"Hi," aniya. "Kanina ka pa?" Tanong ko pabalik. "Hindi naman," aniya saka binuksan ang pintuan ng passenger's seat. "Tara?" I smiled a little para tugunan ang pagiging gentleman niya. Isinara na niya ang pinto ng kotse at umikot para sumakay naman sa driver's seat. "I'm glad sinamahan mo ako ngayon." Aniya matapos paandarin ang sasakyan. "Wala rin naman akong gagawin," sagot ko sabay tingin sa bintana. Doon ay natanaw ko na ang dami ng mga pasaherong naghihintay para sa bus na masasakyan nila, pauwi o papunta man kung saan. "Saka ayokong magkulong muna sa kwarto..." Namalayan ko na lang na tinatahak na namin ang daan papuntang coffee shop kung saan kami unang nag-coffee rin. Malapit sa company nilang JCG Firm, at malapit rin syempre sa office place namin. "Haha, sorry, wala akong ma

