Chapter 3

1307 Words
Tahimik ang buong library ng St. Rosendale Academy. Ang tanging maririnig ay ang pagbubuklat ng mga pahina at minsan, ang mahinang tunog ng ballpen na kumakalabit sa mesa. At doon, sa pinaka-dulong table, nakaupo si Khyro, abala sa pagbabasa ng isang makapal na libro. Tulad ng dati, seryoso ang mukha niya, parang walang ibang mundo sa paligid. Hanggang sa… “My loves!” Napalingon ang lahat ng estudyanteng naroon. Ang ilan, napa-shhh agad. Pero si Laxriel Chavez? Walang pakialam. Buong ngiti siyang kumaway at mabilis na lumapit sa mesa ni Khyro, hawak-hawak ang mga libro niya na parang props lang. Napapikit si Khyro ng mariin, pilit pinipigilan ang inis. “We’re in a library. Lower your voice.” Umupo agad si Laxriel sa harap niya, diretsong nakatitig. “Sorry, my loves. Ang hina pala ng boses ko, no? Next time, mas lalakasan ko pa.” Halos mabitawan ni Khyro ang hawak na libro. Pinikit niya ulit ang mga mata, huminga ng malalim. “Stop calling me that.” Ngumisi lang si Laxriel, parang walang naririnig. “Bakit naman? Bagay kaya sa’yo. My loves. Khyro Sev Dravenhart, my loves. See? Tunog royalty. Tunog romantic.” Tahimik si Khyro, pero sa loob-loob niya, parang may kumislot na init sa malamig niyang dibdib. Hindi niya alam kung inis ba talaga… o may ibang dahilan. “Laxriel Chavez,” malamig niyang saad, binigkas ang pangalan niya nang dahan-dahan. “Do you even realize how ridiculous you sound?” Lalong kumislap ang mga mata ni Laxriel. “Narinig mo? Binanggit niya name ko. Full name pa! Bes, kung andito ka lang, baka kinikilig ka na rin!” Sabay itinukod niya ang baba niya sa palad, nakatitig kay Khyro na parang nanonood ng paborito niyang k-drama. “Ridiculous or not, my loves, one day masasabi mo rin ‘yan pabalik sa’kin.” Napahinto si Khyro, napatingin nang direkta sa kanya. For a split second, nakaramdam siya ng kakaibang bagay—parang ang gulo ng mundo pero nakakaakit. Kaya agad niyang ibinalik ang tingin sa libro. “Don’t expect too much,” malamig niyang sagot, pilit ikinukubli ang bahagyang pagkalito. Pero si Laxriel? Ngumiti lang, mas lalong determined. “Too much? Hindi. Enough lang. Enough para eventually… maging my loves mo rin ako.” At habang patuloy na nakatitig si Laxriel sa kanya, tahimik namang tinanong ni Khyro ang sarili: Bakit hindi ko siya ma-ignore… kahit gaano ko subukan? Tahimik na muling nagbasa si Khyro, parang walang Laxriel na nakaharap sa kanya. Pero hindi siya ligtas—kasi si Laxriel? Nag-eenjoy masyado. “Alam mo, my loves…” bulong ni Laxriel habang kinukulit ang gilid ng libro ni Khyro. “Kung ikaw yung cold prince, ako yung mainit na sun. Balance lang tayo.” Dahan-dahang ibinaba ni Khyro ang libro. “Kung sun ka, masusunog lahat ng lapit sa’yo.” Nagkibit-balikat si Laxriel, ngumiti. “At least, ikaw yung una kong susunugin. Para mawala yung yelo sa puso mo.” Napatigil si Khyro. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Pero imbes na sagutin, muling ibinalik ang atensyon niya sa libro. Hindi pa tapos si Laxriel. “O sige, since ayaw mo ng my loves, baka gusto mo iba? Babe? Honey? Mahal? Or… hubby?” Muntik nang mabilaukan si Khyro sa sariling laway, napaubo nang bahagya. Ang tatlo pang estudyanteng nakaupo malapit, napatingin bigla. “Hubby?” ulit ni Khyro, malamig pero halatang gulat. “Yes!” Nakangiti pa rin si Laxriel, proud na proud. “Ang cute kaya. Khyro Chavez. O diba, bagay?” Napapikit si Khyro, mas mariin. “Ridiculous.” “Hindi, romantic.” “Annoying.” “Sweet.” “Laxriel.” Dinilat ni Khyro ang mata niya, diretso ang tingin sa kanya. “You’re testing my patience.” Pero imbes na matakot, lalo pang kumislap ang mata ng dalaga. “And yet… you’re still here, listening to me. That means, may chance ako.” Natigilan si Khyro. Hindi siya makasagot. