay hindi na niya ulit ako hinarap. Hindi ko alam kung he's really pissed of what I've said, o dahil busy lang siya sa paniningil ng mga pasaherong halos sakupin na itong buong bus. Ni hindi na nga niya ulit ako siningil ng pamasahe ko, hindi pa ako nakakapagbayad.
"Buenavista na po! Buenavista! 'Yung mga bababa diyan ng Buenavista, kilos na po kayo!" narinig kong sigaw niya.
His voice's so manly na kahit ang corny nitong ginagawa niyang pagsigaw e parang nagiging commercial dahil lang siya 'yong nagsabi. Psh.
Tumayo na ako dahil dito na ang baba ko, kaya lang ay hindi pa ako nagbabayad. Pagkatayo ay agad ko siyang hinanap sa dagat ng mga tao. At sumisiksik na pala siya papunta dito sa unahan. Umirap lang ako at kumilos na nga para makisiksik sa mga taong pababa rin. Pagkababa ko ng bus ay hinintay ko ang pagbaba niya, pagkatapos ay naka-irap na inabot sa kanya 'yong pera ko.
"O, bayad ko." sabi ko.
“Tss." Ni hindi niya naman lang ako sinagot. Parang hangin lang na hindi niya pinansin ang sinabi ko.
Napapikit ako sa inis dahil sa pag-irap niya! No one made me feel unwanted like this before. Lahat ng tao ay gusto ako, I have friends rin naman, at suitors. My family loves me so much. Hindi man ako kasing yaman ng mga kaklase ko o ni Geraldine, pero bilyonaryo ako kung usapang pagmamahal lang rin naman! Kaya hindi kaya ng pride ko ang trato niya sa akin, na para bang ako ang pinakamasama at judgemental na taong nakilala niya!
Bwisit!
Kung nabu-bwisit ka ay mas nabubwisit ako sa 'yo!
Bahala ka sa buhay mo, kundoktor!