“Bes, seryoso… dapat may special name na akong tatawag kay Khyro!” bulalas ni Laxriel Chavez habang nakahiga sa bench ng garden, hawak-hawak ang ballpen na parang microphone.
“Special name? As in endearment?!” Halos malaglag si Serene Valcrest sa kinauupuan niya sa sobrang gulat. “Girl, hindi pa nga kayo friends, endearment agad?”
Umiling si Laxriel, nakangisi. “Exactly! Para mas mabilis siyang masanay sa presence ko. Pag naririnig niya ‘yung tawag ko, mararamdaman niya na ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya nun.”
“Hoy, Chavez. Iba na ‘to, ha? Paano kung lalo ka lang niyang iwasan?”
Napabuntong-hininga si Laxriel at biglang bumangon, nakatingin sa malayo na parang nasa sariling drama series.
“Hindi niya ako kayang iwasan habang buhay. At one day, marerealize niyang tama ako… at mahal niya rin ako.”
Si Serene? Napa-facepalm na lang. “Kung may award sa pagiging delulu, ikaw na panalo, bes.”
---
Kinabukasan, sa hallway ng St. Rosendale, biglang tumahimik ang lahat. Naroon na naman ang grupong kinatatakutan at kinahuhumalingan ng buong campus—ang tinaguriang Rosendale F4.
Unang naglalakad si Khyro Sev Dravenhart—matangkad, malamig ang titig, at may aura ng hari na hindi basta nalalapitan. Kasunod niya si Alaric Duskbane, na may killer smile na parang heartbreaker by default. Nasa gilid naman si Lucien Valeheart, ang joker ng grupo na kahit seryoso ang aura, laging may nakatagong pang-aasar. At huli si Caelum Noctharis, tahimik pero deadly ang dating, tipong one look pa lang, di mo na kayang huminga.
Parang slow motion ang bawat hakbang nila, at lahat ng estudyante ay walang ibang magawa kundi humanga o lumayo.
Pero si Laxriel? Imbes na kabahan, mas lalo pang na-overwhelm sa kilig. Tumakbo siya papunta sa grupo, sabay sigaw ng malakas:
“Khyro, my loves!”
Sabay kaway pa siya, parang araw sa umagang maulan.
Napatigil ang tatlong kasama ni Khyro at halos sabay-sabay silang napatingin sa kanya.
Si Lucien, napah whistle. “Well, well, well… my loves daw?” may nakakalokong ngisi sa labi.
Si Alaric, bahagyang umiling pero halatang amused. “That’s… bold.”
Habang si Caelum, kunot lang ang noo, pero may bahagyang kibot sa labi—halos matawa pero pinipigilan.
At si Khyro? Tumigil din, mabagal na lumingon. Walang emosyon ang mukha, pero sa loob ng kanyang malamig na mga mata, may munting apoy na kumislot.
“Ano raw?” malamig niyang tanong.
Lumapit si Laxriel, walang pakialam sa titig ng lahat. “Yes, you heard me. From now on… tatawagin na kitang my loves.”
“Ridiculous,” sagot ni Khyro, diretso at walang pag-aalinlangan.
Pero imbes na mahiya, mas lalo pang ngumiti si Laxriel. “Ridiculous o hindi, sanayan lang ‘yan. Wait ka lang, my loves, masasanay ka rin.”
At iniwan niya itong tulala, habang ang buong hallway ay bulungan at ang tatlong kasama ni Khyro ay halos hindi na makapigil ng tawa.Sa rooftop ng St. Rosendale Academy, tahimik ang hangin habang nakaupo ang apat na miyembro ng Rosendale F4.
Si Lucien nakahiga na parang walang pakialam, hawak ang soda can. Si Alaric busy sa pagbukas ng libro pero halata namang hindi nagbabasa, at si Caelum naman ay nakapikit, nakasandal, parang ini-enjoy lang ang hangin.
Si Khyro? Nakatayo, nakasandal sa railing, nakatingin sa malayo na para bang walang nangyari—pero obvious sa tatlo na may iniisip siya.
“My loves…” biglang putol ni Lucien sa katahimikan, ginaya pa yung tono ni Laxriel. “Bro, legit, akala ko mabibiyak mukha mo kanina.”
Napatingin agad si Alaric, napatawa habang iniiling ang ulo. “You should’ve seen your face, Khyro. For the first time, parang… nag-glitch ka.”
Binuksan ni Caelum ang isang mata, saka dahan-dahang ngumisi. “Nakakatuwa lang… kasi normally, hindi ka natitinag. Pero kanina… ibang reaction.”
Dumilim ang tingin ni Khyro, lumingon sa kanila. “Stop. Wala ‘yun.” malamig niyang sagot.
Pero hindi pa rin tumigil si Lucien. Umupo ito bigla, tinapik ang balikat ni Alaric. “You know what this means, right? Our ice prince just got his official endearment. My loves! Imagine, buong campus heard that.”
Napatawa si Alaric. “By tomorrow, baka trending na sa buong school. Laxriel Chavez, the only girl brave enough to rename Khyro Sev Dravenhart.”
Tahimik si Khyro, pero mas lalong naaasar sa loob. Hindi dahil sa tawag mismo… kundi dahil naririnig pa lang niya ang pangalan ni Laxriel, may kung anong kumikirot sa dibdib niya. At ayaw niyang ipahalata.
“Kung hindi niyo titigilan ‘to,” banta niya, “baka wala na kayong makita bukas.”
“Relax, bro.” Caelum finally spoke, calm pero may bahagyang amusement. “She’s not just any girl. She’s… persistent. Two years na siyang humahabol sa’yo, ‘di ba?”
Nanahimik si Khyro saglit. Sa isipan niya, bumalik ang eksena—ang mga mata ni Laxriel habang malakas siyang sumigaw sa hallway, walang pakialam kung pagtawanan siya ng buong mundo.
“Persistent… or reckless,” malamig niyang sagot.
“Or maybe,” dagdag ni Lucien, nakangisi, “she’s the only one who’s not afraid of you.”
---
Samantala, sa baba ng rooftop, naroon si Laxriel kasama si Serene, nakaabang sa pasilyo.
“Bes! Nakita mo ‘yun kanina? Feeling ko first step na talaga para magka-‘kami’ kami ni Khyro!” kinikilig na saad ni Laxriel, halos tumalon sa excitement.
Si Serene, wala nang masabi. “Kung ako kay Khyro, matatakot ako. Pero ikaw? Proud pa.”
“Of course! Kasi kahit gaano siya ka-cold…” ngumiti si Laxriel, nilagay ang kamay sa dibdib. “One day, mapapainit ko rin ang yelo niyang puso.”