Binura ko na lang sa isip ko lahat ng masamang nangyari sa araw na ‘to… lahat ng negative vibes. Dumaan muna ako sa boutique and make-up store sa Mall malapit sa bus station pauwi. Nagpalipas muna ako ng mga isang oras para mag-window shopping at bumili na rin ng bagong lipstick tutal maaga pa naman. Tumingin na rin ako sa Uniqlo ng mga damit at binili ‘yong isang cute na minimalist shirt na nakita ko. Tumingin ako sa salaming nadaanan ko habang naghahanap ng bibilhin. I’m wearing a loose tshirt na nabili ko online from Korea, and I partnered it with a plaid skirt, then a white shoes. Tinapat ko sa sarili ko ang hawak kong mid-length jumper dress. Kahit hindi ko naman isukat ay alam kong sakto sa akin. Walang pagdadalawang-isip na binili ko agad iyon. Mga nasa apat na paper bag ang bitbit

