Chapter 1

2105 Words
"You two look perfect for each other! Hindi na ako makapaghintay para sa inyong kasal at masilayan ang aking magiging apo!" excited na saad ni Gabriella, suot ang abot langit na ngiti. Sa tatlong anak ng ginang ay si Jethro pa lamang ang nagpakilala ng kasintahan kaya naman walang mapaglagyan ang kasiyahan nito nang magpasya na ang binata na magpakasal. Tipid na ngumiti si Betty kay Gabriella, ang kasintahan ni Jethro. Walang salitang lumabas sa kulay rosas at hugis puso nitong labi. Ibinaling ni Betty ang tingin sa plato na nakalapag sa kaniyang harapan at saka marahan na hiniwa ang beef steak na naroon. Tumusok ito ng kapirasong karne at saka kiming dinala iyon sa bibig. Aliw na pinanood ng ginang kung gaano ka-perpekto ang kaniyang magiging daughter-in-law. Bukod sa mahinhin, mabait, sopistikada, edukada, maganda, ay galing din ito sa marangya na pamilya. Galing ito sa angkan ng mga Dela Cruz, anak ng may-ari ng NEWYOU, isang sikat na clothing company. Tumikhim si Jethro. "Wala pa sa plano namin ang magkaroon ng supling, Mom. Batid niyo kung anong uri ng trabaho ang mayroon siya. Siya ang pangunahing modelo ng kanilang company. Hindi pupuwede na masira ang pigura ng kaniyang mahubog na katawan," malamig na saad ni Jethro. Dinampot ni Jethro ang wine glass mula sa table. Pinaikot-ikot nito ang laman na red wine at saka dinala iyon malapit sa kaniyang ilong upang namnamin ang mabangong amoy ng alak. "Hindi ko balak makialam sa mga plano niyo, Jeth-Jeth. . . Pero kasi nasa sapat na gulang na kayo. Hindi maglalaon ay magpapakasal na kayong dalawa! Hindi kayo matatawag na totoong pamilya kung wala kayong anak!" Nanatiling tahimik si Betty. Hinayaan niya na ang nobyo ang magresolba sa problemang nais ihatid ng ina nito. Kalmadong sumimsim ng alak si Jethro. Ang nanay naman niya ay nagpatuloy sa pagsasalita. "Maaari naman bumalik si Betty sa pagmomodelo after she gave birth." Bumaling ito ng tingin ka Betty, "Right, Betty?" Ibinaba ni Betty ang hawak na knife at fork, kinuha ang napkin na nakalagay sa kaniyang kanlungan at saka pinunasan ang gilid ng kaniyang labi bago nagsalita. “Tita. . . I am just 27 years old and Jethro is just 30. Hindi naman natin kailangan na magmadali. Napakarami pang taon ang lilipas bago kami maging senior citizen,” pabirong saad ng dalaga, suot ang mabining ngiti sa napakabanayad nitong mukha. Mistula itong anghel na tila hindi alam kung paano magalit. “Ang sinabi ko ay sinabi ko! Aasahan ko ang iyong pagbubuntis ngayong taon, Hija! Huwag mo akong bibiguin.” Hindi maipinta ang mukha ni Betty nang umalis si Gabriella. Malayong-malayo ang itsura nito kaysa kanina na tila isang anghel na hindi nabubura ang matamis na ngiti mula sa maganda nitong labi. “Napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na ito ng ilang beses, Jethro! Ayaw kong magkaanak! Hindi mo ba iyon binanggit sa mommy mo?!” Sapo ni Betty ang noo, dismayado sa mga nangyayari. Lumingap si Jethro sa paligid. May pailan-ilan na taong dumaraan kaya naman bahagyang hinatak niya ang nobya sa kubling bahagi ng parking lot kung saan sila naroon. Hindi niya nais na mayroong lumabas na issue tungkol sa kanilang dalawa bukas. Parehong kilala ang kanilang mga pamilya sa business world at kasiraan sa kanilang mga negosyo kapag pumutok ang balitang hindi kasundo ni Betty ang kaniyang ina. Nang mahila ito sa tagong puwesto, dinakma niya ang dalawang balikat nito at saka marahan na minasahe. Nagpakawala siya ng magkakasunod na buntong-hininga bago ibinukas ang mga labi. “Babe. . . Alam mo naman na my mom has heart problem. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang totoo dahil ayaw ko na ako ang maging dahilan ng paglala ng kaniyang karamdaman. Alam mo rin kung gaano siya nawiwili sa ‘yo.” Nanlaki ang mga mata ni Betty. “So, ano? Bubuntisin mo ako, ganoon ba?! Paano naman ang career ko?!” “Babe. . . Mas mahalaga ba ang career kaysa sa pamilya na bubuuin natin?” masuyong tanong ni Jethro sa nobya. Padaskol na hinaawi ni Betty ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa magkabilang balikat nito. “Oo! Ang karera ko ang pinakamahalagang bagay para sa akin! Ayaw ko ng anak, Jethro!” Tumalikod ito, malaki at mabilis ang mga hakbang na lumakad palayo. “Let me drive you home, Babe!” pahabol niyang sigaw ngunit hindi ito huminto. Napabuga na lamang si Jethro ng hangin habang tinatanaw ang palayo nitong likuran. Nawala sa babae ang kaniyang atensyon nang tumunog ang kaniyang phone. