Si Janica ang kinausap ko para makasama sa Birthday Celebration ni Topher. Pareho kaming nag-leave sa trabaho n'ong araw na iyon. Sa kanila rin ako nakitulog muna dahil sa kanila mas malapit ang JCG Firm. Doon na lang rin kami susunduin ni Topher gamit ang kotse niya dahil nakakahiya naman kung sa bahay pa namin na malayo. Lunch time noong sunduin kami ni Topher sa tapat ng condo building kung saan nakatira si Janica. May kanya-kanya na rin kaming malalaking bag na bitbit dahil sabi ni Topher ay 2 nights and 2 days daw kami doon. "Grabe talaga Via, ang swerte mo!" Bulong ni Janica habang inilalagay ni Topher ang ilang mga gamit namin sa likod ng sasakyan niya. "Ano ka ba, magkaibigan lang kami ni Topher." Sambit ko sa kanya. "Kaibigan pa ba talaga 'yang ganyan? Yiiie, nakakakilig." Ma

