Hanggang ngayon ay nandito pa rin 'yong pakiramdam na kailangan kong manatili rito upang maghintay... 'Yong nararamdaman ko para sa kanya... hindi pa rin ba 'yon nawawala, o nakakapit lang ako sa kung anong meron kami na hindi naman talaga natapos? But as I gave Topher the chance, this would also be the last time na I'll reminisce about the past. This would be the last. Huminga ako ng malalim saka sumakay sa bus na dumating. Ngayong oras ay hindi masyadong punuan itong bus, kaya naman noong sumakay ako ay hindi muna ito agad na lumakad. Naghintay pa ng kaonting minuto para mangalap ng pasahero... I lean my back comfortably habang nakatingin sa bintana nitong bus. Nakaupo ako ngayon sa pan-tatluhang upuan sa tabi ng bintana, ...habang inaalala ang lahat. Tutal, handa naman na akong pa