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng kaniyang suot na slacks pants. Ang pangalan ng kaniyang pinsan na si Jerome ang rumirehistro sa screen nang silipin niya ito. He swiped up the screen to answer the call. “Hello?” “Hello, Jeth! Narito kami ni Pancho sa ating favorite spot. I called you just to ask if you wanna join us.” Sa isang exclusive nightclub ang tinutukoy nito. Ten minutes lamang ang biyahe mula sa kaniyang lokasyon. Kailangan niyang mag-relax sa mga oras na ito para kalmahin ang sarili. PARADISE, iyon ang club na madalas nilang tambayan na magpipinsan. Tanging mga elites lamang ang may kakayahan na pumasok sa lugar na iyon kaya naman bihirang may mangyaring gulo, hindi katulad sa ibang nightclub na tambayan ng mga siraulo. “May I have your card, Sir?” saad ng dambuhalang security guard na nakaharang sa entrance. Kinuha niya mula sa ilalim ng kaniyang kulay itim na business suit ang kaniyang card holder, binunot mula roon ang kulay gold na card na hinahanap nito. Nagsisilbi iyong entrance card na tanging mga katulad niya lamang na mapalad ang mayroon. “You can proceed inside, Sir.” Humakbang pagilid ang security para bigyan siya ng daan. Nakapamulsang tinahak niya ang entrance way. Kaagad siyang sinalubong ng isang babaeng nakasuot ng isang sexy na uniporme, staff ng club na iyon na siyang nakatoka na mag-assist sa mga customer na papasok. “Mr. Salvador. . . This way, Sir.” Sinamahan siya nito hanggang sa makapasok siya sa pinakaloob. Napansin niya na kakaiba ang set up ng club ngayon kumpara sa karaniwan nitong ayos. May mga music instruments siyang napansin sa stage nito. “Ano ang mayroon? Bakit may mga ganiyan?” tanong niya sa babaeng staff na kasama, tinutukoy niya ay ang mga kagamitan sa pagkanta. “Ah, iyan ba, Sir? May special event na inihanda ang manager namin para sa isang VIP costumer,” pahapyaw na saad niito. “I see.” Narating nila ang isa sa mga private room na naroon. It cost a hundred thousand but he didn’t mind. Barya lamang naman iyon para sa kaniyang mga pinsan na sina Jerome at Pancho. Kumatok muna ang staff na kasama niya before she gradually opened the door. “Jethro! You are finally here! Akala ko aabutan ka na ng end of the world sa daan, e!” Abot gilagid ang ngisi ni Pancho pagkakita sa kaniya. Samantala, yumukod bahagya ang staff sa kanilang harapan. “I will take my leave, Sir. Maaari niyong gamitin ang telepono sa side table kung mayroon pa kayong nais na ipagawa o hingiin.” Umalis na rin ito pagkatapos. “Where is Jerome?” tanong niya sa pinsan. Wala kasi ang lalaki sa silid. Lumakad siya patungo sa kulay pulang sectional sofa para doon maupo. Pula ang karamihang kulay ng mga bagay sa silid na iyon na tanging mga VIP’s lamang ang may karapatan na gumamit. “Alam mo naman ang isang iyon. Hindi iyon kakalma sa kaniyang upuan kung walang babae na katabi.” Sinundan iyon ni Pancho ng mahinang tawa. “Lumabas siya para maghanap ng panibagong biktima?” Dinampot niya ang bote ng Moet and Chandon champagne na nakapatong sa gitna ng table. Inangat niya ito at saka nagsalin sa isang cocktail glass. Pumitik sa hangin si Pancho. “Right! Actually. . . Napakaganda ng babaeng sinusubukan niyang akitin ngayon.” Napailing na lang ng kaniyang ulo si Jethro, dismayado sa kaniyang mga pinsan. Kapwa babaero si Pancho at Jerome hindi katulad niya na okay na sa isa. “Wala akong tiwala sa taste niyo. Lahat yata sa paningin niyo ay maganda basta may diyamante,” aniya na ang tinutukoy ay ang kasarian ng mga babae. Humalakhak si Pancho. “Bakit ang sama ng tingin mo sa amin? Seryoso ako! Maganda talaga si Stella! Trust me, sasaludo