Muling bumalik sa normal ang takbo ng araw sa St. Rosandele Academy. Ang mga mag-aaral ay abala sa kanilang kani-kaniyang klase, may mga tumatakbo sa hallways para habulin ang prof, may iba namang nagkukumpulan sa garden habang nag-uusap tungkol sa Christmas break stories nila. Sa unang tingin, tila ordinaryo lang ang lahat. Ngunit para kay Khyro, hindi na ganoon kasimple. Nasa silid siya ngayon kasama sina Lucien, Alaric, at Caelum. Ang prof nila ay nagsusulat ng mahahabang formula sa pisara, habang ang mga estudyante ay nag-aagawan ng notes. Pero ang atensyon ni Khyro ay wala sa harap. Nakatitig siya sa bintana, doon sa may gilid ng campus garden kung saan nakaupo si Laxriel at Serene. Kitang-kita niya kung paano tumatawa si Laxriel, habang pinapagalitan siya ni Serene dahil daw sobr

