Parang tangang kagat ko lang ang labi ko para mapigilan ang ngiti hanggang sa makarating ako ng classroom namin. Mabuti na lang at hindi ako na-late. Napansin pa ni Geraldine na good mood ako. "O, anong nakain mo? Good mood ka ah!" puna niya sa akin pagkaupo ko ng upuan sa tabi niya. Inalis ko ang munting ngiti sa mukha ko. "Why?" tanong ko. “Anong good mood?” "Parang ang gaan ng aura mo today e." aniya. "Bakit? Lagi ba akong mukhang galit?" "Oo? Hindi mo ba pansin?" sagot niya. "Kabisado ko na nga mga nirereklamo mo tuwing darating ka e. Traffic, mainit, nakasalubong mo si Marcus, nababanas ka kina Lindsey..." "Well, walang nangyari sa lahat ng 'yan kaya good mood ako." ani ko. "Totoo? Hindi traffic?" natigilan ako sa tanong niya. "H-Hindi." taas noong sagot ko. Pero ang totoo ay

