Sa pinakagitna ng kadiliman ng Dark Realm, nakaupo sa mataas na trono ang Hari ng mga Bampirang Itim—King Malphas. Ang kanyang mga mata ay parang uling na nag-aalab, at ang mismong presensya niya ay nagpapayanig sa mga haligi ng bulwagan. Sa magkabilang gilid niya, nakaluhod ang mga pangunahing heneral ng kanyang hukbo. Ang buong paligid ay tila binabalot ng mga alon ng pighati at galit, habang ang apoy ng mga sulo ay sumasayaw sa bughaw na liwanag, animo’y galing sa apoy ng impiyerno. “Kung gayon,” nagsimula si Malphas, malamig ang tinig, “ang bagong hari ng liwanag, si Khyro, ay may kahinaan.” Nagkatinginan ang mga heneral, at isa sa kanila ang lumapit. “Oo, Kamahalan. Ang mortal na babae… si Laxriel. Lagi niyang pinoprotektahan, at halatang-halata ang bigat ng ugnayan nila. Isa siyan