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit sa lahat ng tao sa mundong ito… si Laxriel lang ang hindi niya kayang itaboy nang tuluyan. Kaya’t wala na siyang sinagot. Tumayo na lang siya, kinuha ang libro, at naglakad palayo. “Bye, my loves!” sigaw pa ni Laxriel, nag-wave na parang nanalo ng championship. Lumingon si Khyro saglit—hindi para ngumiti, kundi para manigurong hindi siya sinusundan. Pero sa loob-loob niya, may maliit na bahagi ng puso niyang hindi makatanggi: Bakit parang… mas hindi ko kayang mawala yung boses niya? Paglabas ni Khyro sa library, diretso siyang naglakad sa hallway. Ang mga estudyante, agad na umiwas, parang awtomatikong nagbibigay daan. Sanay na siya doon — sanay siyang respetuhin, katakutan, at tingalain bilang isang Dravenhart. Pero ngayong araw… iba ang laman ng isip niya. “Hubby daw?” mariin siyang napahawak sa libro sa gilid. “Ridiculous. Completely absurd.” Pero kahit ilang ulit niya sabihin iyon, hindi maalis sa isipan niya ang mukha ni Laxriel — yung makukulit na mata, yung walang takot na ngiti, at yung confidence na kaya niyang itaboy ang lamig sa paligid niya. Bago pa siya tuluyang lamunin ng sariling iniisip, biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Nandoon sina Lucien, Alaric, at Caelum. “Look who’s here,” bungad ni Lucien, nakangisi. “Our ice prince, fresh from his date.” “Date?!” napataas ang kilay ni Khyro. “That wasn’t a date. That was… nuisance.” Umupo si Alaric sa bench, nag-cross arms. “Nuisance? Hindi mukhang nuisance ang epekto sa’yo. Parang… distracted ka.” Tahimik lang si Caelum, pero sa gilid ng labi niya, may bahagyang ngisi. “She’s getting to you, isn’t she?” Napatingin si Khyro sa kanila, malamig pa rin ang boses. “She’s nothing but trouble.” Pero sa loob-loob niya, hindi niya kayang amining—hindi na siya kayang balewalain ni Laxriel. --- Samantala, sa baba, halos sumabog naman sa kilig si Laxriel habang naglalakad kasama si Serene. “Bes! As in, narinig mo ba? Tinawag niya ako by full name. Khyro Sev Dravenhart, my loves, tinawag akong Laxriel Chavez!” halos mapasayaw siya sa hallway, hindi alintana kung tinitingnan siya ng mga tao. Nagpigil ng tawa si Serene. “Girl, narinig ka ng buong library. Pati siguro ng mga libro dun nahulog sa takot. At tinawag mo siyang hubby?!” “Yes!” proud na proud si Laxriel. “Hubby. Kasi one day, magugulat na lang siya — ako na talaga magiging asawa niya.” “Hoy Chavez!” Napahinto si Serene, hinawakan ang braso ng kaibigan. “Reality check naman d’yan. Alam mong hindi ordinaryo si Khyro, diba? Like… hello, sobrang mysterious, parang walang kahit sino na nakakalapit. Baka may tinatago siya.” Pero ngumiti lang si Laxriel, walang bahid ng alinlangan. “Bes, kung mysterious siya… edi ako yung sagot sa misteryo niya. Hindi siya makakatakas sa akin, promise.” Natahimik si Serene, napailing na lang. “Grabe ka talaga. Delulu queen forever.” --- Kinagabihan, sa dorm ng Dravenhart princes, nakaupo si Khyro sa tabi ng bintana. Ang buwan, maliwanag sa langit, at sa ilalim nito… nakikita niya ang garden kung saan madalas magtambay ang mga estudyante. At doon, nakita niyang may isang babaeng nakaupo mag-isa sa bench — si Laxriel. Hawak nito ang notebook, nagsusulat ng kung anu-ano, sabay ngiting parang walang mabigat sa mundo. Napatigil si Khyro. Tumitig siya ng ilang sandali, hindi makaalis. “Why can’t I ignore her?” mahina niyang bulong, halos siya lang ang nakakarinig. “She’s nothing special… and yet…” And yet, ramdam niya sa bawat pag-ikot ng oras — may kakaibang hatak ang presensya ng babaeng iyon. Hatak na hindi niya maintindihan, at ayaw niyang tanggapin. Pero alam niyang isang bagay ang malinaw: Hindi siya kasing cold gaya ng gusto niyang ipakita… lalo na kapag si Laxriel Chavez ang humahabol sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD