Bahagyang bumilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay dumating na agad si Topher upang samahan kami. Ilang minuto akong lutang, sipping my coffee like there's no tomorrow. Siguro dahil wala akong mapanghugutan ng lakas sa ngayon dahil ito lang ang hawak ko. Mabuti na lang at naging busy ang dalawa sa paguusap. "I did everything I can na pagtakpan ka, pero kilala mo naman si Mommy." Ani ni Nico. "She wants to talk to you now." "Kuya..." Habang ginagawa nila iyon ay hindi ko maiwasang tapunan ng tingin si Nico. Compared to Topher he's a bit matured, like a real Kuya. Gan'on pa rin ang buhok niya, may bangs kung saan umaabot hanggang sa makakapal niyang kilay na lalong nagdedepina ng kagandahan ng mukha niya. Mas lalo ring lumawak ang balikat niya. Mas lalong n

