Hindi ko siya masiyadong natanong ng maayos dahil palagi na lang sumusulpot si Mommy para hainan kami ng kung anu-anong pagkain. Magmula noong tinanong ko siya tungkol sa susi ng kotse ko ay hindi na niya ako nilingon. "Salamat po, Tita. Ang sarap niyo po magluto. Lalo na ‘yong sinangag." Aniya noong nagpaalam na siyang aalis. Nakasandal lang ako sa pintuan namin habang pinagmamasdan silang nag-u-usap. Mukhang giliw na giliw si Mommy sa kanya at panay ang ngiti at tingin sa akin. Umirap na lang ako't pumunta na sa garahe namin para ihanda na ang kotse ko. Pinaandar ko na ito't inilabas ng gate upang iparada sa tapat ng gate para mabilis na ang alis namin mamaya. Hinintay ko na lang ang paglabas niya. Noong lumabas na siya'y automatic na tumaas ang kilay ko't napa-cross arms. Naka-simple

