Chapter 3

1096 Words
Kusang nagsarado ang mga mata ni Maristela, hinintay ang pagdampi ng labi ni Jethro sa kaniyang labi. Hibla na lamang ang pagitan nila sa isa't isa nang magkasabay silang napaigtad dahil sa tunog ng phone nito. "M-may tumatawag yata sa 'yo. S-sagutin mo na," aniya. Lumalim ang gatla sa noo ng lalaki. "Damt it!" hindi mapigilang asik nito bago kumllos palayo sa kaniya. Bakas sa mukha ang dismaya nang hugutin nito mula sa bulsa ang phone. "What the f**k do you want, dickhead?!" magkasalubong ang kilay na tanong nito. Lihim na nadismaya rin ang dalaga sa naudlot nilang eksena, ngunit nagpapasalamat pa rin dahil mayroong anghel na pumigil sa kaniya na ituloy ang kahibangang naiisip. "Yeah, I'm on my way home. 'Wag niyo na akong hintayin na bumalik!" He cut the call. Ang malalim nitong tingin ay muling bumaling sa kaniya. Pasimplleng tumuwid sa pagkakaupo at inayos ni Stella ang kaniyang seatbelt para itago ang nadaramang pagkailang. "Are you sure you wanna come with me? Just want to remind you na mayroon na akong fiancee. " Nabatid naman ng dalaga ang nais nitong iparating. Ang sumama rito ay hindi magandang ideya. Nakatakda na pala itong ikasal. Blangko ang kulay tsokolate nitong mga mata. Hindi mawari ni Maristela kung ano ang tumatakbo sa isip nito. "Ipinapaalala ko lang sa 'yo. . . Marami na rin akong nainom. And most of the times na lasing ako ay hindi ko alam ang aking ginagawa. So, think twice." Sa sinabing iyon ng lalaki ay nakaramdam siya ng kaba. Hindi niya ito masiyadong kilala. "Paano kung psychopath pala siya? Paano kung patayin niya ako? Paano na ang pamilya ko?" Mga tanong na gumugulo sa kaniyang isip. Dagli, kinalas niya mula sa katawan ang seatbelt. "S-salamat sa pagtulong mo sa 'kin kanina. K-kailangan ko nang umalis." Binuksan ng babae ang pinto ng kotse; akmang lalabas na nang mapahinto. Ang grupo ng mga lalaking tinangka siyang harass-in kanina ay naroon sa isang sulok na madilim; nagsisigarilyo at nag-uusap-usap. "Huwag lang muling maglandas ang aming daan. . . Sinisigurado ko na may kalalagyan ang babaeng iyon sa 'kin," galit na wika ng nakakatakot na lalaki. Nanlaki ang mata at napaurong sa takot si Stella, hawak ang dibdib na panay ang taas at baba. "Are you alright?" Hindi siya sumagot kaya naman gumawi ang tingin nito kung saan nakatutok ang kaniyang mga mata. Naging malinaw kay Jethro ang lahat nang makita ang dahilan ng kaniyang biglaang pagkabalisa. "P-please! Ilayo mo ako rito!" Kapag nagpakalat-kalat siya sa labas ay baka kung ano ang gawin ng mga ito sa kaniya. Madali lamang para sa mga ito ang dukutin siya, patayin, at itapon sa ilog. Kaya nilang pagtakpan ang krimen dahil ordinaryong tao lamang siya at ang mga ito ay matataas ang antas sa lipunan. "I warned you? Hindi mo ba pagsisisihan na sa 'kin mo napili na sumama?" patudyo na tanong ni Jethro. Maang na napatitig siya sa halos perpekto nitong mukha. Nakangisi si Jethro sa kaniya; tila mayroong maitim na balak na nasa isip. "Mas delikado akong kasama kaysa sa kanila…" Nilamon siya ng takot, ngunit sa kaniyang isip ay kung mamamatay siya ay mas gugustuhin niyang ito ang kaniyang maging killer. "Kung sasama ako sa kanila, tiyak na aabusuhin ako ng mga pangit na iyon, pagpapasa-pasahan na parang laruan. Kung maaabuso lang rin ako, mas