Balewala lahat ng pinaghirapan ko para makalimutan ang lahat. Ang unfair. Sobrang unfair ng tadhana. Bakit kung kailan handa na akong i-let go ang lahat ay ngayon ito nagpakita ng pag-asa na pwede pa? At bakit sa napakalupit pa na paraan? Bakit kailangang hindi na ako matandaan ni Nico? Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nakatingin ako sa bintana habang tuloy tuloy na umaagos ang luha sakin mata. Tahimik kong pinupunasan ang mga luhang iyon dahil hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin si Nico at halos isang upuan lang ang pagitan namin. Napakatagal na panahon kong hinintay ang pagkakataong ito. Anim na taon. Pero ngayong nangyayari na ay wala akong ibang magawa kundi ang masaktan. Ilang sandaling katahimikan ang nanaig dahil bukod sa wala nang masyadong pasahero, ay dahil wala ak

