Maaga pa lang, abala na si Laxriel sa harap ng salamin. Para siyang magte-taping ng teleserye sa dami ng nilagay na accessories. “Bes, tingnan mo ‘to,” ipinakita niya kay Serene ang buhok niyang inayos pa talaga ng matagal. “Parang leading lady na ba ako?” “Parang extra na masyadong nage-effort,” deadpan na sagot ni Serene habang inaayos ang bag niya. “Aray naman! Pero okay lang, kahit maging extra ako sa story niya, basta kasama pa rin ako sa cast.” Pagdating sa school, abala ang lahat dahil may biglang announcement: isang emergency meeting daw sa covered court dahil may paparating na inspection mula sa ibang campus. Nagkagulo ang buong klase, kanya-kanyang bitbit ng gamit at upuan. Si Laxriel at Serene, parehong nahirapan sa pag-akyat ng mabibigat nilang armchair. “Ayy, Diyos ko! Ma

