Dumating naman agad si Jared sakay ng isang kotse pagkalipas lang ng ilang minutong umalis si Nico.Sumakay ako sa sasakyan ni Jared at mabilis kaming nakarating sa kanila. Malapit nga lang ito doon sa kinatatayuan ko kanina, halos kaya ngang lakarin kung gugustuhin. Malaking gate ang nagbukas upang papasukin ang sasakyan ni Jared. Ramdam ko ang tingin ni Jared sa akin kahit pa nililibot ko ng tingin ang buong property nila. Malaki ang bahay nila unang tingin pa lang. Unang bubungad sa iyo ay hardin at mga pader na puno ng halaman. Sa pinaka-gitna ay may lighted letters na “ARCILLA RESIDENCES”. Nag-park ang driver sa loob mismo ng property kaya naman pinagbuksan na kami ng pintuan ng sasakyan. “Do you like it?” tanong sa akin ni Jared nang mapansing nililibot ko pa rin ng tingin ang buong

