Lumawak ang ngiti niya sabay hand sign ng number 3. Napakunot ang noo ko noong una dahil hindi ko iyon na-gets, ngunit agad ring nanlumo nang ma-realize magka-group kami! Aish! “Magka-group kayo ni Jared, girl.” pansin rin ni Geraldine. “Nakita kong nakipagpalit pa talaga siya ng upuan para maging number 3.” Napatingin ulit ako kay Jared dahil mukhang naka-tingin pa rin siya sa akin, at hindi nga ako nagkamali. Aish, now I feel uncomfortable! “Okay, now, find your groupmates and plan for your topics today. I’ll only give you a week to do it.” lahat kami ay nagreklamo sa sinabi ni Ma’am. 1 week?! Hindi lang naman ito ang subject namin! “Bakit kayo nagrereklamo? Outside this university, mas malala pa diyan ang gagawin at ipapagawa sa inyo! Pang-baby pa nga lang itong requirement ko sa iny