gugustuhin kong ang guwapong katulad mo ang gumawa nito kaysa sa kanila," tapat niyang tugon. Isang halakhak ang pumailanlang sa loob ng kotse. Halakhak na waring isang musika sa kaniyang pandinig. Tanda na nahihibang na nga talaga siya. "Hindi ko akalain na hindi lang malakas ang iyong loob, matalino ka rin." He engined the car at saka iyon pinaandar paalis sa parking lot. Tahimik lamang siya habang ang kaniyang kasama ay seryosong nakatutok ang mga mata sa daan. "Paano ka nakapasok sa nightclub na iyon? Kilalang tao ba sa lipunan ang iyong pamilya?" kapagkuwa'y tanong nito. Napaisip siya. "Oo," tipid niyang tugon. Umangat ang isang kilay ni Jethro. "Anong trabaho ng parents mo? Politicians? Businessman? Tell me if you don't mind." Mapait siyang ngumiti. "Wala sa nabanggit. Hindi kami mayaman. . ." Lumamlam ang kaniyang mga mata. Upang maitago ang kalungkutan na iyon ay ibinaling na lamang niya ang tingin sa labas ng bintana. Gayunpaman, napansin pa rin ito ni Jethro. "Ngunit sabi mo ay kilalang tao ang mga magulang mo. Pinaglalaruan mo ba ako?" "Kilala sila. . . Totoo 'yon. Kilala ang pamilya namin dahil sa malaking utang." Bumilog na parang hugis O ang bibig ng lalaki. "I see." Namalayan na lamang niya na nakahinto na ang kotse na kanilang sinasakyan. Bumaba na mauna ang lalaki para pagbuksan siya ng pinto ng kotse. "Narito na tayo." "Thank you," kimi niyang sagot nang makababa. Lumingap siya sa paligid. Malawak na hardin, matayog na bahay, at malaking swimming pool. Napakagara. Ngayon lamang siya nakapasok sa ganoon kalaking bakuran. "Huwag kang tumayo lang diyan. It's freezing here outside, pumasok tayo sa loob." Sumunod siya nang magsimulang humakbang ang lalaki. Nanginang ang kaniyang mga mata nang makapasok siya sa loob. Para siyang nasa loob ng isang palasyo. May malaking babasagin na chandelier na naka-hang sa itaas ng kanilang kisame na sa isang pasada lamang ng mga mata ay batid niyang milyon ang halaga. “Maupo ka muna." Itinuro nito ang sectional sofa na nasa gitna ng salas. Sa harapan nito ay isang malaking flat screen TV. Kinuha ni Jethro ang remote control sa center table para buhayin iyon. Nag-flash sa screen ay ang mukha ni Lee Dong Wook na crush na crush niya. "Nanonood ka rin ng KDrama?" amaze niyang tanong. Umupo na siya sa sofa sapagkat iyon ang palabas na nais niyang panoorin. Kuwento ng isang nine-tailed fox at first love nito. "Minsan," tipid nitong tugon. Tumungo si Jethro sa kitchen para kumuha ng ilang malamig na beer in can sa fridge. Pagkakuha ay bumalik na ito sa sala. Ipinatong nito ang mga lata sa center table. "May gusto ka bang kainin?" "Ako?" maang niyang tanong. "Hindi. Iyang multo sa likod mo ang tinatanong ko." Napatili at napalukso siya sa takot. Kumanlong siya kay Jethro at lumambitin sa leeg nito na parang isang unggoy. Huli na nang mapagtanto niya ang kanilang puwesto. Napalunok siya nang malalim nang maramdaman ang tila isang matigas na bagay na tumutusok sa kaniyang pang-upo. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa lalaki, while Jethro just smirked at her na parang bale-wala kahit na nararamdaman niya ang matigas na bagay na 'yon. "Ano ang pakiramdam na nakaupo ka ngayon sa kanlungan ko at mahigpit na nakayakap sa 'kin?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD