Uwian 16: Sparkling Water

1873 Words

Naging napakabagal ng 1 week habang nandoon kami sa residence nila Jared. Gumalaw ang research paper namin noong kinabukasan na yata, at halos linggo na namin natapos, dahil kada araw ay may singit na party sina Shannel. Minsan rin tuwing galing kami sa school ay kung anong oras na sila nakakarating ulit kina Jared. Kaya ako inis na inis dahil madalas kaming naiiwang magkasama ni Jared tuwing hindi sila nakakarating dito agad. Noong sumunod na mga araw ay kay Geraldine na ako sumasabay para naman hindi ko palaging nakikita si Jared. “Okay, we’re done! Sabi ko naman sa ‘yo Via, kaya nating matapos ‘to e. Hihi.” sabi ni Shannel noong na-submit ko na sa kanya ang compilation ng gawa namin. “Kulang pa tayo ng conclusion.” sabi ko naman. Nandito pa rin kami sa sala ng mansyon nila Jared, at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD