Pagkatapos ng magulong Foundation Week, halos buong campus naman ay abala na sa susunod na event — ang nalalapit na Christmas Party. Agad na nagbago ang itsura ng eskuwelahan. May mga palamuting parol na isinabit sa bawat bintana, kumikislap na mga ilaw sa hallway, at isang malaking Christmas tree ang itinayo sa gitna ng quadrangle. Ang amoy ng pine at bagong pintura ng dekorasyon ay humahalo sa simoy ng malamig na hangin. Siyempre, hindi nagpahuli si Laxriel. Naka-red ribbon headband pa siya at may hawak na maliit na Christmas bell. “Serene, tingnan mo ‘to oh!” sabay kalembang ng kampanilya. “Bagay ba sa akin? Parang reindeer vibes?” “Bagay… sa kindergarten party,” sagot ni Serene habang nakahalukipkip. “Pero kung saya mo ‘yan, sige na lang.” “Hoy, don’t ruin my Christmas spirit! Dap