iyang espada mo nang kusa kapag nasilayan mo ang ganda niya. Makakalimutan mo na engage ka na!” Umangat ang sulok ng labi niya kasunod ang pag-angat ng kaniyang kamay para tunggain ang alak na nasa kaniyang baso. “That's impossible!” Ilang saglit pa ang lumipas bago nila natanaw si Jerome na patungo na sa kanilang direksyon. “Nariyan na siya,” usal ni Pancho. Mula sa loob ay nakikita nila ang lalaki, ngunit mula sa labas ay hindi sila nito nakikita. Tinted na salamin ang nagsisilbing harang sa VIP room na ‘yon kaya naman malaya nilang nakikita ang nangyayari sa labas. Nahinto siya sa pag-inom ng alak nang mapansin ang tatlong babaeng nakasunod sa likuran ni Jerome. “Holy s**t! Napapayag niya si Stella na samahan tayo!” Hindi siya interesado kung sino sa mga babaeng iyon ang Stella na tinutukoy nito. Ang tanging babaeng nakapukaw sa kaniyang atensyon ay ang babaeng may suot na kulay red na solid lace up bodycon dress. Bumagay ang damit na iyon sa mala-hour glass nitong katawan. Nakalugay ang mahaba at kulay itim nitong buhok na unat na unat. Napakagandang tingnan sa korteng puso nitong mukha. “Ladies, meet my cousins. Pancho, Jethro . . . Meet Mona, Karina, and Stella,” pagpapakilala ni Jerome sa mga ito nang makapasok na sa silid na iyon. Tila asong naglalaway na kinuha ni Pancho ang kamay ng babaeng nakakulay pula, si Stella. “Hi, my name is Pancho Denvill Quijada. Yeah, I know my name is too long. . . You can just call me ‘baby’. . .” hirit ng sira-ulo niyang pinsan. Ngumiti nang alanganin ang binibini. “Hi. I-I’m Stella. It’s nice to meet you, guys.” Malamyos ang tinig nito, nakahahalina. Mistulang anghel na sadyang inihulog sa kalupaan upang pawiin ang kaniyang pagkayamot kay Betty. Hindi namalayan ni Jethro ang matagal na pagtitig sa magandang mukha ng babae. Pumihit ang tingin ni Stella patungo sa kaniya dahilan ng pagtatama ng kanilang mga mata. Doon lamang siya natauhan. Kaagad binawi ang tingin, muling dinampot ang kaniyang baso para tumungga ng mapait na alak. “Siya si Jethro. Ikaw na lamang ang mag-adjust sa ugali niya. Suplado kasi talaga ang pinsan ko na iyan,” bulong ni Jerome na hindi nakaligtas sa kaniyang matalas na pandinig, ngunit pinili niyang huwag na lang mag-react. “Ah, really?” Nakangiti ang babae, tumango-tango ang ulo. Ang nagniningning nitong mga mata ay direktang nakatutok sa kaniya. Animo ay nasisiyahan itong pakatitigan siya. Naghatid iyon ng isang estrangherong pakiramdam na ngayon niya lamang nadama. “Have a seat, ladies. Makipagkuwentuhan muna kayo sa amin.” Umupo si Mona at Karina, samantala nanatiling nakatayo si Stella. Lahat sila ay nakaupo na maliban dito kaya naman takang napaangat ng tingin sa babae ang tatlong binata. “What’s wrong?” walang emosyon na tanong ni Jethro. Kinagat ni Stella ang ibaba ng kaniyang mapula at bow-shaped na labi. Awtomatiko naman na napasulyap doon si Jethro. Nagtaas-baba ang kaniyang Adam's apple, tila bigla siyang nauhaw. “I would like to join you, guys. . . But, I’m terribly sorry. . . I can’t join you,” pagdadahilan nito, nasa mukha na lubos itong nanghihinayang. “But why? Please, join us kahit na ilang minuto lang!” hiling ni Pancho. “Malapit na ang number namin. Hindi ako maaaring mawala roon. Maybe next time. . .” Lihim na nanghinayang si Jethro sa naging tugon ni Stella. Nais niyang makilala pa nang husto ang babae. Interesado siya sa kung anong klaseng tao ito. “Panghahawakan ko iyang pangako mo,” sabi ni Jerome. “Sure! Nagagalak ako na makilala kayo. Especially you. . .” Nahinto sa gagawing pag-inom si Jethro nang tingnan siya ni Stella na parang inaakit. Maging si Pancho at Jerome ay natigilan. “Me?” Angat ang isang kilay ni Jethro, nakaturo sa sarili. Matamis na ngumiti ang dalaga at saka tumango. “Yes, you. Ngayon pa lang ang unang beses na nagkita tayo ngunit tila interesado na ako sa ‘yo. Honestly, ikaw pa lang ang pinakaguwapong lalaki ang nakilala ko.” Laglag ang panga na napasunod na lamang ang kaniyang tingin sa umiindayog nitong balakang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD