HUMINTO si Alexis mula sa paglalakad ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Kinuha naman niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon at nang tiningnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita at nabasa niya na si Francis iyon. "Gov, where are you?" Agad na tanong ni Francis ng sagutin niya ang tawag nito. "Relax, Francis," wika niya dito mula sa kabilang linya"I'm still here at the mall and I'm safe," sagot niya dito para hindi ito mag-alala sa kaligtasan niya. Lumabas kasi si Alexis ng hotel na tinutuluyan. Gusto kasi niyang maglibot-libot bago sila bumaba ng Baguio bukas. Hindi nga niya isinama si Francis sa pag-alis niya sa hotel dahil gusto niyang maglibot ng mag-isa. At alam niyang nag-aalala na ito dahil halos tatlong oras na siya sa paglilibot at hindi pa din siya bum

