Narinig ko pa ang pag-tawag ni Jared pero wala akong pakialam. Diretso ang lakad ko palabas ng University at pa-sakay ng tricycle papuntang bus station. Kaya lang tingin ko’y wala nang bus. I’ll take a grab na lang kung wala pero susubukan ko pa rin. Habang nasa tricycle ay kinuha ko ang cellphone ko upang i-text si Geraldine. Kaya lang ay hindi ko rin natuloy dahil kung gusto namang sabihin ni Dine sa akin iyon ay sasabihin niya. Baka maging uncomfortable siya kapag alam niyang alam ko na rin ang tungkol kay JM. Alam ko syempre ‘yong tungkol sa pagka-crush niya kay JM, pero hindi ko lang alam anong nangyari bakit sila pinagu-usapan nila Shannel. “Si John Michael the janitor? I’m witty right? I did that pun word, JOHNitor!” Bullsh*t! Maybe the reason why I felt like a crap ay dahil hind

