“Tsk. Delikado pa ring tumuloy.” he looked at me in the eyes, kunot ang noo. “Dito ka lang… muna.” umiwas siya ng tingin sa akin para tumingin sa kalsada. “Tss… Ano bang delikado…” I rolled my eyes para mag-object sa sinasabi niya. Bakit parang hindi naman ‘yong pagtawid ‘yong sinasabi niyang delikado? Ni wala ngang dumadaang sasakyan eh? Tumahimik ang paligid. Mabuti na lang at nag-green light na. Napalakad ako dahil sa marahang paglapat ng palad niya sa likuran ko para gabayan ako patawid kahit na nakatigil naman na halos lahat ng sasakyan. Nang makarating kami sa kabilang kalsada ay nakipagpalit din siya sa akin sa kanan, para siya ‘yong nasa side na may sasakyan. “Tss,” sabi ko pagkatawid namin. Wala lang, gusto ko lang siyang irapan. Ibinaba na niya naman agad ang kamay niya na

