Dumaan ang weekends na normal lang naman ang lahat. Maliban sa Mommy ko na na-discover na hinatid ako ni Marcus noong isang gabi kaya naman todo ang interview niya sa akin. I wonder kung sinong nagsabi sa kanya? Malamang si Aling Marites na naman na mas updated pa sa buhay ko kaysa sa akin mismo. Siya ang CCTV dito sa village namin. "Hihihi, sana naman makapili ka na kay Marcus o Jared. Win win naman pareho 'yon e." aniya habang nagla-laptop ako at busy sa thesis revision namin. Napakunot ang noo ko. "Sino na namang Jared, Mommy?" tanong ko. May bago na naman bang recruit 'tong nanay ko? "What? Bakit hindi mo pa kilala? Hindi ka pa niya kino-contact ulit?" tanong ni Mama. "Siya 'yong kapitbahay natin na kakalipat lang, remember? I gave him your number." I shrugged. "Whatever, Mom. Tam

