Hindi ko na namalayan ang pagkatulog ko sa byahe. Hanggang sa nagising na lang ako na nakahiga na pala ako sa balikat ni Topher. Noong na-realize ko iyon ay agad akong humiwalay sa kanya, dahil doon ay siya naman 'yong napahiga sa balikat ko. Napasilip ako sa mukha ni Topher. Tulog pa siya kaya naman hinayaan ko na lang. Tulog rin si Janica na naka-neck pillow at nakasandal sa bintana ng bus. I checked the road at nasa madilim na. Nasa probinsya na part na rin kami. I wonder kung anong lugar na ito? Sinubukan kong luminga kahit mahirap dahil nakasandal sa balikat ko si Topher. Ang tanging nagawa ko lang ay ang lumingon, which I wish I didn't do dahil nagtama lang ang mga mata namin ni Nico. Agad siyang umiwas ng tingin at muling pumikit. Nakita ko pa ang pag-igting ng kanyang panga. Sig

