Tahimik ang buong bulwagan, tanging tunog lang ng mga sulo at mahinang paghinga ng mga kawal ang maririnig. Nakatayo si Laxriel sa gitna, hawak-hawak pa ang braso ng nakahandusay na si Serene na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Sa itaas ng trono, nakaupo si Khyro, malamig ang ekspresyon, ngunit sa ilalim ng kaniyang titig ay may halong pag-aalangan. Ang mga mata niyang kumikislap sa pilak na may halong asul ay hindi kumukurap habang nakatitig kay Laxriel. “Ngayon,” mababa at mabigat ang boses ni Khyro, “sabihin mo sa akin… paano kayo nakapasok sa lugar na ito?” Nanuyo ang lalamunan ni Laxriel. Kita sa mukha niya ang kaba, pero syempre, hindi niya hinayaang lumabas nang todo. “Uh… GPS?” biro niya, pilit na tumatawa. “Alam mo ‘yung Waze? Sabi kasi, shortest route daw papuntang magic

